Talagang mahalaga pala ang gut bacteria o mga bacteria sa digestive tract ng baby. Ayon kasi sa pag-aaral ng Weill Cornell Medicine, nalaman nila na ang unique bacteria na mayroon ang sanggol sa kanilang digestive tract matapos itong isilang ay nakatutulong sa pagpapalakas ng kanilang immune system.
Gut bacteria ng baby mahalaga sa development ng immune system
Larawan mula sa Shutterstock
Ayon sa artikulo ng Science Daily, isang preclinical study ang naipaskil sa Science Immunology noong March 15. Sa pag-aaral na ito ay napag-alaman na ang gut bacteria o bacteria sa digestive tract ng mga bagong panganak na sanggol ay nagpro-produce ng serotonin.
Ang serotonin ay tumutulong sa development ng immune cells na tinatawag na T-regulatory cell o Tregs. Ang mga cell na ito ang napigil sa hindi tamang immune responses. Nakatutulong ito para maiwasan ang autoimmune disease at dangerous allergic reactions sa mga harmless food items o sa beneficial gut microbes.
Larawan mula sa Shutterstock
Na-obserbahan umano ng mga researcher na ang neonatal gut o ang digestive tract ng sanggol ay mayroong mas mataas na level ng neurotransmitters, tulad ng serotonin, kaysa sa adult gut.
Nakompirma rin ito sa mga baby na sumailalim sa pag-aaral sa pamamagitan ng human infant stool biobank. Ito ay in-establish ng Zeng lab in collaboration sa Neonatal Intensive Care Unit sa NewYork-Prebyterian Alexandra Cohen Hospital for Women and Newborns.
Makikita sa resulta ng pag-aaral na “mature enough” umano ang neonatal gut o ang gut ng sanggol upang lumikha ng sarili nitong mga neurotransmitter. Ang mga neurotransmitter na ito ay mahalaga para critical biological functions sa early development ng sanggol.
Larawan mula sa Shutterstock
Ang malakas na immune system ng bata ay mahalaga hanggang sa kaniyang pagtanda. Sa pamamagitan kasi ng mga neurotransmitter na pinoproduce ng good bacteria sa gut ng sanggol. Ay nalalabanan ng kanilang katawan ang immune reactions sa gut bacteria o allergy sa pagkain. Dahil dito, posibleng hindi magkaroon ng allergic reactions sa pagkain ang iyong anak. At maiiwasan din na magkaroon ng autoimmune disease. Uri ito ng sakit kung saan ay inaatake ng immune system ang sariling healthy cells ng katawan.
Kaya naman, mommy and daddy, mahalagang panatilihin ang healthy gut ng mga bata.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!