Naaprubahan na ng House of Representatives ang ikatlo at huling pagbasa sa “Graduation Legacy for the Environment Act.” Ang panukalang batas na ito ay inaatasan ang mga estudyante na magtanim ng mga puno bago magtapos sa pag-aaral.
Ang House Bill 8728 ay pinangunahan ni Magdalo Rep. Gary Alejano. Kasama niya dito sila Deputy Minority Leader Joseph Stephen Paduano, Reps. Strike Revilla (2nd District, Cavite), Noel Villanueva (3rd District, Tarlac), Mark Go (Lone District Baguio), at Pablo Ortega (1st District, La Union) bukod sa iba pa.
Mga nasasakupan ng House Bill 8728
Nasasakupan ng House Bill 8728 ang mga graduating na estudyante:
- Mababang paaralan
- Mataas na paaralan
- Kolehiyo
Isinasaad dito na ang pagtatanim ng hindi bababa sa 10 puno ay isa sa kinakailangan ng estudyante para sa graduation. Ang mga lokasyon na maaaring taniman ng puno ay:
- Kagubatan
- Bakawan at mga protektadong lugar
- Lupa ng mga ninuno
- Civil reserves
- Military reserves
- Mga bahagi ng siyudad na kasama sa greening plan ng lokal na gobyerno
- Hindi aktibo at abandonadong mga minahan
- Iba pang lugar na angkop
Idinidiin din ng Graduation Legacy for the Environment Act ang paggiging angkop ng puno sa lokasyon. Sinasabi dito na ang punong itatanim ay sa tamang lokasyon, klima at topograpiya para sa puno. Mas maganda rin kung ang punong itatanim ay mula sa mga indigenous species.
Inaatasan ang Department of Education and Commission on Higher Education na pangunahan ang pagpapatupad ng batas.
Kasama nito ang iba pang kawani ng gobyerno:
- Technical Education and Skills Development Authority
- Department of Environment and Natural Resources
- Department of Agriculture
- Department of Agrarian Reform
- Department of Budget and Management
- Department of Local and Interior Government
- Department of Health
- Department of Transportation and Communications
- Department of National Defense
- Department of Science and Technology,
- Department of Justice
- National Commission on Indigenous People
- Philippine Amusement and Gaming Corporation
Ang senado ngayon ay inaantay na makapagpasa ng sarili nilang bersyon ng panukalang batas bago magharap ang kamara sa sa isang conference upang pagtibayin ang legislasyon. Matapos ito, iaakyat na sa president upang lagdaan para maging batas.
Source: ABS-CBN News
Basahin: Grade 1 student, nagpakita ng pagmamahal sa bayan sa simpleng paraan
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!