Hindi tumutulong sa gastusin ang asawa?
Mababasa sa artikulong ito:
- Paano sasabihin sa iyong asawa na tumulong sa gastusin sa inyong bahay.
- Ang mabuting paraan upang maipaintindi na kailangan mo ang tulong niya.
Hindi tumutulong sa gastusin ang asawa, ito ang iyong dapat gawin!
Photo by Ketut Subiyanto from Pexels
Pataas ng pataas ang presyo ng mga bilihin. Ganoon din ang mga bills at bayarin. Kaya naman napakahirap mag-budget, lalo na kung nag-iisa ka lang na namomoblema sa gastos ng buong pamilya.
Pamilyar ba sa ‘yo ang tagpong ito? Kung oo, hindi ka nag-iisa, dahil maraming mga misis din na ito ang pinoproblema, ang hindi tumutulong sa gastusin ang asawa.
Pero siyempre, malamang nag-aalala ka kung paano bubuksan ang topic na ito kay mister. Bagama’t nakaka-survive naman kayo, masarap naman sana sa pakiramdam na may kaagapay ka sa mga gastos para sa bahay at pamilya.
Ayon kay Judith Stern Peck, isang therapist at author ng librong Money and Meaning, ito ang mga dapat mong gawin.
1. I-discuss o makipag-usap sa iyong asawa tungkol rito.
Siyempre, ang unang paraan para maresolba ang isyung ito sa pagitan ninyong mag-asawa ay ang pag-usapan ito. Pero tulad ng laging ipinapayo ng mga relationship experts, ito ay dapat gawin sa mahinahon na paraan o kung kailan parehong relax ang mga isipan ninyo.
Sa pabubukas ng usapang ito sa iyong asawa ay tingnan ang magiging mas malaking epekto nito sa inyong relasyon. Sa magiging kinabukasan ninyo at siyempre sa inyong pamilya.
Isang tip na ipinayo ng columnist na si Charlotte Cowles, kung kinakabahan sa magiging reaksyon ng asawa sa isyung ito ay mabuting simulan ang pagbubukas ng usapan sa kung anong nararamdaman mo.
Halimbawa, para maalis ang awkwardness o ang tensyon sa pagitan ninyo ay simulan ang itong pahayag sa ganito.
“Alam ko medyo weird, pero kinakabahan ako at hindi mapalagay sa pakikipag-usap sayo tungkol dito. Pero kailangan na natin itong pag-usapan, dahil naniniwala ako na mahalaga ito para sa ating pamilya at higit sa lahat sa ating kinabukasa.”
People photo created by wayhomestudio – www.freepik.com
BASAHIN:
Mister: “Bakit ko kailangan bigyan ng allowance ang misis ko? E, ako naman gumagastos sa lahat!
Hindi gusto ang mga barkada ng iyong asawa? Ayon sa mga eksperto, ito ang mga dapat mong gawin!
#TipidTips: Paano maka-menos sa gastos sa first birthday ni baby
2. Hayaang magsalita ang iyong asawa at makinig sa kaniya.
Sa pagdi-discuss ng usaping ito sa pagitan ninyong dalawa ay dapat ding mapakinggan mo ang side ng iyong asawa. Ito ay para malaman mo ang kaniyang nararamdaman. Sapagkat hindi mo alam ang tumatakbo sa kaniyang isipan.
Maaaring tulad mo ay nahihiya lang din siyang buksan ang isyung ito sayo. Kaya minamabuti niya nalang na tila dedmahin ito at umaktong maayos ang lahat.
Pero sa loob niya ay nahihiya siya at walang magawa. O kaya naman may mas malaking plano pala siya para sa inyo ng hindi mo nalalaman. Kaya mainam na malaman ang kaniyang nasa isipan, ganoon din ang sa iyo.
3. Magkasundo kayo sa kung anong makakabuti sa inyong dalawa.
Kapag narinig ninyo na ang side ng isa’t isa ay saka na kayo magpatuloy sa pagma-manage ng iyong finances. Magkasundo kung paano ninyo matutulungan ang isa’t isa.
Pakiramdam mo ba ay dapat magkaroon kayo ng pantay na hatian sa gastusin sa bahay? O kaya naman ay 70-30 o depende sa kita o sahod ninyong dalawa.
Ang mahalaga, magkaroon kayo ng parte sa pagsisiguro na properly managed ang finances ninyo. Nagtutulungan kayo para masigurong magiging secure ang mga kinabukasan ninyo. Lalo na ang kinabukasan ng mga anak ninyo.
Family photo created by pressfoto – www.freepik.com
4. Bago bumili ng isang bagay o gamit sa bahay lalo na kung may kamahalan ay hingin muna ang pahintulot o naiisip ng iyong asawa tungkol rito.
Isang paraan ito upang mas gawin siyang involved sa mga gastusin sa bahay. Ganito rin ang gawin sa mga bills o bayarin ninyo buwan-buwan. Tulad ng bayad sa kuryente, tubig o internet.
Sa ganitong paraan ay mas naiintindihan niya kung gaano kahirap pala ang mag-manage ng pera para sa pamilya. Mas mabibigyan siya ng ideya kung bakit mahalaga na matulungan ka niya.
5. Hindi ninyo naman dapat tipirin ang bawat isa. Ang dapat lang ay malaman ninyo kung ano ang sa tingin ninyong kailangan ninyo sa hindi.
Sa pag-aasawa, mahalaga na maging mapagbigay kayong pareho. Pero hindi ibig sabihin nito na pabibigyan mo nalang ang lahat ng gusto ng asawa mo. Hindi rin naman dapat tipirin ninyo ang isa’t isa.
Ang dapat lang ay alamin ninyo kung anong gusto at kailangan ng bawat isa. Huwag kang mahiyang magtanong sa kaniya niya. Kung nais siyang regaluhan ay tanungin rin siya sa kung anong gusto niya.
Ito ay upang makasigurado na hindi masasayang ang iyong pera at mailalaan ito sa gamit o bagay na magiging kapaki-pakinabang sa kaniya.
Sa bawat problema o hindi pagkakaunawaan sa pagitan ninyong mag-asawa, pag-uusap lang ang laging unang solusyon. Ito ay upang malaman ninyo ang nararamdaman ng bawat isa at mas magkaintindihan kayong dalawa.
Source: