Glaiza de Castro, ibinihagi sa isang panayam ang kaniyang kasal sa Irish boyfriend na si David Rainey, na naganap noong 2021 pa!
Mababasa sa artikulong ito:
- Glaiza de Castro at David Rainey wedding
- 5 Tips para sa long-distance relationship
Glaiza de Castro at David Rainey wedding
Sa isang exclusive interview sa Kapuso Mo, Jessica Soho, ibinahagi ng Kapuso actress na si Glaiza de Castro na siya ay apat na buwan nang kasal sa kaniyang husband na ngayon na si David Rainey.
Noong October 2021 naganap ang pag-iisang dibdib ng dalawa. Kabaliktaran ng sinabi niya sa isang panayan noong August 2021, hindi rito sa Pilipinas kundi sa Northern Ireland ginanap ang kanilang simple wedding.
Pagbabahagi pa ng aktres, ang lugar kung saan ginanap ang kanilang intimate wedding ay tabi lamang ng isang castle na naging location din ng sikat na series na Game of Thrones noon.
Pansamantala munang inilihim ng mag-asawa ang tungkol sa kanilang pagpapakasal. Dahil ayon sa Kapuso actress sa isang panayam kasama si Jessica Soho,
“We’re just waiting for the right time. David was a very private person. We just wanted to celebrate it for ourselves and with the family.”
Subalit sa naganap na kasalang ito sa Ireland, hindi pa rin nagpalitan ng singsing si David at Glaiza. Nais pa rin ituloy ng dalawa ang kanilang initial na plano noon pa man na church wedding dito sa Pilipinas.
Ito ang initial plan na ibinahagi ni Glaiza noong nakaraang taon. Dahil ayon sa kaniya, “I have a big family—I can’t take all of them to Ireland!”
Mas maliit ang pamilya ng kaniyang ni David, at hindi lalagpas sa sampu. Kaya naman para sa kanila, higit na madaling dalhin ang pamilya nito sa bansa para sa kanilang dream church wedding.
Si David Rainey ay isang Irish businessman. Nagkakilala sila ni Glaiza nang minsang mag-travel ang dalawa sa Siargao, Philippines noong taong 2018.
Pagbabahagi ni David,
“Sobrang ganda niya. I was just blown away.”
Hindi naging ganoon kadali ang kanilang long-distance relationship. Dahil dumanas muna ng ups and downs ang kanilang relasyon, sinubok ito layo at panahon.
Ngunit dahil sa pandemya, nagkaroon ng pagkakataon ang aktres na lumipad patungo sa Ireland. Nagkaroon silang dalawa ng pagkakataon upang mas higit na magkakilala at matagal na magkasama.
Noong December, taong 2020, inanunsiyo ng Kapuso actress na siya ay engaged na kay David. Halos tatlong taon din ang lumipas bago pa man mapag-desisyunan ng dalawa na magisang dibdib.
Samantala, sinunod naman nila Glaiza at David ang Irish tradition ng pagpapakasal, na kanilang kung tawagin ay handfasting.
Ito ay isang unity ritual kung saan nakatali ang kamay ng dalawang taong ikakasal sa pamamagitan ng isang braid o anumang katulad nito.
Bukod pa rito, ibinahagi din ni Glaiza at David sa kanilang kagagawa langg na Youtube channel ang ilang bahagi ng kanilang kasal. Panoorin dito.
BASAHIN:
Elisse Joson kung bakit hindi pa sila nagpapakasal ni McCoy de Leon: “Priorities first, ipon first.”
Civil wedding: Step-by-step guide kung paano ikasal sa huwes
5 tips para sa long-distance relationship
Hindi madali ang pumasok sa isang long-distance relationship. Maraming pagsubok at problema ang maaari ninyong maranasan o harapin.
Subalit kung ang dalawang tao na nasa relasyon at totoo at committed sa isa’t isa, hindi malabo para sa kanilang dalawa na pagtagumpayan ang anumang pagsubok ang kanilang harapin.
Ayon sa mga eksperto, may ilang mga paraan at tips na maaaring gawin ng couples upang mas mapagtibay pa ang kanilang long-distance relationship.
1. Technology ang inyong best friend
Salamat sa makabagong teknolohiya dahil mas madali na ngayong ang pakikipagkomunikasyon. Dahil sa technology, marami nang paraan ngayon upang ang dalawa tao ay maging connected.
Hindi na gaya noon na kakailanganin mo pang sumulat o mag-long-distance phone call upang makipag-communicate sa iyong partner.
Maaari mo ng makausap ang iyong kasintahan ng real time sa tulong na teknolohiya. Pwede ka na mag-send ng texts, messages, photos, o makipag-videocall.
2. Maging committed sa inyong relasyon
Mahalaga na ikaw ay totoo at talagang committed sa inyong relasyon upang hindi masayang ang oras ninyong dalawa.
Susubukin ng panahon at distansya ang inyong panahon. Mapapagtagumpayan niyo lamang ito kung kayo ay may tapat sa inyong nararamdaman at committed sa inyong partner.
3. Mag-set ng end date
Hindi masama ang magkaroon ng long-distance love, subalit darating din ang araw at pagkakataon kung kailan gusto mo nang makasama ang iyong partner.
Mahalaga na magkaroon kayo ng plano kung kailangan ninyo mapapagdesisyunang tuluyan nang magsama. Nang sa gayon, mas makikilala pa ninyo ang isa’t isa.
4. Gumawa kayo ng bagay nang magkasabay kahit na kayo ay magkahiwalay
Hindi ibig sabihin na hindi kayo magkasama ay hindi na rin kayo gumawa ng bagay nang magkasabay.
Sa tulong ng technology, maaari na rin kayong magplano halimbawa ng movie night together sa pamamagitan ng Skype o Messenger.
5. Maging confident kayo sa inyong relasyon
Kapag ang isang ato ay napangunahan na ng insecurity, doon na papasok ang problema sa isang relasyon.
Sa isang long-distance relationship, importante na mayroon kayong sapat na tiwala sa iyong sarili lalo’t higit sa iyong partner. Mahalaga na iparamdam ninyo sa isa’t isa na walang anumang layo ang makakatibag sa inyong pagmamahalan.