Hirap makabuo ng baby ang babae? Ayon sa isang pag-aaral, ang pag-inom ng alak ay isa sa mga posibleng dahilan kung bakit ito nangyayari.
Mababasa sa artikulong ito:
- Pag-inom ng alak isa sa posibleng dahilan kung bakit hirap makabuo ng baby ang babae.
- Mga dapat gawin ng babae para mas madagdagan ang tiyansa niyang magbuntis.
Hirap makabuo ng baby ang babae?
Maraming posibleng dahilan kung bakit hirap makabuo ng baby ang babae. Ayon sa Planned Parenthood Organization, ito ay maaaring dahil nakakaranas siya ng mga kondisyon tulad ng hindi nagamot na sexually transmitted disease gaya ng chlamydia o gonorrhea.
Maaaring ang egg cells niya rin ay may poor quality kaya hindi ito makabuo ng baby. O kaya naman ay may abnormalities o problema ang kaniyang matris tulad ng endometriosis at uterine fibroids.
Ayon sa mga pag-aaral, kung hirap makabuo ng baby ang babae maaaring dahil rin sa kaniyang lifestyle. Lalo na kung siya ay gumagamit ng ipinagbabawal na gamot o naninigarilyo.
Nauna nar ing napatunayan ng mga pag-aaral na ang pag-inom ng alak ay maaaring makaapekto sa kakayahan ng isang babae na magdalang-tao.
Mas tumataas pa nga umano ang tiyansa na hindi makabuo ng baby ang babaeng umiinom ng alak kung ito ay ginagawa niya dalawang linggo bago dumating ang kaniyang regla at kung kailan nagsisimula na ang implantation.
Ang implantation ay nagaganap 5-15 days matapos makipagtalik. Ang impormasyon na ito ay base sa findings ng pag-aaral na ginawa ng mga researchers sa pangunguna ni Dr. Kira Taylor.
Si Dr. Taylor ay associate professor ng epidemiology at population health sa University of Louisville School of Public Health and Information Sciences sa Kentucky, USA.
Photo by RODNAE Productions from Pexels
Ito ay maaaring dahil sa pag-inom ng alak
Mula 1990 hanggang 1994 ay nag-recruit ng 413 mga babaeng edad 19-41 years old ang team nila Dr. Taylor. Sila ay kanilang sinubaybayan hanggang sila ay makabuo ng 19 menstrual cycles o higit sa isa’t kalahating taon.
Sa loob ng panahon na iyon ay kinailangan ring i-record araw-araw ng mga babaeng kabilang sa pag-aaral ang dami ng naiinom nilang alak at kung anong klase ito.
Sila rin ay hinihingan ng urine samples sa una at pangalawang araw ng kanilang menstrual cycle. Ito ay para matukoy kung buntis ba sila o hindi.
Natuklasan nga nila Dr. Taylor, na ang mga babaeng heavy drinker o umiinom ng higit sa anim na alcoholic drinks sa isang linggo sa kahit anong bahagi ng menstrual cycle ay mas mababa ang tiyansang mabuntis.
Kumpara umano sa mga babaeng hindi umiinom ng alak. Masasabing isang drink ang nainom na alak kung ito ay 355 millilitres beer. O kaya naman ay 148 millilitres o medium glass ng wine at double shot o 44 millilitres ng anumang spirit drinks.
“We found that heavy drinking during any phase of the menstrual cycle was significantly associated with a reduced probability of conception compared to non-drinkers.”
Ito ang pahayag ni Dr. Taylor na sinabing napaka-halaga ng findings na ito. Partikular na sa mga babaeng nagnanais na magbuntis at naniniwalang may mga araw na safe silang uminom ng alak at hindi maapektuhan nito ang kakayahan nilang magdalang-tao.
BASAHIN:
Mas mahihirapan daw mabuntis ang mga nagpupuyat, ayon sa isang pag-aaral
Gumagamit ng withdrawal method? May chance pa rin na mabuntis, ayon sa science
#AskDok: Paano mabuntis kahit may PCOS (Polycystic Ovarian Syndrome)?
Mas madalas uminom ng alak mas mataas ang tiyansang mahirapang magdalang-tao
Photo by Inga Seliverstova from Pexels
Ayon pa kay Dr. Taylor, umaabot nga umano ng hanggang sa 44% ang tiyansa ng isang babaeng hindi magbuntis kung siya ay umiinom ng alak sa luteal phase.
Ito ay ang phase kapag nag-release na ng eggs ang ovaries ng babae at malapit ng magsimula ang kaniyang period. Ito ay applicable hindi lang sa mga heavy drinkers kung hindi pati narin sa mga moderate drinkers.
Ang mga moderate drinkers ay ang umiinom ng 3 hanggang 6 na inumin o drinks sa isang linggo. Mas tumataas pa nga umano nang hanggang 61% ang tiyansa ng mga moderate at heavy drinkers na hindi magdalang-tao, kung sila ay iinom ng alak sa oras na sila ay nag-oovulate o 14 days bago magsimula ang regla ng isang babae.
Bagama’t ang percentage na ito ay estimate lang, ayon kay Dr. Taylor, mas makakabuti daw na tumigil na ng tuluyan ang isang babae sa pag-inom ng alak kung nais niyang magdalang-tao.
Pero ganoon pa man ayon pa rin kay Dr. Taylor, hindi naman isang kasiguraduhan ang pag-inom ng alak para hindi mabuntis. At hindi ito dapat gamiting isang uri ng birth control at magsagawa ng unprotected sex kung hindi pa handang magdalang-tao.
Mga maaaring gawin para madagdagan ang tiyansa ng pagdadalang-tao
Food photo created by ViDIstudio – www.freepik.com
Para mas mapadali o madagdagan ang tiyansa ng pagbubuntis, narito ang maaring gawin ng isang babae,
- Kumain ng mga pagkaing rich in antioxidants tulad ng mga prutas, gulay, nuts at grains. Ang mga ito ay nakatutulong na maaalis ang free radicals sa katawan na maaring maka-damage sa quality ng egg cells ng babae.
- Iwasan ang mga pagkain may taglay na trans fats o saturated fats. Sa halip ay kumain ng mga healthy fats na makukuha sa avocado, cheese o dark chocolate.
- Uminom ng vitamins na makakapaglakas ng katawan at makakapekto sa quality ng egg cells tulad vitamin A at E. Makakatulong rin ang pag-inom ng folic acid para mas mapataas ang tiyansa ng pagdadalang-tao.
- Maging active o mag-exercise. Bagamat dapat ay iwasan ang mga exercise na nangangailangan ng labis na puwersa na maaring makaapekto rin sa tiyansa na magbuntis.
- Magpahinga at umiwas sa stress na isa sa mga dahilan rin kung bakit hirap makabuo ng baby ang isang babae.
- Maliban sa pag-inom ng alak ang labis na pag-inom ng kape rin ay nakakaapekto sa kakayahan ng isang babae na magdalang-tao.
- Panatilihin ang healthy weight. Dahil ang pagiging underweight o overweight ay napatunayan ring nakakaapekto sa kakayahan ng isang babae na magbuntis.
Source:
Science Daily, Planned Parenthood Org, Healthline
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.