Mommies, magpapasko nanaman, at siyempre panahon na para magbigayan ng regalo ang mga pamilya. Pero, nakabili na ba kayo ng regalo para kay mister? Kung hindi pa, heto ang 20 gift ideas para kay mister sa darating na pasko.
20 na gift ideas para kay mister!
1. Wallet
Ang wallet ay isang maganda at praktikal na pangregalo para kay mister. | Source: Maxpixel
Kung hindi ka sigurado sa ireregalo kay mister, siguradong matutuwa siya kapag niregaluhan mo siya ng wallet! Ito ay simple, praktikal, at araw-araw niyang magagamit kaya’t siguradong magugustuhan niya ang regalo mo.
2. Socks
Maganda ring regalo ang medyas para sa iyong mister. | Source: Libreshot
Isa pang simple at praktikal na regalo ang medyas para kay mister, lalong-lalo na kung araw-araw siyang pumapasok sa opisina. Siguradong magiging mas confident ang iyong mister kung alam niyang ang suot niyang medyas ay nanggaling sa kaniyang pinakamamahal na asawa.
3. Swiss Knife
Magandang regalo ang Swiss knife para sa mga mister na mahilig magbutingting! | Source: Publicdomainpictures
Kung mahilig magbutingting at kumalikot ng kung anu-ano ang iyong asawa, magandang pangregalo ang Swiss knife. Siguradong magagamit niya ito kapag siya ay may inaayos sa bahay, at magagamit rin niya ito sa emergency kung kinakailangan.
4. Basketball Jersey
Mahilig ba si mister sa basketball? Kung oo, siguradong matutuwa siya sa basketball jersey! | Source: PXhere
Mas masarap talagang manood at maglaro ng basketball kung suot mo ang Jersey ng pinakapaborito mong team. Talagang matutuwa sa iyo si mister kung ito ang iregalo mo sa kanya sa pasko.
5. Libro
Mahilig ba si mister sa mga libro? | Source: LIbreshot
Bookworm ba si mister? Bakit hindi subukang alamin kung sino ang kaniyang mga paboritong manunulat, at bilhan siya ng libro para iregalo sa pasko!
6. Rubber shoes
View this post on Instagram
Sneakerhead ba ang asawa mo? Siguradong matutuwa siya kung bilhan mo siya ng bagong rubber shoes o sneakers para sa pasko!
7. Jacket/hoodie
View this post on Instagram
Mahilig ba pumorma ang iyong asawa? Bigyan ng magandang jacket o hoodie ang iyong asawa sa pasko para kahit malamig ay komportable at stylish pa rin siya.
8. Backpack
View this post on Instagram
Luma na ba ang ginagamit na backpack ng iyong asawa kapag pumapasok siya sa opisina? Kung oo, magandang regaluhan siya ng bagong backpack para mas ganahan siyang pumasok sa opisina!
9. Tools
Luma na ba ang mga tools ng iyong asawa? Bakit hindi sila regaluhan ng bago para sa pasko! | Source: Maxpixel
Kung ang asawa mo ang pinaka “handyman” sa inyong tahanan, siguradong magugustuhan niya kapag binilhan mo siya ng bagong mga tools! Magagamit niya ang mga ito kapag mayroong dapat ayusin o kumpunihin sa bahay.
10. Mountain Bike
Magandang regalo ang mountain bike para sa mga outdoor enthusiast. | Source: Pixabay
Kung mahilig sa outdoor sports ang iyong asawa, bakit hindi mo siya bilhan ng mountain bike? Maganda itong paraan para maging fit, at siguradong maeexcite lalong mag-bike ang iyong asawa kapag alam niyang gamit niya ang bike na bigay mo.
11. Thermos flask
Mahilig ba magkape si mister? Perfect na regalo sa kaniya ang thermos flask. | Source: Pixabay
Kung mahilig uminom ng tsaa, kape, o kung anu-ano pang mainit na inumin ang iyong asawa, magandang regalo sa kaniya ang thermos flask!
12. Wrist watch
Para sa espesyal na regalo sa asawa mo, regaluhan siya ng wrist watch. | Source: Pexels
Medyo may kamahalan, pero siguradong matutuwa ang iyong asawa kapag niregaluhan mo siya ng wrist watch. Talagang susuotin niya ito araw-araw lalo na at alam niyang galing ito sa iyo.
13. Pabango
Tradisyonal na regalo ang pabango para sa mga lalaki. | Source: Maxpixel
Kung nahihirapan kang mag-isip ng pangregalo sa iyong asawa, bakit hindi regaluhan siya ng pabango? Siguradong gagamitin niya ito, at matutuwa pa ang asawa mo dahil nakakasigurado siyang magugustuhan mo ang amoy niya palagi!
14. Earphones
View this post on Instagram
Mahilig ba sa music ang iyong asawa? Matutuwa siya kapag niregaluhan mo siya ng magandang earphones para mapakinggan niya ng mas magandang quality ang paborito niyang mga kanta.
15. Leather shoes
View this post on Instagram
Kung madalas magsuot ng leather shoes ang iyong asawa, at napapansin mong naluluma na ang sapatos niya, magandang regaluhan siya ng bagong leather shoes. Nakakadagdag ito sa kaniyang confidence, at siguradong araw-araw niya itong gagamitin.
16. Coffee maker
View this post on Instagram
Madalas bang 3-in-1 na kape ang iniinom ng iyong asawa? Bakit hindi siya regaluhan ng sarili niyang coffee maker para sa uaga ay freshly brewed coffee na ang kaniyang iinumin sa umaga!
17. Bluetooth speakers
View this post on Instagram
Bukod sa earphones, maganda ring regalo ang speakers para sa music lover na asawa. Siguradong matutuwa ang iyong asawa lalo na kung bigyan mo siya ng bluetooth speakers para lagi siyang puwedeng makinig ng music, kahit saang lugar sa inyong bahay.
18. Camera
View this post on Instagram
Mahilig ba kumuha ng letrato ang iyong asawa, pero smartphone lang ang meron siya? Regaluhan mo siya ng isang bagong camera para mas maging masaya ang kaniyang hobby. Malay mo, may nakatago palang talento ang iyong asawa para sa pagkuha ng mga letrato.
19. Kitchen Knife
View this post on Instagram
Para sa mga daddy na mahilig magluto, perfect na regalo sa kanila ang isang high quality kitchen knife. Siguradong mapapadalas ang pagluluto ng iyong asawa dahil gusto niyang gamitin ang bago niyang kutsilyo.
20. Paborito niyang alak
View this post on Instagram
Maganda ring iregalo ang paboritong alak ng iyong asawa, lalo na kung bihira naman siya uminom ng alak. Siguradong matutuwa siya sa regalo mo, at sa pagiging thoughtful mo na asawa.
Pero siyempre, wag dapat sosobra, at drink moderately palagi!
Basahin: Gift Ideas ngayong Pasko: Mga regalong maaaring bilhin
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!