Kinagiliwan at hinangaan ng mga netizen si Gladys Reyes sa pagiging hands on nito sa pag-aasikaso sa mga anak. Ang children ni Gladys Reyes ay sabay-sabay na nagsipagtapos sa iba’t ibang baitang ng kanilang pag-aaral.
Gladys Reyes ibinahagi graduation pictorial ng children
Hindi lang isa kundi tatlong anak ni Gladys Reyes ang nagtapos sa iba’t ibang baitang ng kanilang pag-aaral.
Sa isang Instagram post ng aktres makikitang hands on na hands on ito sa pag-aasikaso sa tatlo nitong anak na magsisipagtapos.
Larawan mula sa Instagram ni Gladys Reyes
Ayon kay Gladys Reyes, ang anak niyang si Christophe ay magtatapos ng Grade 12 habang ang anak naman niyang si Grant ay gra-graduate na sa Grade 6. Magtatapos naman ng kindergarten ang anak na si Gavin.
Ibinahagi rin nito na ang only girl niyang si Aquisha ay magmu-moving up na sa Grade 10.
Sa naturang Instagram post, makikita na tila naging make-up artist pa ng mga anak ang kanilang mommy Gladys. Inaayos din nito ang mga buhok ng tatlong anak at maging ang mga suot nitong damit.
Larawan mula sa Instagram ni Gladys Reyes
Kinagiliwan naman ng mga netizen ang nasabing post.
Ayon sa isang netizen, “Yun kinaiinisan kita sa mga roles mo dahil sobrang galing mo. Pero ang totoo isa ka sa mga actresses Nanay na isang magandang ihemplo na dapat tularan. Congratulations to your son!!!”
May isang netizen naman ang nag-comment na isang ulirang ina raw si Gladys Reyes na sinagot naman ng aktres ng, “Naku, hindi naman po. Talagang ang nanay naman basta kailangan nandun sila bibitawan lahat.”
Larawan mula sa Instagram ni Gladys Reyes
Isa rin ang celebrity mom na si Camille Prats sa mga bumati kay Gladys at sa mga anak nito. Aniya, “Congratulations boys” na agad namang pinasalamatan ni Gladys.
Sa caption ng IG post ni Gladys Reyes sinabi nito na super proud siya sa mga anak kaya naman todo multitasking siya sa graduation pictorial ng mga ito.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!