Pansin mo ba na mayroong araw na sobrang hyper ng anak mo? Bubusugin ang sarili at handa nang maglaro ng todo sa buong araw. Malalaman mong pagod na ito dahil sa malakas na hilik ng bata kapag humihinga. Ang cute nila kapag nakikita natin silang humihilik diba?
Mababasa sa artikulong ito:
- Epekto sa behavioral regulation ng paghilik ng mga bata
- Dahilan ng hilik ng bata
- 5 paraan para makatulog ng maayos ang bata
Ang ‘hilik’ ng bata ay hindi naman dapat ikabahala kung minsan lang itong mangyari. Ngunit kung pansin mong madalas o araw-araw na ang kanilang paghilik kahit na hindi sila pagod, ito ang dapat mong bantayan. Maaari itong maging banta sa kalusugan kung hindi inagapan.
Sa isang pag-aaral na nakalimbag sa Nature Communications, nadiskubre nila ang koneskyon ng madalas na paghilik sa structural brain changes sa mga bata. Pasok din dito ang ilang brehavioral issue katulad ng hyperactivity at inattention.
Narito ang ilang detalye sa pag-aaral tungkol sa hilik ng bata.
Hilik ng bata: Epekto sa behavioral regulation
Sinuri ng mga researcher ang MRI brain image ng mahigit 10,000 na bata sa US. Sila ay nasa edad siyam hanggang sampung taon. Kasama rin sa datos kung gaano kadalas humilik ang mga batang ito at iba pang checklist na maaaring makatulong sa pagsuri ng kanilang kilos o pag-uugali.
BASAHIN:
Pag-iyak at hirap sa pagtulog ni baby, maaaring sintomas na ng kondisyon na silent reflux
May tumutunog sa paghinga ng sanggol? Mga dahilan at posibleng gamot sa halak ng baby
Nalaman sa pag-aaral na ang mga batang madalas humilik (tatlo o higit na beses sa isang linggo) ay mayroong manipis na ‘gray matter’ sa kanilang utak. Ito ang area kung saan responsable sa manage reasoning at impulse control.
Ayon kay Dr. Amal Isaiah, isang associate professor ng otorhinolaryngology sa University of Maryland School of Medicine at researcher din ng nasabing pag-aaral, ang parte ng utak na ito ay lubhang importante dahil ito ang responsable sa behavioral regulation.
Dagdag pa ng propesor, mas tumataas ang tiyansang maging severe ang problema sa behavior kung madalas ang paghilik ng isang bata.
Ang kaniyang teorya ay nagsasabing kapag humihilik ang bata, hindi rin maganda ang pagdaloy ng hangin sa kanila. Bilang resulta, maaabala ang kanilang pagtulog na dahilan ng kanilang madalas na paggising.
Ito rin ang dahilan ng pagbabago ng daloy ng oxygen sa utak ng bata. Sa madaling salita, ang paghilik ng bata ay nangangahulugang hindi nakakatanggap ng sapat na oxygen ang kanilang utak.
Dahilan ng hilik ng bata
Tinatayang nasa 30% ng mga bata ang mayroong ‘occasional snoring’, habang nasa 10-12% naman ang humihilik ng madalas. Ito ay nangyayari kapag ang umabot ng dalawa bawat gabi sa isang linggo ang kanilang paghilik.
Ang mga batang may sleep apnea ay nakaakranas din ng paghilik sa gabi. Isa itong sleeping disorder kung saan paulit-ulit na tumitigil ang paghinga ng bata kapag natutulog na siyang dahilan ng paghilik.
Maaari namang humihilik ang anak mo dahil sa sipon o baradong ilong. Nawawala lang ito kapag gumaling ang nararanasang kondisyon ng isang bata. Maaari ring dahil sa namamagang tonsil o pagkakaroon ng adenoids.
Solusyon para sa paghilik ng bata
Hindi lang matanda ang pwedeng humilik dahil nangyayari rin ito sa mga bata. Maaari namang makontrol ito sa pamamagitan nang pagbabago ng kanilang pagtulog.
- Mas makakatulong sa kanilang paghilik ang pagtulog nang patagilid. Kaya naman iwasan ang pahingang posisyon para mabawasan ang kanilang hilik ng bata.
- Maaaring gumamit ng corticosteroid nasal spray kung barado ang ilong ng anak mo.
- Isa ring dahilan ng paghilik ay kapag biglang nadagdagan ang timbang ng anak mo. Upang maiwasan ito, ‘wag kalimutan na turuan siya ng simpleng ehersisyo. Kumunsulta muna sa doktor kung may nais kang baguhin sa knailang diet.
- Para naman sa mga paghilik na dahil sa namamagang tonsil o adenoids, kinakailangan mong kumunsulta sa ENT specialist para mabigyan ka ng sapat na kaalaman tungkol sa kondisyon na ito.
5 paraan para makatulog ng maayos ang bata
Ang solusyon sa paghilik ng iyong anak ay hindi lang makikita sa medikasyon at pagbabgo ng kanilang lifestyle. Kinakailangan mo rin silang patulugin ng maayos. Makakabuti ito sa kanilang upang maging aktibo, healthy at alerto sa buong araw.
Narito ang limang paraan para makatulog ng maayos ang anak mo sa gabi.
1. Bedtime routine
Ang pagkakaroon ng maayos na bedtime routine ay makakatulong para sa mga bata. Ayon sa mga eksperto, tuluyang masasanay ang katawan ng isang bata sa maayos na sleeping patern kung ito ay naturuan sa kanilang unang tatlong taon. Madadala nila ito hanggang sa pagtanda.
Magtuturo ang sleeping pattern na ito sa kanilang katawan upang tuluyang malaman ang oras ng pagtulog na nakasanayan.
2. Mag-relax bago matulog
Bago patulugin ang iyong anak, kailangang pakalmahin muna sila upang magkaroon ng payapang gabi. Kasama rito ang pagpatay ng ilaw (maaaring iwanang nakabukas ang lampshade kung nais ng anak mo), pagpapatugtog ng malumanay na musika o pagsasanay ng breathing exercises. Maaari rin namang basahan sila ng libro bago matulog.
3. Pagkakaroon ng komportableng paligid
Upang maiwasan ang pagkakaroon ng masamang panaginip, kinakailangang maramdaman ng anak mo na ligtas o komportable siya sa lugar na pagtutulugan. Iwasan ang panonood ng nakakatakot na pelikula o paglalaro ng bayolenteng video game bago matulog.
Sanayin din na patayin lahat ng electronic device sa paligid ng iyong anak dalawang oras bago matulog ng iyong anak.
4. Araw sa umaga
Hayaang maglaro sa araw o natural na liwanag ang iyong anak sa umaga. Nagbibigay ito ng melatonin sa kanila na siyang dahilan kung bakit aktibo sa araw ang bata. Pagsapit naman ng gabi, makakatulong sa mabilis na pagtulog ang dim lights sa kwarto.
5. Iwasan ang matamis at energy drinks
Kinakailangang iwasan ng mga bata ang pag-inom ng inuming matatamis at may caffeine. Upang hindi maabala ang sleep cycle ng anak mo, iwasang painumin sila ng mga nasabing inumin sa hapon o gbai bago matulog.
Parents, hindi kailangang mag-panic kung pansin mong humihilik nang madalas ang anak mo. Hindi naman ito banta sa kanilang buhay ngunit dapat ay hindi ipagsawalang bahala ang mga senyales na ito. Siguraduhin na magpatingin sa pediatrician sa kondisyong ito.
Translated with permission from thetheAsianparent Singapore
Isinalin sa wikang Filipino ni Mach Marciano