Dapat bang ikumpara ang mga anak? Anong dapat gawin kapag napapansing may development delay ang isa

Dapat bang ikumpara ang ating mga anak? Paano kung napapansin mong may development delay ang isa sa kanila? Basahin ang karanasan ng isang mommy at mga tips niya kapag hindi pa nagsasalita si baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dapat bang ipagkumpara ang ating mga anak? Paano kung napapansin mong may development delay ang isa sa kanila? Basahin rito ang karanasan ng isang mommy at ang mga tips niya kapag hindi pa nagsasalita sa si baby.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Hindi pa nagsasalita si baby – pangamba ng isang ina
  • Mga hakbang na ginawa ni Mommy Kathleen upang matulungan ang kaniyang anak
  • Online resources na nakatulong para magsalita ang kaniyang anak

Sabi nila ang pangalawang anak raw ang susubok sa kakayahan ng isang magulang.

Noong isa pa lamang ang anak ko, naroon iyong excitement kapag may naabot siyang milestones. Naalala ko, maraming nagsasabi na matalino daw ang panganay ko, kasi sa edad na 2, madaldal na siya at parang matanda kung magsalita.

Madali rin niya naipahayag ang kanyang nararamdaman lalo kung siya’y galit o masaya. Nung 3-taong gulang na siya, marunong na siya bumilang hanggang sampu sa wikang Filipino pati sa English. Alam na rin niya ang lahat ng colors, shapes at ang alphabet.

Subalit nung dumating na ang aming pangalawang anak, parang iba ang nangyari. Naroon pa rin naman ang excitement, pero hindi namin maiwasang ikumpara siya sa kuya niya.

Hindi pa nagsasalita si baby

Noon kasing edad pa ni kuya si 2nd child, madalas may magsabi sa kanya noon na magiging magaling nga raw siya sa school. Pero nung sa pangalawa ko na, ang tanong na ay kung ano na ang mga salitang kaya niyang sabihin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 Hanggang sa nahaluan na nga ng pag-aalala. Naging madalas ang pagbabasa ko tungkol sa posibleng case ng pangalawang anak ko. Kahit ang iba naming kamag-anak ay pinayuhan na rin kaming magpatingin sa developmental pedia. 2 years old na kasi siya pero hindi siya palangiti, lagi siyang seryoso…o yung “poker faced” at hindi rin siya gaano nagsasalita.

Sinisi ko noon ang sarili ko dahil palaging kaming dalawa lang ang naiiwan sa bahay  at dahil kailangan ko tapusin ang mga gawaing-bahay, hinahayaan ko lang siyang manood ng TV noon pero mga pambatang palabas naman.

Larawan mula sa author

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tumagal hanggang sa 3-taong gulang na siya pero kung magsasalita man siya ay hindi namin gaano naiintindihan. Ang kuya niya lang na madalas niyang kasamang manood ng TV ang nag-iinterpret ng mga sinasabi niya.

Sa totoo lang, kapag tinititigan ko noon ang anak ko at naiikumpara ko siya sa Kuya niya, hindi ko maipaliwanag kung anong mararamdaman ko. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko kung sakaling may dapat nga akong ipag-alala.

Kasi sabi nila di ba, wala namang totoong mali sa mga batang may special needs. Ang mas ipinag-aalala ko noon ay ang sarili ko, kung kaya ko ba o kung matatanggap ko ba ang kalagayan ng aking anak kung sakali.

Maging iyong mga kinain ko noong ipinagbubuntis ko sila pinagkumpara ko, pati kung anong ginagawa ko dati ay bumabalik sa isip ko.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga hakbang na sinubukan at nakatulong sa amin

Alam naman naming kailangan namin siya patingnan, pero mahirap pala talaga magpa schedule sa isang developmental pedia. Nagtanong kami sa malapit na hospital, pero kailangan pa raw maghintay ng 6 na buwan bago siya maobserbahan dahil maraming nakapila.

Hanggang sa naisipan na lang naming subukan na ipasok siya sa isang day care center ng sa ganoon ay may makasalamuha siyang ibang bata at hindi naman nga kami nagkamali.

Nakatulong talaga ang day care dahil sa mga activities na ginagawa nila roon. Iyong marami palang sinasabi ng  anak namin ay English at slang pa. Kahit paano, nagkakaintindihan na kami at habang tumatagal naiintindihan na rin siya ng ibang bata pati ng ibang tao.

Larawan mula sa author

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa awa ng Diyos ay natapos niya ang isang buong taon sa day care. Nakita ko ang improvement niya, pero talagang kakaunti ang Tagalog na naiintindihan pati ang nasasambit niya.

Dumating pa itong pandemic, at lalo tuloy akong nag alala kung pano namin itutuloy iyong pag aaral niya para nga mas ma-develop pa ang kanyang pagsasalita.

Narito ang aming mga ginawa:

  • Habang naghihintay kami sa susunod na hakbang kung papasok ba siya uli sa day care o kinder na, naisipan kong gumawa ng isang playlist sa SPOTIFY. Lahat ng alphabet at educational songs, nursery rhymes at pati mga awiting pambata ay pinapatugtog namin mula umaga hanggang gabi.
  • Hindi ko na rin binuhay ang TV namin. Naghanap ako ng learning materials sa internet. Nagprint at ipinaskil ang mga ito sa pader ng aming sala. Isang buwan noong ginawa namin iyon, hindi pa rin niya gaano ma recognize ang alphabet. Pati ang magbilang, parang lalo siyang nalito. Hindi pa rin siya gaano nakakasalita ng buong pangungusap.

                Talagang nag-alala na naman ako. Malapit na siyang mag 5-taong gulang noong panahong iyon.

Maging sa aking inang dating grade school teacher ay humingi na rin ako ng tulong. Ang sinabi niya lang sa akin noon ay ituloy lang namin ang aming ginagawa, maging matiyaga at mas mahaba pa ang pasensiya sa bata.

Humanap rin ako ng tutor na nagtuturo sa kanya isang oras kada araw. Mas nakikinig kasi siya sa ibang tao pati minsan ay hindi maiwasan na mapuno agad ako sa kanya. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

Signs na may delay sa development ang bata

41 Fun sensory activities for your 1-year-old’s brain development

4 tips para sa oplan less o zero screen time, ayon sa isang mommy

Mga tagumpay at aral na natutunan ko

Hanggang dumating ang isang araw na naririnig ko na siyang sumasabay sa kanta. Sinubukan ko nang ipabasa sa kanya ang alphabet flashcards. Naiintindahan niya na. Pati pagbilang hanggang 20! Yes!

Sa edad na 5, narating na niya na ang maraming milestone para sa Kindergarten. At ngayon ngang malapit na siya mag-6 na taong gulang, marunong na siya bumasa ng Filipino at nakakabasa na rin siya ng English. Kaya na niyang bumilang hindi lang 1 to 10 kundi hanggang 100. Kaya na rin niya sagutan ang addition worksheets.

Ang sabi ng kaniyang Kinder teacher, maayos naman raw siya. Parang advance pa nga siya para sa edad niya. Lahat ng pangamba namin noon ay napalitan ng saya, lalo na kapag naririnig namin siyang magsalita ng Tagalog nang di namin inaasahan. Pero minsan, natatawa pa rin kami kasi kung magsalita siya para kaming may anak na Fil-am.

Totoong di dapat tayo nagkukumpara. Pero hindi maiwasan minsan, lalo kung tayo ay magulang na nag-aalala para sa development ng ating anak.

Pwedeng hindi nga magaling ang aking pangalawang anak sa Math o sa Reading o Writing, pero magaling naman siya sa Arts, at magaling makipag kapwa… napakalambing! May kani-kaniya talagang kakayanan at katangian ang ating mga anak… at may kani-kaniya rin talaga silang panahon.

Mas enjoy siyang gawin ang Arts at nakakagulat din ang attention niya sa details kapag nagkukulay siya ng tao. Kung anong kulay ng damit niya ganun rin sa kinukulayan niya, kung may konting red, pipilitin niya lagyan ng red!

Narito ang ilan sa mga online resources na nakatulong sa anak ko:

Larawan mula sa author

Ngayong tatlo na silang magkakapatid, at 16 na buwan na si bunso, hindi pa rin nawawala sa akin ang magkumpara. Naaalala ko kung kailan sila unang natuto lumakad, kung sino ang mas maaga nagsalita pati kung sino ang mas palatawa.

Pero hindi naman iyong masama magkumpara, dahil sa pagkukumpara natin, mas makikilala natin sila. Mas maiintindihan natin kung ano ang pangagailangan nila na dapat pa nating pagtuunan ng pansin pati kung paano natin mas pagyayamanin ang kakayanan nila at kung saan sila magaling.

Isa pa ay maging proud tayo sa kung anumang maging ang ating mga anak. Mahal ko silang tatlo, wala akong paborito. Sadya lang may kanya-kanya silang katangian.

TUNGKOL SA AUTHOR

Ipinagmamalaki ni Kathleen Faith Agno na siya ay isang stay-at-home mom sa tatlong batang lalaki. Kapag hindi siya busy sa pag-aalaga sa kaniyang mga anak, rumaraket rin siya sa online selling at graphic design.

Sinulat ni

VIP Parent