Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), umabot na nang 2.97 na milyon ang hindi nakatapos ng pag aaral. 18.8% nito ay mga estudyante na walang interes na makatapos. Nasa 18.6% naman ang prublemang pinansyal ang nagiging dahilan kaya hindi nakatapos ng pag aaral. Ganunpaman, nasa 61.9% ang tumitigil dahil sa maagang pagsisimula ng pamilya.
Marami sa maagang nabuntis ay hindi nakatapos ng pag aaral
Ang 61.9% tumitigil sa pagaaral ay puro mga kababaihan na nasa edad 16 hanggang 24 taong gulang. Ito ang datos na ipinakita ni Education Secretary Leonor Briones para ipagtanggol ang P518.5 billion na budget para sa 2020. Kanyang ipinakita ang datos mula sa PSA upang ipakita ang importansya ng pagpapakilala ng republic health sa mga bata.
Ayon kay Sec. Briones, bago pa siya manungkulan ay binigyan na siya ng utos ng Pangulong Duterte na i-adjust ang curriculum. Dahil 10 taong gulang ang pinaka-batang naitala na nabuntis sa Pilipinas, dapat ay 10 taong gulang pa lamang ay natututo na ito sa republic health.
Sinuportahan naman ito ni Laguna 3rd District Rep. Sol Aragones. Ayon sa kanya, makakatulong ang gobyerno na maiwasan ang maagang pagbubuntis sa pamamagitan ng sex education. Kanyang itinuro ang limitadong kaalaman ng mga maagang nabubuntis at nagpapamilya sa reproductive health.
Ayon sa Population Commission (PopCom), 24 mga sanggol ang ipinapanganak ng mga batang ina kada oras. Halos 200,000 na nasa mga edad na 15 hanggang 19 ang nabubuntis taon-taon. Kadalasan, ito ang mga kabataan na maagang na-expose sa bisyo at internet.
Ayon sa direktor ng PopCom na si Juan Antonio Perez III, kailangan ng matibay at mabilis na aksyon. Ang maagang pagbubuntis ay dapat nang kilalanin bilang national emergency. Kung magpapatuloy ang pagtaas ng bilang ng mga maagang nabubuntis, aabot ng tinatayang 200,000 ang teenage pregnancy taon-taon.
Teenage pregnancy bilang national emergency
Ayon kay Perez, nagsisimula nang gumawa ng draft ang PopCom na nagsasabing kilalanin na national emergency ang teenage pregnancy. Nais nilang makakuha ng executive order mula sa Malacañang para dito. Ayon sa kanilang proposal, may dalawang paraan para masulusyonan ito – ang panandalian at pangmatagalan.
Ang panandaliang solusyon ay ang pag-iwas na sa mga repeat pregnancies sa mga underaged na ina. Ayon sa PSA, nasa 30,000 ang underaged na nag-repeat pregnancy nuong 2017. Ang isa sa labing anim na maagang naging ina ay muling nabubuntis bago pa man umabot sa tamang edad.
Ang pangmatagalan na soulsyon, ani ni Perez, ay ang implementasyon ng comprehensive sexuality education sa mga paaralan. Bahagi ito ng Responsible Parenthood and Reproductive Health (RPRH) law na naaprubahan nuong 2014. Ganunpaman, hindi pa ito naisasagawa ng DepEd. Sa ngayon, patuloy ang DepEd sa pagbuo ng mga modules para sa pagtuturo nito.
Source: Philstar
Photo: UNFPA
Basahin: #AskDok: May vitamins ba na puwedeng inumin para mabuntis agad?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!