#AskDok: Puwede bang magpahilot ang buntis?

Narito kung kailan ligtas at hindi ang hilot o masahe sa isang buntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hilot sa buntis? Ligtas o hindi nga ba? Narito ang sagot ng mga eksperto.

Hilot sa buntis

Ayon sa American Pregnancy Association o APA, ang masahe o hilot sa buntis ay hindi naman ipinagbabawal sa kahit anumang stage ng pagdadalang-tao. Basta’t ito ay gagawin ng isang therapist na eksperto at napag-aralan ang tamang paggawa nito.

Ngunit may mga pagkakataon na mismong mga therapist ang tatanggi sa paghihilot ng buntis. Lalo na kung ito ay nasa first trimester palang o nasa unang labin-dalawang linggo ng pagdadalang-tao. Dahil ito umano ang pinaka-sensitive stage ng pagbubuntis at mataas ang tiyansa na makunan ang buntis o makaranas ng miscarriage.

Image from Freepik

Hindi masama basta’t huwag lang madidiinan ang tiyan

Paliwanag naman ni Dr. Maria Carla Esquivias-Chua, isang OB-Gyne, sa kabuuan ang hilot o masahe ay hindi naman makakasama sa sanggol o sa babaeng nagdadalang-tao.

Sa katunayan ay nakakatulong pa nga ito upang ma-relax ang mga nananakit na parte ng kaniyang katawan. Tulad ng mga binti na sumasakit dahil sa bigat ng lumalaking sanggol sa kaniyang sinapupunan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Depende sa part ng katawan ng nagbubuntis kung ano ang hihilutin o ima-massage. Kasi kung hilot lang ng masakit, usually kapag malaki na ang tiyan ng pregnancy.

Late in the third trimester na, usually ‘yong mga legs mo, masakit na. Dahil mabigat na ‘yong katawan mo, masakit na ‘yong mga ugat-ugat mo or minsan ‘yong muscle, ipapahilot mo.”

Ito ang pahayag ni Dr. Esquivias-Chua. Pero paalala niya, may isang parte ng katawan ng buntis ang hindi maaring hilutin sa kahit anumang stage ng pagbubuntis.

Ito ay ang kaniyang tiyan. Dahil kung ito ay magagalaw o madidiinan, dito na maaring magkaroon ng problema ang isang babae at kaniyang dinadalang sanggol.

“May placenta na ‘yan, e. ‘Yong inunan ng baby kung saan siya nakakapit ‘yong dapat sa matres o sa uterus. Kapag minasahe? Ang hilot pa naman ng mga matatanda, madiin. Puwede nilang madiinan ng todo ‘yong abdomen ng buntis.”

“So, puwedeng mag-cause ng placental detachment, o ‘yung tinatawag nating abruption placenta. So, dangerous ‘yun… hemorrhage ‘yun. Lalo na sa first trimester.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Wala pang placenta ang first trimester, ‘no. Nagsisimula pa lang ‘yan nang mga starting 10 to 12-10 weeks is the age of gestation. Lalo ‘yon, ‘pag diniinan mo ‘yong puson ay puwede siyang mag-cause ng abortion.”

Ito ang dagdag pang paliwanag ni Dr. Esquivias-Chua.

Image from Freepik

Dapat nasa tamang posisyon

Upang maiwasan rin na madiinan o malagyan ng pressure ang tiyan ng buntis dapat nasa tamang posisyon siya sa tuwing hinihilot o minamasahe.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon pa rin sa APA, ang inirerekumendang position ng mga massage professional para sa buntis ay ang side-lying position. Dahil sa ganitong posisyon ay nare-relax ang muscles sa lower back ng buntis habang nabibigyan nito ng tamang suporta ang kaniyang tiyan.

Kaya naman paalala ng APA, mas mabuting magpahilot o magpamasahe ang isang buntis sa isang certified prenatal massage therapist. Dahil sa mas alam nito ang mga dapat i-address sa pangangailangan ng kaniyang katawan.

Mas kabisado nila ang mga posisyon na hindi makakasama sa buntis at dinadala niyang sanggol. At alam nila ang mga sintomas ng blood clots at varicose veins na maaring magdulot ng problema sa pagdadalang-tao.

Benepisyo ng masahe o hilot sa buntis

Sa kabuaan maraming benepisyo ang maaring ibigay ng masahe o hilot sa buntis. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

  • Naiibsan nito ang pag-aalala o anxiety ng buntis.
  • Nakakatulong ito upang maibsan rin ang sintomas ng depresyon.
  • Narerelax nito ang mga nanakit na muscle at joints ng buntis.
  • Nakakatulong ito sa improvement ng labor outcomes at newborn health.
  • Nareregulate nito ang mood ng buntis at nakakatulong sa improvement ng kaniyang cardiovascular health.
  • Naiibsan nito ang edema o pamamaga ng joints na nararanasan ng buntis.
  • Nakakatulong rin ito na maibsan ang tension sa mga namamagang ugat ang muscles ng buntis dahil sa bigat ng dinadala niyang sanggol.
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Kailan hindi puwedeng magpahilot ang buntis?

Pero sa kabila ng benepisyong ibinibigay nito, hindi lahat ng buntis o babae ay maaring magpahilot o magpamasahe. Lalo na kung ito ay hindi muna ikinukonsulta o ipapaalam sa kaniyang doktor. Dahil may mga kondisyon sa pagbubuntis ang dapat isaalang-alang bago gawin ito. Sapagkat kung hindi, ang simpleng hilot o masahe ay maaring magdulot ng seryosong banta sa kaniyang kalusugan.

Ang mga kondisyon na ito ay ang sumusunod:

  • Nakakaranas ng high-risk pregnancy o komplikasyon sa pagbubuntis.
  • May pregnancy-induced hypertension o PIH
  • Nakakaranas ng preeclampsia. Ito ay komplikasyon sa pagbubuntis na may kaugnayan sa mataas na blood pressure o kaya naman ay damage sa ibang organ system tulad ng liver at kidneys.
  • Nakaranas ng pre-term labor sa nakaraang pagbubuntis.
  • Madalas na nakakaranas ng matinding pananakit ng ulo at pamamaga sa katawan.

Kaya naman upang makasigurado, mas mabuting kumonsulta muna sa doktor bago magpahilot o magpamasahe. At sa oras na may go signal na ng doktor, humanap ng masahista o licensed prenatal massage therapist na magsisiguro sa kaligtasan mo at ng iyong sanggol.

 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement