LOOK: Giselle Sanchez at asawang si Emil Buencamino, nagdiwang ng 20th anniversary

Bilang celebration ng 20th anniversary nina Giselle Sanchez at Emil Buencamino nagdiwang sila ng simpleng intimate garden wedding kasama ang mga malalapit na kamag-anak. | Lead image from Nice Print Photography

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa pangalawang pagkakataon, ikinasal ulit si Giselle Sanchez sa asawa nitong si Emil Buencamino. Bilang selebrasyon ng kanilang 20th anniversary, kasama ang mga anak at ilang malalapit na bisita, nagdiwang sila ng simpleng garden wedding.

Giselle Sanchez at asawang si Emil Buencamino, nagdiwang ng 20th anniversary

Taong 2000 nang ikinasal ang aktres at TV host na si Giselle Sanchez sa musikerong si Emil Buencamino. Noong nakaraang linggo lamang ay idinaos nila ang kanilang 2nd wedding bilang celebration sa kanilang 20th anniversary sa Daughter’s Of St. Anne Convent sa Cubao.

LOOK: Giselle Sanchez at asawang si Emil Buencamino, nagdiwang ng 20th anniversary | Image from Nice Print Photography

Masaya nilang ibinahagi ang mga litrato sa kanilang intimate celebration kasama ang ilang kapamilya. Sa isang Instagram post nito, buong puso niyang binigyan ng mensahe ang asawa.

“Dear Emil, thank you for agreeing on a quiet intimate ceremony inside the convent where I serve. Instead of spending lavishly on an anniversary, we opted to donate and help the projects of the #daughtersofsaintanne convent. In the middle of the pandemic and after a storm, kindness is needed for this world to thrive.”

-Giselle Sanchez (@gisellesanchez)

Laking pasasalamat ng aktres dahil naging maganda ang takbo ng kanilang importanteng araw. Mula sa magandang dekorasyon sa garden wedding, nakisama rin ang magandang panahon sa kanila. “I would like to thank God for the sunny weather yesterday that allowed me to have my dream garden wedding.”

Ipinakita pa ng aktres ang kanilang throeback photo ng kanilang kasal noong 2000. Inilarawan niya ang kanilang cake noong 2000 na “extravagant wedding cake with matching fountain” at “simple wedding cake” ngayong 2nd celebration nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

LOOK: Giselle Sanchez at asawang si Emil Buencamino, nagdiwang ng 20th anniversary | Image from Nice Print Photography (right)

Giselle Sanchez and Emil Buencamino lovestory

Sa naging interview kina Gieselle at Emil sa morning show ng ABS-CBN na Magandang Buhay, ibinahagi ng dalawa ang kanilang “aksidenteng” pagkakakilala.

Sa kuwento ng aktres, noong nag-aaral pa raw siya ay kinakailangan niya ng video cam at naisipang humiram sa isang kaklase. Tinawagan niya ang kaklase na si Michael sa telepono at hindi inaasahang si Emil ang makasagot—na kapatid nito. Nagpakita rin sila ng short skit ng kanilang unang pag-uusap.

Ayon kay Emil, matagal na niyang kakilala si Gieselle dahil napapanood niya ito sa mga play sa UP. Kinabukasan nga, kinausap siya ng kaklase nitong si Michael at sinabing “My brother said he wants to date you.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naging kakaiba naman ang kanilang naging relasyon dahil sa “open relationship” na kanilang label. Mayroong tatlong boyfriend si Gieselle at isa na doon si Emil. Pumayag si Emil ngunit hindi siya sang-ayon dito. Dumating nga ang isang pagkakataon na, na-realize ng aktres na hindi niya kaya ang open relationship nang magkaroon ng attachment sa ibang babae si Emil.

“May makulit na na-attach sa kaniya tapos nagalit ako. Brineakan ko muna siya kasi sobrang nagselos ako. Hindi ko kaya.” pag-amin ni Gieselle habang ikinukwento ang kakaibang karananasan.

“Noong na-attach na siya, hindi ko na kinaya. Doon ko na-realize na ito ‘yung mahal ko, ayoko na ng open relationship, i-close na natin. Itong open relationship is not an honest relationship, it’s not even a relationship at all.”

Ibinahagi rin ng aktres ang kaniyang naging birth method sa dalawa nitong anak. Ito ay ang tinatawag na “Lamaze Method”. Mas pinili ni Gieselle ang ganitong uri ng panganganak dahil mas mabilis lumabas ang baby. Makakaiwas pa sa pagiging “pagod” ng sanggol pagkalabas nito sa ina. Kadalasang tulog ang mga bata pagkalabas dahil sa gamot na ibinibigay sa nanay. Ngunit sa method na ito, gising at umiiyak agad ang sanggol pagkalabas nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

LOOK: Giselle Sanchez at asawang si Emil Buencamino, nagdiwang ng 20th anniversary | Image from Nice Print Photography

Pagkatapos manganak ni Gieselle sa kaniyang pangalawang anak, ibinahagi nitong halos 1 month siyang hindi naligo dahil sa pagsunod sa chinese tradition na Ge Lai.

“Imagine mo, kung anong ginawa ng babae na nagluwal ng bata, grabe ang pagod. So, hindi basta-bastang mapasukan ng lamig. Kaya ‘yung Ge Lai na ‘yon, umuupo ako sa steam.”

Pag-amin ni Emil na mainitin ang ulo ni Gieselle ngunit ayon sa aktres, malaki ang naitulong ng kanilang relasyon para maging kalmado siya.

Sikreto kung paano maging masaya at mapahaba ang sa isang relasyon

Base sa isang pag-aaral, napag-alaman na ang sikreto upang tumagal sa isang relasyon ay ang happiness, romantic intimacy at koneksyon sa isa’t-isa. Dapat ay panatilihin ito at ‘wag pabayaang mawala.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa Canada’s Western University na kinabibilangan ng 11,000 couples.

Ayon sa lead author nitong si Samantha Joel,

“It suggests that the person we choose is not nearly as important as the relationship we build.” It’s the overall way the partners relate to each other. The research shows, she adds, that “the dynamic that you build with someone — the shared norms, the in-jokes, the shared experiences — is so much more than the separate individuals who make up that relationship.”

Ang mga episode sa buhay na ating nararanasan katulad ng depresyon, pakikisama sa isang tao, stable marriage o divorce ng magulang, ay nagkakaroon ng negatibong epekto sa isang relasyon. Ngunit ang pinakamahalagang element para maging matibay ang pagsasama ng mag-asawa ay ang pagkakaroon ng kasiyahan sa kanila.

Ito ay pasok sa:

  • Kapag kuntento ka sa presensya lang ng iyong partner.
  • Nagiging masaya ka kapag nakikita mo ang iyong partner.
  • Pagkakaroon ng suporta sa mga bagay na ikaw ay nahihirapan.
  • Mutual enjoyment kapag nagtatalik.
  • Nararamdaman niyo ang kakaibang koneksyon sa inyong pagsasama.

 

BASAHIN:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

5 tips mula kay Andi Eigenmann kung paano magpalaki ng hindi materialistic na bata

Coleen Garcia, ito ang ginamit para mawala agad ang rashes ni Baby Amari

Lara Quigaman’s advise to pregnant moms: Huwag kalimutan alagaan ang sarili

Sinulat ni

Mach Marciano