Hands on momma! Gladys Reyes nag-multitask sa graduation pictorial ng 3 anak

Proud momma si Gladys Reyes dahil sabay-sabay na nagtapos sa iba't ibang baitang ng kanilang pag-aaral ang 3 children nila ni Christopher.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kinagiliwan at hinangaan ng mga netizen si Gladys Reyes sa pagiging hands on nito sa pag-aasikaso sa mga anak. Ang children ni Gladys Reyes ay sabay-sabay na nagsipagtapos sa iba't ibang baitang ng kanilang pag-aaral.

Gladys Reyes ibinahagi graduation pictorial ng children

Hindi lang isa kundi tatlong anak ni Gladys Reyes ang nagtapos sa iba’t ibang baitang ng kanilang pag-aaral.

Sa isang Instagram post ng aktres makikitang hands on na hands on ito sa pag-aasikaso sa tatlo nitong anak na magsisipagtapos.

Larawan mula sa Instagram ni Gladys Reyes

Ayon kay Gladys Reyes, ang anak niyang si Christophe ay magtatapos ng Grade 12 habang ang anak naman niyang si Grant ay gra-graduate na sa Grade 6. Magtatapos naman ng kindergarten ang anak na si Gavin.

Ibinahagi rin nito na ang only girl niyang si Aquisha ay magmu-moving up na sa Grade 10.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa naturang Instagram post, makikita na tila naging make-up artist pa ng mga anak ang kanilang mommy Gladys. Inaayos din nito ang mga buhok ng tatlong anak at maging ang mga suot nitong damit.

Larawan mula sa Instagram ni Gladys Reyes

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kinagiliwan naman ng mga netizen ang nasabing post.

Ayon sa isang netizen, Yun kinaiinisan kita sa mga roles mo dahil sobrang galing mo. Pero ang totoo isa ka sa mga actresses Nanay na isang magandang ihemplo na dapat tularan. Congratulations to your son!!!”

May isang netizen naman ang nag-comment na isang ulirang ina raw si Gladys Reyes na sinagot naman ng aktres ng, “Naku, hindi naman po. Talagang ang nanay naman basta kailangan nandun sila bibitawan lahat.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram ni Gladys Reyes

Isa rin ang celebrity mom na si Camille Prats sa mga bumati kay Gladys at sa mga anak nito. Aniya, “Congratulations boys” na agad namang pinasalamatan ni Gladys.

Sa caption ng IG post ni Gladys Reyes sinabi nito na super proud siya sa mga anak kaya naman todo multitasking siya sa graduation pictorial ng mga ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jobelle Macayan