Gloc 9 emotional na ibinahagi na “gay” ang kaniyang anak: “Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa anak ko, kung gaano ko siya kamahal”

Ayon sa singer-rapper, very proud siya sa anak niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Singer-rapper na si Gloc 9 emotional na ibinahagi na inaalay niya ang hit song niyang “Sirena” sa sarili niyang anak.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Gloc 9 hit song Sirena.
  • Anak ni Gloc 9.

Gloc 9 hit song Sirena

Larawan mula sa Facebook account ni Gloc-9

Naging emosyonal sa isang panayam ang kilalang singer-rapper na si Gloc 9. Ito ay ng tanungin siya tungkol sa success ng isinulat niyang kanta na “Sirena”. Dahil ang kanta naging theme song ng mga miyembro ng LGBT na nagpapakita umano ng realidad ng buhay nila.

Pagkukuwento ni Gloc 9, marami ang lumapit sa kaniya at sinabing sobrang nakakarelate sila sa sinasabi ng kanta. Pero hindi akalain ni Gloc 9 na sumasalamin din ang kanta sa buhay ng anak niya.

My son is gay. Nung sinulat ko ‘yun, hindi niya pa sinasabi sa amin. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa anak ko kung gaano ko siya kamahal.”

Ito ang emosyonal na pagbabahagi ni Gloc 9.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Anak ni Gloc 9

Pagpapatuloy pa ni Gloc9 proud na proud siya sa anak niyang si Daniel. Hindi niya man alam noong una na isa rin itong “sirena”, wala naman daw nabago. Dahil mahal na mahal niya parin ang anak. At inaalay niya bilang regalo dito ang kanta niyang “Sirena”.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Hindi naman ako ma-showbiz and I think para sabihin ko ito now, ako ay proud na proud sa anak. Ako ay excited sa kung ano man ang kaya niyang ma-achieve sa buhay niya. Minsan iniisip ko how life gives you hints of magic here and there. Nung natapos ko ‘yung ‘Sirena’ hindi ko naman alam. And I don’t mind. Anak ko ‘yun.”

“Ako ay proud na may anak ako na tulad ni Daniel. Mahal na mahal ko ang mga anak ko at gagawin ko ang lahat para sa kanila. ‘Yun na ‘yung regalo ko.”

Ito ang sabi pa ni Gloc-9 sa panayam.

Larawan mula sa Facebook account ni Daniel Pollisco

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement