TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Bakit parang hindi ko mahal ang anak ko? 6 dahilan ayon sa mga eksperto

4 min read
Bakit parang hindi ko mahal ang anak ko? 6 dahilan ayon sa mga eksperto

Posibleng dahil sa trauma na nangyari sa magulang noong siya ay bata pa kaya naiibunbunton ang emosyon sa kanilang sariling anak.

Nakakaramdam ka ba na tila hindi mo mahal ang sarili mong anak? May iba’t ibang dahilan ang eksperto kung bakit dumadaan sa ganitong phase ang isang magulang.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Pananaw ng mga eksperto hinggil sa pakiramdam na hindi mo mahal ang anak mo
  • Dapat gawin kung nakakaramdam nito

Pananaw ng mga eksperto hinggil sa pakiramdam na hindi mo mahal ang anak mo

hindi mahal anak ko

Larawan kuha mula sa Pexels

Minsan mo na rin bang tinitigan ang anak habang natutulog at naisip na hindi mo ito mahal? O kaya naman hindi ka masaya sa maraming accomplishments na nagagawa niya?

Palagi na lamang bang negative na emosyon ang nababato mo sa kanya? Ang mga dahilang ito ang maaaring maging sanhi upang maisip mong hindi mo mahal ang iyong anak.

Kung naiisip mong masama ka dahil dito, huwag kang mag-alala dahil maraming magulang ang may kaparehong kalagayan tulad ng iyo.

Marami ang maaaring panggalingang dahilan kung bakit nararanasan ito ng mga magulang.

hindi ko mahal anak ko

Ayon sa mga eksperto, ito ang ilan sa kanila:

  • Pagkakaroon ng postpartum depression – Ang postpartum depression ay ang ‘chemical changes that your body goes through during pregnancy and delivery often affect your emotions and can create conditions powerful enough to cause depression after birth.’

Maaaring maging pangunahing dahilan kung bakit nararamdaman mong hindi mo mahal ang anak mo ay dahil sa kalagayang ito na nararanasan ng halos malaking populasyon ng mga nagbuntis.

Dahil sa biglaang pagbabago sa emosyon, nagdudulot ito ng depression na sadyang nakaaapekto sa tao upang lalong mahirapang mahalin ang sarili at ang iba.

  • Maraming pagsisisi sa buhay – Kung pakiramdam mo ay marami kang hindi pa nagagawang nais mo matupad sa buhay malaki ang tyansang isisisi mo ito sa iyong anak kung bakit ito nangyayari.

Posibleng maisip mo na malaking parte kung bakit hindi mo magawa ang mga pangarap mo ay dahil napupunta na lamang ito sa pag-aalaga ng iyong anak.

  • Pagkakaroon ng childhood trauma – Maaaring isa ka sa mga magulang na nagkaroon ng neglectful na magulang kaya maraming beses mong naranasang hindi ka mahal nila. Ang mga ganitong pagkakataon ay nadadala hanggang sa pagtanda. Kaya naman naipapasa ng mga may childhood trauma na nanay ang ganito sa kanilang anak.

Mapapansing mong naaabuso mo na rin ang anak dahil sa mga negative interactions ninyo, emosyonal man o physical.

  • Pakiramdam ng pagseselos sa sariling anak – May mga pagkakataon na nakikipag-compete ang mga magulang sa sarili nilang anak. Maaari ring galing ang ganitong reaksyon kung sa pinagmulan mong pamilya ay nakuha mo ang pagkakaroon ng mababang self-esteem.

Nakikipaglaban ka pa rin na mapansin ka dahil mula ito sa karanasan noong pagkabata. Kaya nga maaaring magkaroon ng pagkakataong sa tuwing may nagagawa ang anak o napapapansin ng iba ay hindi mo ina-acknowledge ang galing niya.

Dadating sa punto na kung labis-labis na atensyon at accomplishments ang mayroon sila ay gagawin mo ang lahat mapababa lamang ang kanilang self-esteem.

  • Hindi masaya sa asawa – Isa sa pwedeng panggalingang dahilan ang hindi pagiging masaya sa buhay may asawa. Maaari kasing tinitignan mo ang anak bilang natatanging dahilan kung bakit pa kayo nagsasama ng iyong asawa.

Maiiisip mo na kung wala siya matagal ka nang nakawala sa relasyon na hindi ka naman na masaya. Kaya nga may mga pagkakataong mabubuhos mo ang frustration na ito sa iyong anak.

  • Kaliwa’t kanang trauma sa magulang – Dahil minsan ka ring naging bata, malaking papel ang history ng iyong pamilya kung bakit maraming negative emotions ang napapasa sa anak.

Isa sa pinakadahilan ang pagkakaroon ng toxic na magulang. Kadalasang nagiging defense mechanism ng ganitong tao ang paglimot sa pagpaparamdam ng pagmamahal sa iba.

BASAHIN:

Postpartum tummy: Normal bang mukha pa rin akong buntis after manganak?

Ano ang baby growth spurts at paano maaalagaang mabuti ang iyong anak sa stage na ito?

A mom’s traumatic birth experience: “I got a total of four IEs, I was already bleeding”

hindi mahal anak ko

Larawan kuha mula sa Pexels

Dapat gawin kung nakakaramdam nito

Kung ang ilan sa mga ito ay nararanasan mo ngayong magulang ka na, pinaka mainam na gawin ay ang kumonsulta sa eksperto hinggil sa iyong kalagayan.

Sa pamamagitan ng self-analysis malalaman mo ang iba’t ibang developmental history na maaaring panggalingan ng iyong negative emotions. Sa pagbabalik tanaw sa iyong kabataan, makikita mo ang mga childhood patterns na nakaaapekto sa pagtrato mo sa iyong anak.

Mabibigyan pa ng lunas ang iyong past trauma at magkakaroon ka ng self-awareness tungkol sa iyong parenting style. Ito ay kung hihingi ka ng tulong sa mga eksperto. Sa pamamagitan nito mapapabuti ang relasyon ninyong mag-ina.

Psychology Today

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Bakit parang hindi ko mahal ang anak ko? 6 dahilan ayon sa mga eksperto
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko