Paano nga ba natin malalaman kung hindi nakakasabay ang bata o ang anak natin? Kailangan nga ba tayo dapat kumonsulta na sa isang espesyalista patungkol sa behavior ng ating mga anak?
Anu-ano nga ba ang mga senyales na kailangang bantayan ng isang magulang upang malaman na kailangan na ng isang professional help?
Ito ang ilan sa sinagot ng guest expert na si Dra. Mary Ann Marnie Prudencio, isang neuro-developmental pediatrician sa center ng autism sa developmental medicine ng St. Luke’s Medical Center sa BGC at nagii-specialize ito sa speech o language delay at motor delay sa ginanap na media forum na isinagawa ng Tiger Biscuit kung saan itinalakay nila ang kahalagahan ng kumpiyansa sa sarili.
Simpleng sagot ni Dra. Prudencio sa kung ano ang senyales na hindi nakakasabay ang bata at kelangan na ng atensyon ng isang espesyalista, “Well if they have language delay, if they have socialization difficulties, if they have unusual behavior, or you’ve tried all the parenting techniques that you’ve read and you’ve learned from others and then it still does not work.”
Mga kuwento ng pagka-delay ng anak
Isang ina nga ay nagbahagi ng kuwento patungkol sa kaniyang anak na lalake na di-umano ay nasa “autism spectrum.”
Panimula niya, “I have a son who is on the autism spectrum, so on the outside he looks very normal there’s no telling signs, but in your heart you know as a mom there’s something that’s delayed on my son.”
“Because he doesn’t socialize, he didn’t speak yet at 2 years old or going to 3, so it’s sometimes the hardest thing is accepting that you need help and once you get past that it’s easy,” paliwanag nito.
Aniya pa nga, “Because if you know how to ask for help na, if you realize within yourself na you can’t do this on your own, after that if you get past that it’s okay na.”
“Kasi you’ll know how to ask for help, you know to follow the advise of someone who knows better,” diin niya.
Isa pa ngang ina ang nagbahagi rin ng personal nitong karanasan patungkol naman sa apat na taon nitong anak na wari di-umano’y hindi masyadong kaya i-handle ang kaniyang emosyon ng maayos.
Kuwento niya, “Sometimes, like for example, there was one case he was playing with neighbors and then ganun, yun e, kapag parang nabigla mo kasi.”
“We were gonna go out so parang he was like, ‘No i want to stay.” Ganun siya as in no siya nang, no sa akin tapos parang sabi ko, ‘Hindi na sakay na.”
“Tapos parang ano, his dad told him calmly naman na, ‘Hindi na aalis na tayo,’ tapos he shouted bigla. And then it happens talaga even in different scenarios, but not all the time sometimes naman mapapakiusapan mo.”
“But I guess yung kapag nabibigla siya, he shouts talaga so ako nagiging response ko is sigawan ko rin siya, kasi para makuha fall back why are you shouting gaganunin ko na siya,” madadaming sambit nito.
Payo ni Dra. Prudencio, “Alam mo there are some kids who have difficulties transitioning from one activity to another, so kung kinuha mo sila agad nang hindi mo, walang ano. parang walang pasabi, ‘Lets go na,’ kasi hindi pa nila makaya because they’re brains are still immature.”
Aniya pa nga, “They still cannot get transitioning, so they will react, they will shout.”
Payo ni doktora, “What you can do, for example, he’s playing and you have to go you can say, ‘5 mins we will go na ha cause we…'”
“And then after that, ‘3 mins na lang. 1 minute na lang.’ And then you countdown, ‘Okay we have 10 more seconds to go, 10, 9, 8,’ and then more or less he’s preparing his brain that he will be transitioning from one activity to another,” pagpapatuloy niya.
“More or less baka malessen yung ganung reaction, kasi it takes time for them to process some information,” dagdag pa ni Dra. Prudencio.
Bilin ni doktora, “Sometimes, so instead of verbalizing na. ‘I’m still playing. I still don’t want you know.'”
“They’re preparing their brain, pero not at once, kasi pag at once di pa nila ma-process yun, kasi enjoy pa sila sa ginagawa nila, pahabol pa niya.
Basahin: STUDY: Pagiging masyadong matakaw ng bata, maagang senyales ng autism
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!