Heart Evangelista ikakasal muli sa mister na si Chiz Escudero sa pangalawang pagkakataon

Ngayon hindi tulad noon, present na daw ang mga magulang at pamilya ni Heart sa kanilang renewal of vows.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Heart Evangelista kinumpirma na magkakaroon sila ng second wedding ng mister na si Chiz Escudero.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Heart Evangelista second wedding kay Chiz Escudero.
  • Relasyon ni Heart at Chiz.

Heart Evangelista second wedding kay Chiz Escudero

Larawan mula sa Facebook account ni Heart Evangelista

Nitong Lunes ay may makahulugang post ang global influencer na si Heart Evangelista sa Instagram. Si Heart nagpost ng couture bouquet na regalo umano sa kaniya ng Lebanese fashion designer na si Elie Saab.

“She said “ flowers please “ he said “ couture “ @eliesaabworld , thank you for my beautiful gift 💐. 10 more days to go 🥂 #chizheart #chapter2

Ito ang caption ng Instagram post ni Heart.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Heart Evangelista

Marami ang naintriga sa hashtag na taglay ng post ni Heart. Pati na ang countdown sa tila special day sa buhay nila ng mister na si Chiz Escudero.

Nito ngang Martes sa isang panayam ay kinumpirma ni Heart na may special na magaganap sa buhay nilang mag-asawa soon. Ito ay ang pagkakaroon nila ng second wedding o renewal of vows sa darating na kaarawan ni Heart nitong February 14. Kasabay rin ito sa kanilang 9th wedding anniversary bilang mag-asawa.

Ayon kay Heart, sa Balesin Island Club ulit gagawin ang kanilang second wedding. Dito rin ginanap ang unang kasal nila noong 2015. Magiging very intimate daw ang second wedding nila. At hindi tulad noon mukhang present na ang pamilya at mga magulang ni Heart sa renewal niya ng vows sa mister na si Chiz.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“This time around, my heart is definitely complete. I was 30 when I got married, but it’s different now. I know what marriage is now, so it’s very meaningful for me.”

Ito ang sabi pa ni Heart sa panayam.

Relasyon ni Heart at Chiz

Larawan mula sa Facebook account ni Heart Evangelista

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matatandaang dumaan sa pagsubok ang pagsasama nina Heart at Chiz nitong nakaraang taon. Pero naayos nila ito at magkasamang ipinagdiwang ang nagdaang pasko at bagong taon.

Ngayon hindi tulad noon ay mas present si Chiz sa mga fashion event na pinupuntahan ni Heart. Sa mga Instagram post ni Heart ay sinabi nga nitong si Chiz ang tumatayong official photographer at personal assistant niya kung minsan.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement