app

Cindy Kurleto leaves a friendly comment on Heart Evangelista's IG—and we're loving it!

Nagkaroon ng friendly interaction ang ex-girlfriends ni Jericho Rosales na si Cindy Kurleto at Heart Evangelista sa Instagram accounts nila. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nagkaroon ng friendly interaction ang dalawang ex-girlfriends ni Jericho Rosales na si Cindy Kurleto at Heart Evangelista sa Instagram accounts nila.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Cindy Kurleto leaves a friendly comment on Heart Evangelista's IG—and we're loving it!
  • Posible ba talagang maging kaibigan ang ex?
 

Cindy Kurleto leaves a friendly comment on Heart Evangelista's IG—and we're loving it!

Larawan mula sa Instagram account ni Cindy Kurleto

Nag-iwan ng friendly comment ang Austrian model, aktress, at dating MTV VJ na si Cindy Kurleto sa isang post ni Heart Evangelista sa kanyang personal Instagram account. Makikita sa video na hawak ni Heart Evangelista ang ilan sa mga denim na damit mula sa Dior kung saan part ng fashion shows ng brand.

Sa video, ay maririnig ang voiceover ng aktres na pinapaliwanag ang bawat damit na pinapakita niya. Sinabi niya rito kung gaano niya kagusto ang "fit" at "details" ng cute na denim pants. Dagdag pa niya sinuot niya raw ito habang nasa Paris pa siya.

"This is it once again I am back for more ! Getting ready for a long day in @dior nonetheless ???" caption ni Heart Evangelista sa kanyang pinost na video.

Labis namang natuwa ang mga fans nang mabasa ang comment ni Cindy Kurleto na,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"And that is it baby girl, bye!" VO game strooong."

Naging usap-usapan ito dahil pareho silang naging ex-girlfriends ng aktor na si Jericho Rosales. Nakilala si Cindy Kurleto, sa mga commercial model, FHM models, at paggampan niya bilang Cassiopea sa GMA series na Encantadia at Etheria.

Matatandaang nagkaroon ng issue noon ang tatlo nang maghiwalay si Jericho at Cindy at naging sila ni Heart Evangelista. Noong bago pa lang na magkarelasyon si Heart Evangelista at Jericho Rosales ay nagbigay si Cindy ng komentong gusto niya raw buksan ang pakikipagkaibigan kay Jericho at Heart. Sinabi niya ring bagay ang dalawa.

Kapwa sinagot ito ng dalawa dati. Ayon kay Heart Evangelista

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"I have no comment about Cindy. I don't want to be associated with her anymore."

Para kay Jericho naman,

"Well, thank you. Sabi niya kasi dati showbiz kami, it's weird na sinabi niya na bagay kami."

Ilang taon na ang lumipas at pare-pareho nang may karelasyon ang tatlo. Labis na ikinatuwa ng mga netizens ang pagbibigay komento ni Cindy sa video ni Heart Evangelista.

Binungad niya rin ang pagbati sa mga "Marites" o gusto makichismis sa pasang mahahalata sa kanyang tiyan. Matatandanang marami ang nangingialam sa hindi niya pagkakaroon ng anak. Minsan niya nang sinagot ito ng, "not your uterus."

Larawan mula sa Instagram account ni Heart Evangelista

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

Heart Evangelista sa bagong bili niyang Hermès bag: “This is declared to my husband and I worked hard for it so wala na siyang magagawa.”

Chiz Escudero on usual fights with Heart:"Pag hindi na kayo nag-aaway, ibig sabihin wala ng pagmamahal"

Heart Evangelista, kayang patawarin ang cheating "but I won't give them a happy ending"

Posible ba talagang maging kaibigan ang ex?

Parating numero unong pinagtatalunan ng magkarelasyon ay ang kanilang mga dating kasintahan. Kung minsan kasi ay pinagseselosan pa rin ng kasalukuyang partner ang ex kahit hindi na kayo nito. Sa ganitong pagkakataon, posible nga kayang maging kaibigan ang ex mo?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang sagot diyan ay pwede. May mga ilan nga lang considerations para malaman kung ayos pa bang makipagkaibigan. Ito ang ilang mga bagay na kung nararanasan mo pa ay hindi na dapat pang makipagmabutihan sa kanya:

  • Pasikreto mong hinihiling o inaasahang magbabalik pa ang dating relasyon.
  • Hindi ka pa nakaka-move on dahil mayroon ka pang nararamdaman sa kanya.
  • Nagu-guilty sa mga ginawa kaya naiisip mong kailangang bigyan pa rin siya ng atensyon.
  • Nagseselos ka sa ideyang may bago na silang karelasyon.
  • Kumakain na ng labis na oras at panahon ang pagbibigay ng atensyon.
  • Wala na ang boundaries sa isa't isa.
  • Nakikipag-usap sa kanya dahil wnahihirapang humanap ng katulad niya.
  • Nasasaktan ka sa tuwing kausap o nakikita pa siya.
  • Ang pagkakaibigan niyo ay one-sided at hindi na healthy.

Tips para mag-work ang inyong pagkakaibigan:

Kung nais talagang mabawasan ang taong may hindi pagkakasunduan, maaaring subukan ang ilang tips na ito para mag-work ang inyong pagkakaibigan:

  • Maglaan ng panahon ang isa't isa bago magsimulang makipagkaibigan.
  • Bigyan ng time at space ang relasyon niyong dalawa.
  • Siguraduhing wala nang nararamdaman sa isa't isa.
  • Bigyan ng saktong boundaries ang pagkakaibigan na bubuin.
  • Gawing healthy ang relasyon.
  • Makipag-engage lamang sa tuwing maayos pareho sa inyong dalawa.
 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Ange Villanueva