Napansin na namin na parang hindi nawawala ang ubo ni bunso, bagama’t hindi naman malala ang pag-ubo niya. Nang idaing niya na hindi siya makahinga, at hinang-hina na siya, isinugod na namin siya kaagad sa ospital. Ito ba ay maaaring sintomas ng tubig sa baga?
Sa medical term, ito ang tinatawag na pulmonary edema, kung saan ang baga ay napupuno ng tubig kaya’t nahihirapang gawin ang dapat nitong gawin para sa katawan—una na dito ang makahinga nang maayos.
Maraming maaaring maging sanhi nito: sakit sa puso, pulmoniya, exposure sa ilang toxins at medikasyon, at minsan, pati pag-akyat sa matataas na lugar tulad ng bundok. Ito ay nangangailangan ng agarang lunas. Kapag hindi naagapan, maaaring maging acute pulmonary edema ito, at posibleng maging sanhi ng pagkamatay.
Mga sanhi ng pagkakaroon ng tubig sa baga cause
Ang pagkakaroon ng tubig sa baga cause ay madalas sanhi ng pagpalya ng puso. Kapag ang puso ay walang kakayahan na mag-pump ng dugo nang maayos, ang dugo ay maaaring mapunta sa baga.
Habang tumataas ang pressure sa mga blood vessels, ay patuloy na pumapasok ang mga tubig sa baga cause sa alveoli sa baga. Ang mga tubig na ito ang bumabawas sa normal na bilang ng oxygen sa katawan.
Ang pagpalya ng puso na nagdudulot ng tubig sa baga ay sanhi ng:
- Atake sa puso, mga sakit o karamdaman sa na nagpapahina sa muscle sa puso.
- Pagtagas o pagsikip ng mga balbula sa puso
- Biglaang pagtaas ng dugo o high blood pressure
Maaari ring sanhi ng tubig sa baga ang mga sumusunod:
- Mga gamot
- High altitude exposure
- Kidney failure
- Pagsikip ng mga arteries na nagdadala ng dugo sa kidney
- Pagkasira ng baga na dulot ng nakalalasong gas o malalang impeksiyon
- Matinding injury
Dalawang pangunahing uri ng pulmonary edema o tubig sa baga
1. Heart-related (cardiogenic) pulmonary edema
Ito ay karaniwang sanhi ng pagpalya ng puso. Kung ang kaliwang ventricle ay hindi nakapag-pump ng sapat na dugo, mapupunta ito sa baga. Tataas ang presyon ng puso at mapupunta ang mga tubig sa air sacs ng baga.
Ang mga medikal na kondisyon na maaaring magdulot ng tubig sa baga ay ang mga sumusunod:
Sa paglipas ng panahon ang mga artery na nag-susuplay ng dugo sa mga muscle sa iyong puso ay maaaring kumonti dahil sa mga taba at mantikang naiipon sa katawan. A
ng pagsikip ng coronary artery ay maaaring magresulta sa paghina ng kaliwang ventricle, Pamumuo ng dugo ang posibleng maging resulta nito na siyang sanhi ng heart attack.
Ang salitang ito ay nangangahulugang sirang muscle sa puso. Kung ikaw ay mayroong cardiomyopathy kinakailangang magpump ng mas matindi ang iyong puso, dahilan upang tumaas ang presyon.
Ang puso ay maaaring hindi masuportahan ang mga aktibong gawain. Kapag ang kaliwang ventricle ay matugunan ang mga ito, maaaring mapunta ang mga tubig sa iyong baga.
Ang pagsikip ng aortic o stenosis o ang pagtagas ng mga balbula ay maaaring makaapekto sa pagdaloy ng dugo sa iyong puso. Tataas ang presyon sa puso. At kung ito ay maranasan maaaring magresulta sa malalang kondisyon tulad ng pulmonary edema
-
High Blood Pressure (Hypertension)
Ang pagkakaroon ng hindi malunasang high blood pressure ay nagpapalaki sa puso. Maaari itong magdulot ng pagkakaroon ng tubig sa baga.
Ang high blood pressure na dulot ng pagsikip ng mga artery sa kidney ay maaari rin maging sanhi ng pulmonary edema.
2. Non-heart-related (noncardiogenic) pulmonary edema
Ang tubig sa baga na hindi sanhi ng anumang problema sa puso ay tinatawag na noncardiogenic pulmonary edema.
Ang mga sanhi nito ay ang mga sumusunod:
-
Acute respiratory syndrome (ARDS)
Ang sakit na ito ay dulot ng biglaang pagkapuno ng tubig ng baga.
-
Adverse drug reaction o drug overdose
Ang mga spirin o mga ilegal na droga tulad ng heroin at a cocaine ay maaaring magdulot ng pagkakaroon ng tubig sa baga.
-
Exposure to certain toxins
Ang pag singhot sa toxins ay maaari ring magresulta sa pulmonary edema
Ang pulmonary edema ay madalas maranasan ng mga hikers o ng mga taong mahilig umakyat ng bundok.
Ang pagsinghot ng tubig na dulot ng pagkalunod ay maaaring maging sanhi ng pulmonary edema.
-
Nervous system conditions or procedures
Matapos makaranas ng head injury, seizure o brain surgery posible naman itong tumuloy sa pagkakaroon ng tubig sa baga.
Ang mga usok ay nagtataglay ng mga kemikal na kapag nasinghot maaaring makasira sa mga air sacs ng baga na siyang nagreresulta sa pagpasok ng tubig dito.
-
Transfusion-related lung injury
Ang pagsasalin ng dugo ay maaari ring magdulot ng sobra sobrang tubig sa kaliwang ventricle.
Maaari ring magdulot ng pulmonary edema ang mga virus tulad ng dengue at hantavirus.
Mga sintomas ng tubig sa baga
Image from Freepik
Dapat na malaman ang mga senyales at sintomas na may tubig na sa baga, para maagapan ang anumang komplikasyon.
- hirap sa paghinga (dyspnea) na lumalala kapag gumagalaw, at kahit pa nakatigil o nakahiga lang
- pakiramdam ay nalulunod o naninikip ang dibdib, at parang naghahabol ng hininga
- minsan ay may pag-aagahas (o wheezing sound)
- nanlalamig at nagpapawis ang mga palad, at maaaring magpawis din ang buong katawan
- nanghihina, hindi mapakali, balisa
- umuubo, mula bahagya hanggang may kasama nang kaunting dugo
- nangingitim na ang mga labi
- mabilis at hindi regular ang tibok ng puso (palpitations)
- walang ganang kumain
- low blood oxygen level (hypoxia)
Kapag may nakitang anumang sintomas, mahalagang isugod kaagad sa ospital ang pasyente para mabigyan ng lunas, bago maging huli ang lahat.
Bakit nga ba nagkakaroon ng tubig sa baga?
Ang baga natin ay may mga maliliit na elastic air sacs na tinatawag na alveoli. Sa bawat hinga, ang mga air sacs na ito ay pinapasukan ng oxygen at naglalabas naman ng carbon dioxide.
Kapag may problema sa sistema, napupuno ang alveoli ng tubig, sa halip na hangin, kaya’t nahaharang ang pagpasok ng oxygen sa bloodstream. Pulmonary edema ang tawag kapag napupuno ng fluid at pressure ang baga, paliwanag ni Dr. Regent Andre Piedad, MD. Maraming posibleng sanhi nito.
Dagdag ni Dr. Piedad, karaniwang sanhi ng nito ay congestive heart failure, o kapag hindi nakapag-pump nang maayos ang puso. Kapag nangyari ito, ang dugo na dapat mapunta sa puso ay bumabalik papunta sa baga. Dahil sa pressure sa blood vessels, natatangay ang fluids papunta sa baga at kapag hindi naagapan, napupuno ito.
Ang pinakakaraniwan sanhi ng pagkakaron ng labis na tubig sa baga o cardiogenic pulmonary edema ay valvular diseases (mitral valve stenosis), myocardial infarction o atake sa puso, hypertrophic cardiomyopathy o cardiac arrest, kaya’t nagkakaron ng fluid overload o labis na tubig sa baga.
May mga noncardiogenic pulmonary edema din, at sanhi ito ng:
- acute respiratory distress syndrome (ARDS) na dahil naman sa malalang trauma, systemic infection (sepsis), pulmonya at labis napagdurugo;
- high altitude na nararanasan ng mga mountain climbers at mga taong palaging nasa mataas na Lugar o altitude (high-altitude pulmonary edema o HAPE);
- paglanghap ng labis na usok katulad ng labis na usok dahil sa sunog;
- pulmonary embolism o ang kondisyon kung saan may bara o blood clot na dumaloy papunta sa baga;
- malubhang reaksiyon mula sa drugs, aspirin man o ilegal na gamot tulad ng heroin at cocaine;
- viral infection tulad ng hantavirus at dengue virus;
- pagkalunod o pagpasok ng tubig sa sistema dahil sa pagkalubog sa tubig.
Kapag hindi naagapan ang pagpasok ng tubig sa baga, maaaring magkaron ng pressure sa pulmonary artery o pulmonary hypertension. Ito ang magiging dahilan ng panghihina ng puso. Kapag nangyari ito, mamamaga ang tiyan at lower extremity, tubig sa paligid pa ng baga (pleural effusion), at pamamaga ng atay.
Paano maiiwasan ang pagkakaron ng tubig sa baga?
Ang mga causes o factors na puwedeng maging dahilan ng tubig sa baga ay dapat na mapigilan bago magkaron ng komplikasyon, pagdidiin ni Dr. Piedad. Dapat na gawin ang lahat para maiwasan ang mga kondisyon tulad ng cardiac arrest, hypertension, rheumatic heart fever o valvular dysfunctions.
“Para sa mga may pre-existing heart conditions o hypertension, mahalagang regular ang pag-inom ng mga prescribed medications para dito,” payo ni Dr. Piedad, “para mapababa ang risk ng cardiac incidents tulad ng congestive heart failure o myocardial infarction.”
Dagdag ni Dr. Piedad, “Tamang medikasyon na sunod sa payo ng doktor, kasama ng healthy at active lifestyle, low salt intake, at low saturated fats diet. Ang ilan sa pangunahing hakbang para mapangalagaan ang puso, kasama ang baga, at overall health.”
Mag-ehersisyo at itigil (o unti-unting bawasan) ang paninigarilyo para maging ligtas sa anumang problema sa kalusugan.
Treatment para sa tubig sa baga
Image from Freepik
Nang madala ang bunso kong anak sa ospital, nakitang puno ng tubig ang baga niya. Kinailangang alisin ito sa pamamagitan ng Thoracentesis, o ang procedure ng pagtanggal ng liquids sa baga.
Sa dami ng tubig, kinailangan ng dalawang procedures para ma-drain ang lahat ng tubig at maiwasan ang komplikasyon. Binigyan din siya ng sapat na oxygen para makahinga ng maayos at maibsan ang iba pang sintomas.
Inoobserbahan ang blood pressure at paghinga ng pasyente pagkatapos maalis ang lahat ng labis na tubig sa baga. Ang lahat ng tinaggal na fluid o tubig ay sisiyasatin sa laboratory para malaman kung ano ang sanhi ng edema.
“Kailangang malaman ng doktor kung ano ang sanhi ng tubig sa baga bago makapag-desisyon kung ano ang nararapat na treatment,” paliwanag ni Dr. Piedad. Kung ito ay structural, tulad ng valvular diseases, surgery ang sagot dito. Dagdag pa ni Dr. Piedad,
“Kung iba pang cardiac conditions [ang sanhi] tulad ng congestive heart failure at myocardial infractions, may mga gamot para dito tulad ng diuretic medicines, o di kaya ay invasive procedure sa ER o intensive care unit,”
Posibleng cardiac catheterization (procedure para sa heart conditions) ang kailangan, kasama ng mechanical ventilatory support para mapagpahinga ang baga at respiratory muscles at para makapagbigay ng sapat na oxygenation sa katawan at sistema.
Sumailalim sa tests ang tubig na nakuha sa baga ng anak ko, para malaman kung may tuberculosis ito o iba pang malubhang problema. Laking pasalamat namin na walang iba pang komplikasyon at health risk, ayon sa tests. Kinailangan lang niya ng sapat na pahinga at masustansiyang pagkain para maibalik ang dating lakas ng katawan.
Ito ay dahil naagapan at naisugod kaagad siya sa ospital. Kaya naman mahalagang malaman ang mga senyales at sintomas ng tubig sa baga.
Karagdagang ulat mula kay Marhiel Garrote
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!