Boyfriend ni Angelica Panganiban, naiyak nang makita ang first ultrasound ng kanilang baby

Angelica at Gregg Homan makikitang very happy at kontento sa piling ng isa’t isa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Angelica Panganiban at boyfriend niyang si Gregg Homan naging emosyonal noong makita ang first ultrasound ng kanilang baby.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Ang reaksyon ni Angelica Panganiban at boyfriend niyang si Gregg Homan ng makita ang unang ultrasound ng kanilang baby.
  • Pagsasama ni Gregg Homan at Angelica Panganiban.

Reaksyon ni Angelica Panganiban at boyfriend niyang si Gregg Homan ng makita ang unang ultrasound ng kanilang baby

Larawan mula sa YouTube video ni Angelica Panganiban at Gregg Homan

Higit dalawang buwan narin ang nakaraan ng ianunsyo ng aktres na si Angelica Panganiban na buntis siya sa unang anak nila ng boyfriend niyang si Gregg Homan.

Nang ibahagi ng aktres ang magandang balita ay very happy ito sa tinatawag niyang katurapan ng isa sa matagal niya ng hinihiling. Napaka-swerte niya daw na dumating ang pinapangarap niya sa tamang tao at tamang panahon.

“Napakatagal kong hinintay ito. At wala naman akong pinangarap kung hindi maging isang ina. So ngayong dumating na siya, ito na ang role na gusto kong gampanan. 'Yon naman muna siguro ang gagawin ko.”

“Napakasuwerte ko na dumating siya sa tamang tao, sa tamang timing, tamang mga tao ang mga nasa paligid ko para intindihin at suportahan ako sa maganda at bagong journey at bagong chapter ng buhay ko.”

Ito ang sabi ni Angelica sa isang panayam.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nitong unang araw ng Hunyo ay naglabas ng bagong vlog episode si Angelica at Gregg sa kanilang YouTube channel na “The Homans”. Ito ay may titulong “Cooking with the HOMANS” kung saan makikitang magkasamang magluluto si Angelica at Gregg.

Sa naturang episode ay makikitang naghahanda ang dalawa sa lulutuin nilang Skillet-Roasted Lemon Chicken.

Habang naghihiwa ng sibuyas para sa putaheng kanilang niluluto ay ibinahagi ni Gregg ang isang eksenang talagang nakakaiyak daw para sa kanilang dalawa ni Angelica. Ito ay ang nang makita nila ang first ultrasound ng kanilang baby.

“Alam mo kung ano 'yong nakakaiyak. Nung makita namin 'yong first ultrasound namin. Yun 'yong nakakaiyak.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Nang sabihin ito ni Gregg ay lumabas ang video nilang dalawa ni Angelica habang nasa loob ng ultrasound room. Doon ay makikitang nakahiga si Angelica sa hospital bed habang dahan-dahang ginagalaw sa tiyan niya ang ultrasound scan.

Habang nakatingin sa screen kung saan makikita ang ultrasound ng kanilang baby ay makikitang nagkatinginan si Angelica at Gregg sabay biglang tumawa na parang kinikilig. Si Gregg makikitang nagpunas ng luha sa saya dahil sa kaniyang nakita.

Nang makabalik sa vlog nila habang nagluluto ay inaasar ni Angelica si Gregg sa naging reaksyon nito ng magpa-ultrasound sila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Angelica: “Paano yung iyak mo?”

Gregg: “Ugly cry.”

Angelica: “Tumatawa ka nun e.”

Ito ang usapan ng dalawa habang natatawa.

BASAHIN:

Andi Eigenmann sa tuwing naloloka sa pag-aalaga sa tatlo niyang anak: “I just tell myself, ‘ginusto mo ‘yan!'”

Jason Hernandez umaming hiwalay na kay Moira dela Torre: “I have been unfaithful to her.”

LOOK: Donita Rose engaged na sa kaniyang boyfriend na si Felson Palad!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagsasama ni Gregg Homan at Angelica Panganiban

Sa pagpapatuloy ng kanilang vlog makikita ang saya ni Gregg at Angelica sa kanilang relasyon. Hindi nga nawawala ang biruan nila na patunay na talagang palagay ang loob nila sa isa’t isa.

Habang naghihiwa nga si Angelica ng lemon para sa putaheng kaniyang niluluto ay ito ang naging usapan nila ni Gregg.

Angelica: “Sayang puwede pa yan. Dapat hindi tayo nagtatapon ng bagay-bagay. Ang hirap na ng panahon ngayon napakamahal ng gulay ng kung ano-ano.”

Gregg: “Gasolina 'di ba ang mahal na?”

Angelica: “Ikaw mahal kita!” (Sabay tawa.)

Habang si Gregg naman ang nagbiv-ideo kay Angelica at ipinapakita ng aktres kung paano ang pagluluto sa putahe ng manok na inihahanda niya. Si Angelica ay biglang natawa ito. Maririnig na nagsalita si Gregg.

Gregg: “Bakit ka tumatawa? Kasi gandang-ganda ko sayo.”

Angelica: “Ay sus, Kuhang-kuha mo na ko, ok na.”

Saglit munang naupo si Angelica at Gregg habang hinihintay na maluto ang kanilang recipe. Si Angelica inasar muli si Gregg at nagbirong ito umano ang unang ituturo sa anak niya.

Angelica: “Alam nyo busy-busy na tong si Gregg Homan kasi ang dami niya ng fans. 'Yong bilang kong fans nasa kaniya na ngayon. Artistahin!”

Ito ang pang-aasar ng aktres sa boyfriend niyang si Gregg.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Gregg sinabi namang kahit buntis si Angelica ay hindi nawala ang pagiging bully nito na agad rin namang sinagot ni Angelica.

Gregg: “Alam nyo kahit buntis siya, bully pa rin po siya.”

Angelica: “Hindi naman yun mawawala talaga. Yun ang unang ituturo ko sa anak ko.”

Nang maluto na ang kanilang recipe ay makikitang nag-enjoy si Gregg sa inihandang ito ni Angelica. Kaya naman sabi niya kay Angelica ay mukhang puwede itong ilagay sa recipe box nila.

“Kapag may nagugustuhan siyang niluluto ko mayroon kaming recipe box dito. So sinusulat naming lahat yun para madali kong ulitin sa kaniya. Kasi minsan tsamba lang tapos nakakalimutan ko na.”

Ito ang sabi pa ni Angelica na patunay na talaga ngang masaya at kontento sila ni Gregg sa kanilang relasyon. Kitang-kita rin na pareho na silang ready na magkasama na pangmatagalan para sa binubuo nilang pamilya.

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Reaksyon ng mga netizens

Ang mga netizens hindi napigilang mag-react sa kanilang nakita. At sila ay very happy rin sa aktres na mukhang natagpuan na ang “The One” para sa kaniya.

“Ganda ng vibes nyong mag jowa. Bakas sa muka nyo ang happiness at contentment. Happy for you Angge na nkita mo rin ang THE ONE mo. You deserved both each other. God bless you TWO.”

“Masaya ako para sayo, Angge. Isa ako sa prayer warrior mo na makahanap ka ng totoong magmamahal sayo. In Gods perfect time pinagtagpo kayo. God bless you both.”

“Happiness is finding someone who will really makes you feel ur on top of the world. Happy, contented and at peace! Congrats Angel, you deserve to be happy. Both of you!”

Ito ang ilan sa naging reaksyon ng netizens sa bagong vlog nila Angelica Panganiban at boyfriend niyang si Gregg Homan.