Herbal na gamot sa ubo ng baby: Rekomendasyon ng isang ina

undefined

Narito ang tila magic na rekomendasyon ng isang mommy laban sa ubo ni baby! | Lead image from iStock

Herbal na gamot sa ubo ng baby, mabisa nga ba?

Mababasa sa artikulong ito:

  • Home remedy ng isang nanay sa ubo ni baby
  • Mga dapat tandaan kapag may ubo si baby

Likas na sa mga nanay na makarinig lang ng isang lang ubo ni baby, bibili agad ng gamot para rito. Sino ba naman kasing hindi mag-aalala kapag narinig mong kakaiba ang pag-ubo ni baby? Lalo na kung nakakaapekto ito sa pagtulog nila sa gabi.

Herbal na gamot sa ubo ng baby

Herbal na gamot sa ubo ng baby | Photo by Omar Lopez on Unsplash

Gamot sa ubo, sipon o lagnat. Maraming over -the-counter medicine ang mabibili sa botika. Masasabi namang ito ay ligtas at epektibong inumin. Ngunit may ilang eksperto ang nagsasabi ngayon na ang mga batang anim na taong gulang pababa ay hindi dapat uminom ng gamot na binibili sa botika. Maaari kasi itong magdulot ng delikadong side effects!

Home remedy ng isang nanay sa ubo ni baby

Bukod pa rito, maraming nanay ang mas pinipili na ipaninom sa mga anak ang natural na paraan ng gamot, home remedies kumbaga.

Ganito ang ibinahagi sa atin ng isang nanay mula Singapore tungkol sa kaniyang tila mahikang paggamot sa ubo ng kaniyang baby!

BASAHIN:

Ubong hindi mawala-wala? Ito ang dapat gawin mo!

#AskDok: Puwede ba paliguan ang baby na may ubo at sipon?

ALAMIN: Ang iba’t ibang mabisang gamot sa ubo para sa bata at matanda

Ayon kay Mommy Dorcas,

“I believe a lot of mummies are struggling when our babies are suffering from common illness like cough and flu. My baby had been suffered from flu and cough with a lot of phlegm for more than a week.”

Dagdag pa ni Mommy Dorcas, kagaya niya, maraming magulang ang namomroblema sa ubo ng kanilang baby. “I believe a lot of mummies are struggling when our babies are suffering from common illness like cough and flu. My baby had been suffered from flu and cough with a lot of phlegm for more than a week.”

Umabot ng ilang linggo ang ubo ng kaniyang baby.

Sumubok na siya ng ilang uri ng gamot pero hindi man lang gumaling ang ubo ng kaniyang baby pagkatapos ng isng linggo. Dagdag pa niya,

“I fed her Zyrtec and used Illadin and Sterimar everyday to cure her sickness but there was no improvement at all even after 1 week. I was really worried that she might eventually end up having bronchitis if the cough persisted for too long. And I tried applying essential oils too, without success.”

Dito na nga siya nakaisip ng solusyon para sa ubo ng kaniyang baby.

“One day, I was telling my colleague that my gal was coughing badly with phlegm, without any sign of recovery. That’s when he shared a home remedy that was really effective for babies’ cough – steam apple, onion, garlic (AGO)!”

Dahil nga nais lang ni Mommy Dorcas na gumaling ang kaniyang anak, sinubukan na rin niya ang herbal o home remedy na gamot sa ubo ng baby. “I decided to give it a try. After the first day of feeding her the essence of steamed AGO, she had recovered by 80%! 2 days later she was almost fully cured.”

herbal na gamot sa ubo ng baby

Herbal na gamot sa ubo ng baby

It’s a home remedy magic?

Nirerekomenda ni Mommy Dorcas na subukan ang home remedy na ito kung may ubo ang kanilang mga chikiting. Narito ang magic recipe:

  1. Kumuha ng isang mansanas (pulang mansanas ang ginamit niya), isang malaking pulang sibuyas at 4-5 na maliliit na bawang
  2. I-steam ng 20 minuto
  3. Tanggalin ang tubig nito at ipakain sa may ubo. Dagdag pa niya na binigay nito sa kaniyang anak ang steamed juice extract.
  4. Maaaring ibigay ang AGO na ito kay baby isang beses sa isang araw.

Para naman sa lasa ng AGO, ayon kay Mommy Dorcas, manamis-namis ang lasa nito. Hindi man lang nagreklamo o umayaw ang kaniyang baby nang ipinakain niya ito.

Tinanong din namin siya kung ganito ba ang sabi ng ibang nanay nang masubukan ang magic remedy na ito. Ayon sa kaniya,

“Yes, a lot mummies are trying it out. Some say it works! Some say it doesn’t maybe because their baby only drank a few sips and stopped. Many are planning to try out.”

Kung susubukan mo ito, ipagbigay alam sa amin kung epektibo ba ang AGO sa ubo ng iyong baby!

TANDAAN: Ang bawat bata ay magkakaiba. Kung may alanganin, ‘wag mahihiyang magpakunsulta sa iyong paediatrician bago sumubok ng mga home remedy katulad nito.

herbal na gamot sa ubo ng baby

Herbal na gamot sa ubo ng baby | Image from iStock

Mga dapat tandaan kapag may ubo si baby

Samantala, ‘wag kakalimutan ang ilang paalalang ito kapag may ubo ang iyong anak:

  • Magbigay ng maraming warm liquid. Ang maligamgam na liquid ay makakatulong para mapanipis ang mucus at paninikip ng lalamunan.
  • Bigyan ng honey. Ayon sa pag-aaral, ang honey ay epektibo para sa congestion at masakit na lalamunan ng mga bata.

Paalala, iwasang magbigay ng honey sa mga batang nasa isang taon pababa. Makakapagdulot kasi ito ng botulism at nakamamatay na food poisoning.

  • Vitamin C foods. Bigyan ng pagkaing mayaman sa vitamin C ang iyong anak. Ito ay maaaring kiwi, grapefruit, papaya, bell peppers o sweet potatoes. Kung napansin mong hindi epektibo ang solid foods sa iyong anak, maaaring ibigay na lang sa kaniya ay anumang uri ng fruit smoothie.
  • Iwasan ang mga pagkaing ito. Ayon sa mga eksperto, iwasang bigyan sila ng matatamis na pagkain pati na rin ang dairy products. Nakakapagpalala ito ng kanilang sakit.

 

Translated with permission from theAsianparent Singapore

 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!