TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Jennica Garcia confirms break-up with Alywyn Uytingco: “From a family-of-four, we are now just a family-of-three.”

6 min read
Jennica Garcia confirms break-up with Alywyn Uytingco: “From a family-of-four, we are now just a family-of-three.”

Jennica hindi ngayon kasama ang mga anak para makapag-trabaho na inamin ng aktres na napakahirap para sa kaniya.

Hiwalayan ni Jennica Garcia at Alwyn Uytingco, kinumpirma na ng aktres. Jennica balik ulit sa pag-aartista.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Hiwalayan ni Jennica Garcia at Alwyn Uytingco.
  • Payo at mensahe ni Jennica sa mga mag-asawang dumadaan sa problema.

Hiwalayan ni Jennica Garcia at Alwyn Uytingco

hiwalayan ni jennica garcia at alwyn uytingco

Image screenshot from Alwyn Uytingco’s Instagram account

Kinumpirma na ng aktres na si Jennica Garcia na sila nga ay hiwalay na ng asawang si Alwyn Uytingco. Ito ay ginawa ng aktres sa pamamagitan ng isang virtual interview sa GMA 7 na kung saan balik pag-aartista na muli siya.

Deretsong sabi ng aktres, nagbabalik telebisyon siya dahil sa problema sa pera. Pero naging mailap naman siya sa pagbibigay ng detalye sa paghihiwalay nila ng asawang si Alwyn Uytingco.

Pahayag ni Jennica,

“From a family-of-four, we are now just a family-of-three, sacrifices must really be made.”

“That’s the most that I can say now. It’s the reason din kasi talaga kung bakit kinailangan ko bumalik sa pag-a-artista.”

Jennica balik pag-artista muli para sa mga anak niya

Dagdag pa niya, ang kaniyang oras sa nakalipas na halos walang taon ay binuhos niya sa pagiging ina sa mga anak nila ni Alwyn na si Mori at Alessi. Pero ngayon ay kailangan niyang bumalik sa pag-aartista para na rin ma-provide ang pangangailangan ng mga anak niya.

Pagpapaliwanag ng aktres,

“For the past seven to eight years, what I did was, I made this decision to really focus on my kids. And to do that, hindi talaga ako puwede gumawa ng teleserye.

Kasi three times a week ang taping noon. So ang ginagawa ko lang is guestings kung saan two to three days max ‘yong trabaho. Wala kang commitment to that show for months and years. And it was working naman with our setup before.”

Pag-amin ng aktres, mahirap at malungkot para sa kaniya ang bagong set-up nila ng mga anak niya

hiwalayan ni jennica garcia at alwyn uytingco

Image screenshot from Jennica Garcia’s Instagram account

Samantala, sa kaniyang Instagram account ay hindi naman napigilan ng aktres na ibahagi ang lungkot na kaniyang nararamdaman sa bagong set-up nila ngayon ng mga anak niya.

Sapagkat matapos ang ilang taon, ngayon lang nahiwalay sa kaniya ang mga anak. Si Jennica kasi na balik pag-aartista na’y kasalukuyang nasa lock-in taping. Ito ay magtatagal umano ng isang buwan na kung saan hindi niya rin makakasama ang mga anak niya.

“It’s been a rollercoaster of emotions for me since the day my children were picked up from our home so I can be in a lock in set up for work. One whole month of not being physically present in my children’s life which is a first, started last week and it is very painful for me as I am not used to it yet.”

Ito ang bahagi ng pahayag ng aktres tungkol sa bagong set-up nila ngayon ng mga anak niya.

Mori napaiyak nang magpaalam ang kaniyang inang si Jennica

 
View this post on Instagram
  A post shared by Jennica Garcia Uytingco (@jennicauytingco)

Sa isa pang Instagram post, ibinahagi naman ng aktres kung paano pa rin sila nagbo-bonding ng kaniyang mga anak kahit malayo sila sa isa’t isa. Ito ay sa pamamagitan ng video calls na kung saan nakakausap pa rin niya ang mga ito at nakikita.

Pero tulad ni Jennica, hirap rin sa set-up na ito ang mga anak niya. Makikita nga ito sa pag-iyak ng panganay niyang si Mori ng siya ay magpapaalam na sa pag-uusap nila.

“Ate dinner virtually with my children tonight. They shared their new finds, we prayed together, exchanged stories until it was time to say goodbye.

Mori cried as Alessi held her close. I’ll be home soon mga anak. Thank you for all the memories we are making together. The happy and the sad ones, Nanay will keep forever.

After all, it is only during our saddest moments in life do we get to appreciate true and lasting joy. Walang hindi gagawin, uunawain at kakayanin para sainyo mga anak.”

Ito ang pagkukuwento at mensahe ni Jennica sa mga anak niya.

Matatandaang, Marso nitong taon ng unang magbigay ng palatandaan si Jennica na may gusot na sa pagsasama nila ni Alwyn Uytingco. Ito ay matapos burahin ni Jennica ang mga picture nila ni Alwyn na magkasama sa kaniyang Instagram account.

Sinundan ito ng pagtatanong ng aktres kung paano mapapalitan ang pangalan niya sa Instagram na kung saan gusto niyang alisin ang apelyidong Uytingco.

Hanggang sa nitong buwan ay ibinenta ng aktres ang mga lumang gamit nilang mag-asawa online. Sinabi niyang paghahanda ito sa paglipat niya sa bagong bahay at pagsisimula ng bagong yugto ng buhay niya.

BASAHIN:

Jennica Garcia’s open letter: “There is nothing you can do to change your spouse heart.”

Alwyn Uytingco fondly describes wife Jennica Garcia: “Adik yan sa pagiging nanay”

Alwyn Uytingco, naging “kumadrona” nang manganak ang misis na si Jennica Garcia

Payo ni Jennica sa mga mag-asawang dumadaan sa problema

hiwalayan ni jennica garcia at alwyn uytingco

Image from ABS-CBN News

Hindi pa noon umaamin sa estado ng kanilang pagsasama, patuloy naman ang pagbabahagi ng aktres ng mga payo sa mga mag-asawang nakakaranas ng problema.

Isa na nga rito ang tungkol sa self-love na sinabi ng aktres na hindi isang selfish move. Lalo na kung lahat ay ginawa mo na at ikaw lang ang tanging lumalaban para ayusin ang inyong pamilya.

“Dear Parents, self-love is not selfish.

“It only becomes selfish when you love yourself too much to the extent that your family becomes broken because of it.

“If you are going through something in your marriage but both of you are helping each other to keep the marriage intact, all praises to God!”

“If only the husband or the wife is trying to fix what is now broken and your spouse already let go of you to start a journey that is all about them (me, myself and I) a journey without your family in it… Cling to God and do not beg further for your spouse affection when you already tried getting them back many times.

“This is a bitter pill to swallow but truth is, there is nothing you can do to change your spouse’s heart.”

Ito ang makahulugang payo ni Jennica sa mga mag-asawang nakakaranas ng problema.

Source:

GMA News

 

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Jennica Garcia confirms break-up with Alywyn Uytingco: “From a family-of-four, we are now just a family-of-three.”
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko