LOOK: Halloween 2023 costumes ng mga anak ng mga celebrities

Tingnan dito ang mga pasabog ng mga anak ng mga sikat ngayong Halloween 2023!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngayong Halloween 2023 nakita mo ba ang iba’t-ibang costumes at paandar ng mga celebrity kids? Narito ang ilan sa mga cute na celebrity kids suot ang kanilang Halloween costumes.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Halloween 2023 costumes ng mga celebrity kids.

Halloween 2023 costumes ng mga celebrity kids

  1. Deia as Darna

Larawan mula sa Instagram account ni Iza Calzado

Nangunguna sa mga cute na celebrity kids ngayong Halloween 2023 ay ang anak ng aktres na si Iza Calzado at mister nitong si Ben Wintle. Si Deia nag-mini Darna na talaga nga namang makikita na mini-me siya ng kaniyang inang si Iza. Si Iza ay dating gumanap bilang unang Darna sa Mars Ravelo’s TV series sa ABS-CBN.

Sa Instagram ay ibinahagi rin ni Iza na hindi ang Darna costume ang first choice niya para sa anak na si Deia. Pero mukhang ito daw ang meant to be. Kaya ang hiling ng aktres ay sana laging ipakita ng anak ang inner superhero o pagiging Darn anito.

  1. Dahlia as Maleficient

Larawan mula sa Instagram account ni Anne Curtis

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang anak naman ng kilalang Multimedia Star na si Anne Curtis na si Dahlia ay nagbihis bilang Maleficient ngayong Halloween. Si Dahlia makikitang enjoy sa pagtritrick or treat kasama ang kaniyang mga magulang.

  1. Thylane as Skeleton & Maelys as Bat

Cute na cute rin ang mga anak ni Solenn Heussaff at Nico Bolzico na si Thylane at Maelys. Si Thylane nagbihis bilang cute little skeleton habang si Maelys naman ay baby bat. Syempre ang kanilang ina na si Solenn ay hindi nagpatalo at nagbihis mala-dyosa nitong Halloween.

  1. Pepe & Pilar Roxas as Pinoy Paw Patrol

Ang kambal naman ng kilalang broadcaster na si Korina Sanchez at mister na si Mar Roxas ay ibinahagi rin ang kanilang Halloween costume. Sila naman ay nagpaka-Paw Patrol pero Pinoy version.

Larawan mula sa Instagram account ni Korina Sanchez

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  1. Felize as a Bee

Hindi rin nagpatalo sa ka-cutan ang anak nila Elisse Joson at McCoy de Leon na si Felize nitong Halloween 2023. Si Felize napakacute na human bee sa kaniyang honeybee costume habang nag-tritrick or treat.

  1. Sarina Hilario as Snow White

Sa kaniyang Instagram ay account ay ipinakita naman ng kilalang “Sample King” na si Jhong Hilario ang struggle ng mga magulang sa pagbibihis sa kanilang mga anak. Dahil ang anak niyang si Sarina makikitang ayaw talagang makipag-cooperate sa kaniyang Halloween photoshoot. Pero proud na pagsheshare ni Jhong napilit naman na makapagpose ang anak niyang si Sarina bilang si Snow White. Para-paraan lang!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  1. Zia Dantes as Ghost Princess and Sixto Dantes as Steve of Voltes V

Hindi rin pinalampas ng magkapatid na Zia at Sixto Dantes na magsabog ng kanilang kakyutan ngayong Halloween. Si Zia nagbihis bilang ghost princess habang si Sixto naman ay poging-pogi suot ang kaniyang costume bilang si Steve ng Voltes V.

 

  1. Amari Crawford as Cowardly Lion from The Wizard of Oz

Ang mag-asawa namang sina Billy Crawford at Coleen Garcia ay hindi lang anak na si Amari ang binihisan ngayong Halloween. Pati sila ay naki-join sa pa-costume ngayong Halloween. Ang mga Halloween costumes nila hango sa mga characters sa The Wizard of Oz. Si Coleen bilang si Dorothy, Billy bilang Tin Man at si Amari bilang si Cowardly Lion.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

 

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement