Narinig mo na ba ang halaman na kung tawagin ay ‘Giant Hogweed’?
Ano ang Giant Hogweed at saan ito makikita?
Ang Heracleum mantegazzianum o mas kilala bilang Giant Hogweed ay isang halaman na native sa rehiyon ng Eurasia. Kadalasan ito ay may taas na 14 feet, mabuhok at mayroong maliliit na kulay puting tila bulaklak. Sa una ito’y aakalain mong mabango at hindi delikado ngunit marami na ang kaso na nasunog ang balat dahil sa halaman na ito. Kasama na sa dalang disgrasya nito’y ang pagkabulag. Para sa mga researcher, ang giant hogweed ay ‘noxious weed‘ kung tawagin.
WARNING: Nakakasunog ng balat ang halaman na ito | Image from Manchester Evening News
Matatagpuan na ito sa mga lugar ng Maine, Massachusetts, Vermont, Connecticut, New York, Pennsylvania, North Carolina, Michigan, Illinois, Washington, at Oregon.
Ang isang giant hogweed ay kayang makapag-produce ng 20,000 seeds na may taas na 30 feet at maaaring mag-travel mula hangin o tubig.
Ano ang itsura nito?
Mula sa maliit na plant seed, ang giant hogweed ay may katagalan bago lumaki at maging 14 feet. Ito’y may tila maliit na bulaklak at matulis na dahon. Isa sa dapat mong tignan para makumpirma na ito’y Giant hogweed ay ang maliliit na buhok nito sa steam at kulay lila na patch.
WARNING: Nakakasunog ng balat ang halaman na ito | Image from iStock
Bakit nga ba delikado ang giant hogweed?
Lubhang mapanganib ang dalang disgrasya ng halaman na ito. Kaya nitong sunugin ang balat ng isang tao at ang malala, kaya nitong makabulag.
Ibinahagi ni Naja Kraus, isang Giant Hogweed Program Coordinator ng Department of Environmental Conservation sa GoodHousekeeping.com na kung maraming mahahawakan mo nito o mapunta sa ‘yo, mas masidhi ang hatid nitong panganib sa iyong kalusugan.
“Once you get it on you, it makes your skin unable to protect itself from the sun.”
Matatagpuan sa halaman na ito ang furanocoumarins, isang toxic na kemikal na kayang makasunog sa balat kapag naarawan ng araw.
WARNING: Nakakasunog ng balat ang halaman na ito | Image from Manchester Evening News
Isa ang 17 years old na lalaki mula sa Virginia ang napagalamang nakaranas ng disgrasya na hatid ng nasabing halaman. Siya’y isinugod sa ospital at nagkaroon ng 2nd at 3rd degree burn matapos nitong aksidente na mahawakan at mahiwa ang giant hogweed plant habang siya ay nasa landscaping job. Sa una, wala siyang naramdaman na kakaiba hanggang siya ay naligo kinakabihan.
“I thought it was just a little bit of skin at first, but then big chunks of my face were falling off.”
Naka-confine ang lalaki sa Virginia Commonwealth University’s burn center ng dalawang araw at kailangang iwasang matamaan ng sinag ng araw ng anim na buwan.
Source:
Good Housekeeping, Manchester Evening News
BASAHIN:
Top 9 na nakakalason na halaman na maaaring ikapahamak ng iyong anak
Laging namamatayan ng halaman? 8 tips on how to be a successful plantita
LOOK: Jinkee Pacquiao, the ultimate plantita—pati halaman niya, yayamanin!
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!