Heart Evangelista sa mister na si Chiz Escudero: “Now fashion week will never be the same without you”

Chiz Escudero maliban sa pagiging photographer ng misis niyang si Heart ay naging leader din daw ng team nito sa nagdaang fashion week sa France.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Heart Evangelista nakasama ang mister na si Chiz Escudero nitong nagdaang fashion week sa France. Si Heart may appreciation post para sa kaniyang mister.

Mababasa dito ang sumusunod:

Heart Evangelista at Chiz Escudero sa fashion week sa France

Larawan mula sa Instagram account ni Heart Evangelista

Nitong nagdaang fashion week sa France ay ipinakita na naman ni Heart Evangelista ang galing niya sa pagmimix and match at pagdadala ng iba’t-ibang outfits. Si Heart pina-wow muli ang marami sa atin. Makikita nga sa mga larawan na ipinipost niya sa Instagram na talagang nag-eenjoy ang fashion icon sa kaniyang ginagawa. At ilan nga sa mga pictures niya na ipinipost niya ay ang mister na si Chiz Escudero ang kumuha.

Larawan mula sa Instagram account ni Heart Evangelista

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa isa sa kaniyang latest IG post, si Heart nag-alay ng appreciation post sa mga nakasama niya sa nagdaang fashion week sa France. Nangunguna na nga rito ang mister niyang si Chiz Escudero na leader daw ng grupo nila. Ayon pa kay Heart, si Chiz daw ang nag-alaga sa kaniyang team nitong buong fashion week. At naging very special daw ang nagdaang fashion week dahil sa presensya nito.

“Appreciation post : @escuderochiz thank you for all the support you gave for being the leader of the pack for protecting me and taking care of all of us this fashion week :) thank you for loving UNCONDITIONALLY. You are indeed the best … now fashion week will never be the same without you .
“ because this time OUR come back is personal .”⚡⚡⚡?✨”

Ito ang caption ng post ni Heart sa IG tampok ang nakaporma ring larawan ni Chiz Escudero.

Relasyon ni Heart at Chiz

Larawan mula sa Instagram account ni Heart Evangelista

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bago pa man ang nagdaang fashion week ay minsan na ring pinasalamatan ni Heart ang mister niyang si Chiz. Dahil sa ngayon ay nag-aadjust talaga ito para masabayan ang hilig niya.

Matatandaang noong nakaraang taon ay napabalitang dumaan sa pagsubok ang pagsasama ng dalawa. Mas umingay nga ang balitang ito ng kumuha ng apartment sa Paris si Heart na kung saan madalas siyang nag-stay para sa iba’t-ibang fashion events.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement