Ilang araw na lang ay wedding na ng Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz at ng kaniyang coach at partner na si Julius Naranjo. Kasabay ito ng anniversary ng pagkapanalo ni Hidilyn Diaz ng gold medal sa Olympics.
Mababasa sa artikulong ito:
- Coach Julius sa wedding with Hidilyn Diaz: “She’s my ride and die”
- Maayos na komunikasyon sa pamilya pangarap ni Hidilyn Diaz at coach Julius
Coach Julius sa wedding with Hidilyn Diaz: “She’s my ride and die”
Ibinahagi nina Hidilyn Diaz at Julius Naranjo sa interview ng “Level Up Exclusives” ang ilang detalye ng kanilang nalalapit na wedding.
Perfect timing nga raw ang wedding nina Hidilyn Diaz at Julius kahit pa nga minsang ginusto ng Olympic gold medalist na maging June bride. Magaganap ang wedding nina Hidilyn Diaz sa darating na July 26, kasabay ng isang taong anibersaryo ng pagkapanalo nito ng gold medal sa Olympics.
“I wanna celebrate that with the union of Hidilyn and I,” saad ni coach Julius.
Para kay Hidilyn Diaz ay significant din ang napili nilang araw kung kailan magaganap ang wedding.
“Para sa akin, para hindi ko makalimutan na ang July 26 ay napaka-historical, napaka-memorable sa Pilipinas, sa bawat Pilipino at para sa aming dalawa ni Julius,” aniya.
Nag-propose daw si Julius kay Hidilyn Diaz noong Oktubre 2021. Makalipas ito ng ilang buwan mula nang manalo sa Olympics ang weightlifter.
“I gave it few months after [the Olympics]. Because for me, I don’t want to take the spotlight away from her. She deserves it. I’m just here to support her.”
Dagdag na pagkapanalo na rin daw para sa kanilang dalawa ang desisyong i-level up ang kanilang relasyon sa pagiging mag-asawa.
Kwento pa ni Julius, ayaw daw niyang mag-propose kay Hidilyn Diaz dahil lang sa na-pressure siya. Kaya naman pinag-isipan niya nang maigi kung kailan ang tamang oras para alukin ng wedding si Hidilyn Diaz.
Perfect naman daw ang timing ng proposal ni Julius ayon kay Hidilyn Diaz dahil nataon ito sa oras na wala silang iniisip na laro.
Nang tanungin si Hidilyn Diaz kung paano niya nasigurado na si Julius na ang nais niyang pakasalan at makasama, saad nito, mabait at worth it daw ang kaniyang fiancé.
“Mahirap maghanap ng lalaki na maiintindihan ako. Sa sobrang busy ng buhay ko. Sa sobrang ambisyosa ko na ang dami kong gustong gawin.”
Nagpapasalamat din aniya siya rito na nauunawaan nito na relihiyoso siyang tao. Naiyak pa nga raw siya nang sabihin ni Julius na gagawin nilang center ng kanilang relasyon ang Diyos. Paglilinaw naman ni Julius, constant work in progress pa rin naman daw na ilagay sa sentro ng kanilang relasyon ang Diyos.
Sigurado rin daw si Julius kay Hidilyn dahil para sa kaniya ito ang kaniyang ride and die.
“There’s a thing called ride or die, right? She’s my ride or die,” ani Julius.
Maayos na komunikasyon sa pamilya pangarap nina Hidilyn at coach Julius
Bilang bahagi ng paghahanda sa nalalapit na wedding nina Hidilyn Diaz at Julius, dumalo sila sa marriage counselling at maraming natutunan mula rito.
Isa sa mga ibinahagi ni coach Julius ay ang pagiging pasensyoso. Aniya, impatient siya at natutunan niyang mahalaga sa mag-asawa na maging maunawain.
Sabi naman ni Hidilyn Diaz, lahat ng ninong at ninang nila sa wedding ay tinanong na rin nila ng advice tungkol sa marriage. Sa nalalapit nga na wedding nina Hidilyn Diaz ay imbitado rin sina Judy Ann Santos, Angel Locsin, at Iza Calzado.
“We want the people present in our wedding to be those who will serve as our inspirations as we go through our marriage.”
Kwento pa niya, kung noon umano ay puro kompetisyon, ngayon ay mas dama niya na magkakampi sila. Mas lalo rin daw siyang naging pasensyosa at mas nauunawaan na ang kaniyang soon-to-be husband.
“Eto yong papakasalan ko, kailangan tanggapin ko siya. Kung ano siya, magwowork – magcompromise kami. Kasi magpapakasal na kami, magiging isa na kami e. Hindi lang sa papel kundi sa buhay talaga.”
Kung sakaling magkaroon naman daw ng anak ang mga ito, nais lamang nila ng pamilyang may sapat na panahon para sa isa’t isa at may maayos na komunikasyon.
“I want to establish a really solid values, really solid relationship with my kids in the future. And definitely just want to make an emphasis on communication and talking,” saad ni Julius.
Gusto naman daw ni Hidilyn na mayroong bonding time palagi ang pamilya kung saan ay mas mararamdaman ang pagmamahal sa isa’t isa. Nais niya raw na maramdaman ng kanilang mga magiging anak na nariyan silang mag-asawa para sa mga ito.