Birthday ng iyong tatlong taong gulang na anak at dumalo sa kaniyang kaarawan ang mga kaibigan niya. Pinapanood mo ang ibang bata na humihingi ng cake at tinatanong kung anong suot nila.
Mababasa sa artikulong ito:
- Paliwanag sa behavior ng mga batang delay
- Pagkukumpara sa ibang bata
- Anong gagawin kapag napansing delay ang bata?
Delay magsalita ang bata | Image from iStock
Napansin mong hindi masyadong nakikipag-usap ang anak mo sa iba at hirap makisabay. Hindi rin siya nakikisipa sa bola o sumasakay sa bike. Lagi siyang tahimik o nahihiya. Bilang magulang, hindi natin maiwasang isipin ito. May dapat bang ikabahala? Normal ba ang behavior na ito?
Ang delay sa development ng bata ay pangkaraniwan lang. Sa bansang Australia, mahigit isa sa limang bata na nagsimula sa pag-aaral ang nahuhuli. Sa ngayon, dapat sila ay marunong nang mag-isip, makipag-usap, gumalaw, makisalamuha o alamin ang kanilang emosyon.
Makikita sa pinakabagong pag-aaral kung ano ang mga dapat tignan kung sakaling pansin mong delay ang anak mo. Paano nga ba malalaman ito?
Delay magsalita ang bata: Paliwanag sa kanilang behavior
Bahagi ng “aha” moment kapag sakaling napansin mong may pagbabago sa iyong anak. Nandiyan ang ilang partikular na dahilan katulad ng pag-respond nila kapag tinatawag sa sariling pangalan. Isa pa ay ang hindi mapaliwanag na pag-uugali katulad ng pagmamaktol na tumatagal ng ilang oras.
Napapansin din ng mga magulang ang pagiging mainisin ng kanilang anak. Isa itong senyales na talaga namang makakaramdam ka ng kakaiba. Ang “niggle” na ito ay nakakalito at mapapatanong ka sa iyong sarili, “Siguro wala lang pero..” Makakaramdam ka ng labis na pangamba.
Nalaman sa research na ang “aha” moment at niggle na ito ay totoong senyales ng developmental delays. Dito pumapasok ang pangyayari kapag napagkukumpara mo na ang iyong anak sa ibang bata na kaedad niya dahil tila ba may mali sa nangyayari.
Ano ang normal?
Ang pag-alam sa normal at hindi ay makakatulong sa mga magulang upang magabayan ang kanilang anak at kung ma-identify kung lumalaki ba sila ng kakaiba. Halimbawa, ang tatlong taong gulang ay kailangan nang makapagsalita ng tatlo hanggang limang salita para maintindihan mo sila ng lubusan.
Pero saan nga ba nakukuha ang kaalaman na ito? Sa pag-usbong ng madaming parenting site sa social media, kailangan mong tandaan na hindi lahat ay nakikita sa online.
Isa ang Raising Children Network website na maaari mong pagkatiwalaan. Nagbibigay sila ng magandang payo hango sa malalim na pananaliksik. Ito ay nakabase sa iba’t ibang edad at sukat ng development ng mga bata.
Pagkukumpara sa ibang bata
Minsan, nakakatulong din ang pagkukumpara ng iyong anak sa ibang batang kaedad nito. Halimbawa, maraming salita na ang nasasabi ng kaniyang mga kaibigan habang ang iyong anak ay isang salita lamang na samahan pa ng kilos. Madaling malaman ang kabilang pagkakaiba.
Gayunpaman, hindi dapat manatili ang pagkukumpara mo sa isa o dalawang bata. Mas magandang ikumpara rin ang iyong anak sa malaking bilang o lugar ng mga bata. Dito ka makakakuha ng maraming impormasyon.
Delay magsalita ang bata | Image from iStock
Subalit tandaan, ang bawat bata ay iba-iba ang paglaki. Hindi ibig sabihin na sila ay nahuhuli ay delayed na talaga sila. Maaari rin naman itong isama sa mga kilos na kailangan mong bantayan.
Isang bahagi ng development ng bata ay ang pakikipaglaro sa iba. Maganda rin itong pagkakataon para ikumpara ang anak mo sa iba. Maaaring tignan kung paano makipaglaro ang ibang bata sa kanilang kapatid, kapitbahay o kalaro.
Nag-aalala ako. Ano ang gagawin ko?
Kung hindi maalis sa isip mo ang pag-aalala, ‘wag magdalawang isip na ipasuri ang iyong anak sa eksperto. Magbibigay sila ng petsa o kung kailan maaaring tignan ang iyong anak.
Maaari ring i-download ang theAsianparent App. Mayroon ditong “baby tracker” tool na makakatulong sa ‘yo para malaman ang iba’t ibang milestone at development ng iyong anak base sa kanilang edad.
Kaya naman pagkatiwalaan ang mga niggle at “aah” moment ng iyong anak. Alamin ang development nila at ibang oportunidad na maaaring maranasan ng iyong anak. Makakatulong din ang pagkikipag-usap sa kapwa magulang. Talakayin ang ginagawa ng mga anak at kung bumabagabag ba sa kanila.
More information about maternal and child health services in your state or territory is available: ACT, NT, NSW, Qld, SA, Tas, Vic and WA.
More information about child development is also available on the Raising Children Network website.
Belinda Cuomo, Lecturer and PhD Candidate, Occupational Therapy, Curtin University; Annette Joosten, Associate Professor, Occupational Therapy, Australian Catholic University, and Sharmila Vaz, Senior research fellow, School of Occupational Therapy and Social Work, Curtin University
This article is republished from The Conversation under a Creative Commons license. Read the original article.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Isinalin sa wikang Filipino ni Mach Marciano
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!