Anong gagawin ko kung hindi masyadong gumagalaw si baby sa tiyan?

Napansin mo bang hindi masyadong gumagalaw si baby sa tiyan? Marapat lang na ipasuri ito agad dahil isa itong warning sign sa seryosong problema.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naalala mo pa ba ang mga panahong buntis ka pa at nararamdaman mo pa rin ang mga maliliit na sipa ni baby sa iyong tyan? Mula sa 1st day ng iyong pagbubuntis, isa na ata ang pagsipa ni baby sa tyan ang pinaka memorable sa journey na ito. Pero alam mo ba na ang pagmonitor o pagbilang ng bawat sipa ni baby araw-araw ay isang way ng pagligtas mo sa kanya mula sa kapahamakan? May mga naitala kasing pag-aaral na ang pagbibilang ng sipa ni baby ay nakakapagpababa ng risk ng pagkakaroon ng stillbirth. Ang pagmonitor ng sipa ng baby ay makakatulong upang malaman ang pattern at alert ng bata. Pero ano nga ba ang mangyayari kapag hindi gumagalaw si baby sa tiyan?

Ang payo ng mga eksperto sa mga buntis ay kailangan nilang bilangin ang sipa ni baby sa tyan sa 28th week ng kanilang pagbubuntis. Kung high risk  at nanganak ka naman ng ilang beses, kailangan mong magsimulang magbilang sa iyong 26th weeks.

Anong gagawin ko kung hindi masyadong gumagalaw si baby sa tiyan? | Image from Unsplash

May pagkakataon na ang pagbubuntis ng isang babae ay magaan at madali lamang. Ngunit hindi ibig sabihin nito ay kailangan nang magpakampante. May ilan rin kasing kaso na kahit ang madaling pagbubuntis ay nagkakaroon rin ng seryosong problema at hindi napapansing delikado na si baby. Nangyayari ito kadalasan ng walang napapakitang warning signs.

Hindi masyadong gumagalaw si baby sa tiyan sa third trimester

Normal fetal movement

Ang normal fetal movement ay ang paggalaw ng isang bata sa loob ng sinapupunan. Ang paggalaw na ito ay maaaring mabago habang tumatagal ang pagbubuntis ng isang babae. Makakaramdam ng sipa, swish, suntok o pag-ikot mula sa baby ang isang pregnant mom.

Iba-iba ang salitang ‘normal’ para sa mga baby. Katulad na lamang ng  kanilang pattern at bilang ng sipa. Pero bilang isang ina, dapat mong i-monitor ang bawat sipa nito ng sa gayon ay malaman mo ang sariling pattern at normal para kay baby. Lalo na pagdating ng 3rd trimester. Sa kabuuan nito, sa huling trimester ng iyong pagbubuntis, dapat maramdaman mo na ang 10 sipa ni baby sa loob ng isang araw.

Dapat mas malakas ng gumalaw at sumipa ang baby sa loob ng 18-24 weeks. Ang galaw ng anak mo ay kadalasang nagiging regular sa panahon ng iyong 32nd week hanggang sa ikaw ay manganak. Kaya naman hindi totoo ang sabi-sabi na nagiging less ang galaw ni baby habang patapos na ang iyong pagbubuntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kapag nararamdaman mo ang paggalaw ni baby sa iyong tyan, ito ay isang senyales na maayos ang takbo ng pagbubuntis at healthy si baby. Kaya naman lahat ng unusual at hindi normal na patterns sa iyong baby ay indikasyon ng warning sign at ang baby mo ay maaaring hindi maayos. Minsan, ag mga baby ay nasa distress situation. Ang pagbantay sa galaw ni baby ay mahalaga dahil maaari itong maging first step ng pagliligtas sa iyong baby.

Anong gagawin ko kung hindi masyadong gumagalaw si baby sa tiyan? | Image from Unsplash

Hindi masyadong gumagalaw si baby sa tiyan sa third trimester, ano ang gagawin ko?

Ang pagbubuntis ng bawat ina ay iba iba at unique. Karamihan sa mga pregnant mom ay nararamdaman na ang movement ni baby sa kanilang 16th-24th weeks.

Ngunit, kung hindi mo pa rin nararamdaman ang movement ni baby sa loob ng 24 weeks, kailangan mo nang ipakonsulta ito sa iyong healthcare provider na tumitingin ng heartbeat at ultrasound ni baby. Ito ay para masuri na rin ang health ng anak mo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi masyadong gumagalaw si baby sa tiyan sa third trimester: Week 24 at 28

Sa loob ng iyong 24th at 28th week ng iyong pregnancy, lahat ng hindi normal sa iyong baby ay kailangang ipagbigay alam sa iyong doctor. Kung maaari, sa araw rin na iyon magpakonsulta sa doktor.

Lahat ng paghina ng fetal movement na nararanasan ng iyong ay kailangang ipa-check pati na rin ang heartbeat nito. Ang full routine check-up ay kailangang kasama ang:

  1. Pagsukat sa iyong bump para ma-check ang size ni baby
  2. Pagcheck ng iyong blood pressure
  3. Pagsagawa ng test sa iyong ihi para ma-check ang protein content

Kadalasan, ikaw ay binibigyan rin ng ultrasound lalo na kung maliit ang iyong tyan para sa normal na laki.

Ang paghina ng movements ng iyong baby ay nagsasabi na ang iyong baby ay hindi maayos. Pero may iba ring pagbubuntis na nakakaranas ng paghina ng galaw ni baby ngunit kalaunan ay naging maayos rin ang pagbubuntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Lagpas ng 28 weeks ng pagbubuntis

Kapag ang iyong baby ay humihina nag paggalaw pagkatapos ng iyong 28 weeks, kailangan na talaga nitong ma-check ng doctor agad-agad. ‘Wag hintayin kung ito ba ay babalik sa dati o ilang oras pa bago i-report sa doktor. Makakatulong ang pagpapakonsulta para malaman kung anong nangyayari sa iyong anak.

Ikaw ay dadalhin sa maternity unit  para sa mga pagsusuri. Ang test na ito ay kasama ang:

  1. Sabihin ang movements ni baby
  2. Antenatal check-up- pagcheck sa heartbeat ni baby at pagsukat sa size ng iyong bump
  3. Pagmonitor ng heart ng iyong baby gamit ang cardiotocography machine (CTG).
  4. Ultrasound scan

Hindi ka dapat na i-discharge hanggag hindi pa nagiging normal ang galaw ng iyong baby.

Anong gagawin ko kung hindi masyadong gumagalaw si baby sa tiyan? | Image from Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano ang gagawin ko kapag humina ulit ang galaw ni baby pagkatapos kong discharged?

Pagkatapos ng medical monitoring sa iyong baby, kailangan mong bantayan maigi ang magiging galaw ni baby. Kung sakaling ito ay humina o nagbago ulit, kailangang ipasuri ulit ito.

To sum it all, kailangan mong ireport lahat ng pagbabago o paghina ng galaw ng iyong baby agad-agad sa iyong doctor.

‘Wag ring hahayaan na ilagay sa iyong kamay ang sitwasyon o kaya naman mag-rely sa mga devices katulad ng home doppler, hand-held monitors o ano pang phone apps na magchecheck sa iyong baby sa bahay. Hindi ibig sabihin nito na maayos si baby kapag na-detect mo na may heartbeat ito gamit ang mga device na ito. Kailangan mong masuri at mamonitor ng isang medical professional gamit ang cardiotocography machine para ma-check ang heartbeat ni baby.

‘Wag susubukan na pagalawin si baby. Kung sa tingin mo ay humina, tumigil o nag-iba ang movements nito, agad na kontakin ang iyong doctor.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Translated with permission from theAsianparent Singapore

 

BASAHIN: Sipa ni baby sa tiyan: Paano bibilangin at kailan dapat mag-alala?

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Mach Marciano