TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Home Birth during COVID-19: Lahat ng dapat mong malaman

5 min read
Home Birth during COVID-19: Lahat ng dapat mong malaman

Buntis at malapit ng manganak ngunit natatakot sa kumakalat na sakit? Ito ay isang option na maari mong i-discuss sa doktor mo.

Home birth coronavirus precaution sa mga buntis?

Home birth coronavirus

Image from Freepik

Home birth coronavirus precaution

Ang mabilis na pagkalat ng sakit na coronavirus disease o COVID-19 ay nagdudulot nga ng labis na pag-aalala.  Hindi lamang sa mga Pilipino kung hindi pati narin sa buong mundo. Patunay nito ang kabi-kabilang lockdown na isinasagawa upang ma-kontrol ang patuloy pang pag-laganap ng sakit.

Maliban nga sa mga matatanda at immune-compromise na mas madali umanong kapitan ng virus, ay apektado rin ng pagkalat ng sakit ang mga babaeng kasalukuyang nagdadalang-tao. Lalo na ang mga malapit ng manganak, na nangangamba sa kaligtasan at kalusugan ng kanilang isisilang na sanggol.

Kaya naman usap-usapan sa ngayon ng mga health experts ang ideya ng panganganak sa bahay o home birth coronavirus precaution sa mga buntis. Dahil ayon sa kanila, ito ang isa sa pinaka-magandang paraan upang masiguro ang kaligtasan ng bagong silang na ina at ng kaniyang sanggol laban sa kumakalat na sakit.

“Opting for a home birth can help to alleviate some worry for expectant mums. Especially those who might be concerned about there being no bed or midwife available in hospital.”

Ito ang pahayag ni Siobhan Miller, isang experienced hypnobirthing coach mula sa South-West London.

Dagdag pa niya maliban sa mababawasan ang worry ng mga expectant moms ay mas makokontrol rin nila ang mga taong makakasalimuha niya at ng kaniyang sanggol pagkatapos manganak.

“Being at home also means you have more control over your environment. And can limit how many people are entering your space and manage who you come into contact with.”

Ito ang dagdag pang pahayag ni Miller.

Pagsasagawa ng home birth

Pero ayon sa licensed midwife na si Asasiya Muhammad mula Philadelphia, hindi ang pagkatakot sa virus ang ginagawang basehan upang maging good candidate ng home birth ang isang buntis. Dahil para maisagawa ang home birth ay kailangang qualified o healthy ang isang buntis na babae. Ito ay para maiwasan ang mga komplikasyon na lubhang delikado. Hindi lang para sa kaniya kung hindi pati sa kaniyang sanggol.

“Home birth should be an option because you’re a good candidate. Not just because you’re afraid to be in the hospital. You could end up back in the hospital for not being the right candidate to be outside the hospital in the first place.”

Ito ang pahayag ni Muhammad.

Home birth coronavirus

Image from Freepik

Hindi lahat ng buntis ay puwedeng sumailalim sa home birth delivery

Ayon sa Mayo Clinic, ilan nga sa mga dahilan kung bakit hindi puwedeng sumailalim sa home birth ang isang buntis ay ang sumusunod:

  • Nagbubuntis ng multiples o higit sa isang sanggol.
  • Wala sa tamang posisyon ang ipinagbubuntis na sanggol. O hindi ito maipapanganak ng una ang ulo o sa pamamagitan ng headfirst delivery.
  • Sumailalim sa C-section bago ang kasalukuyang pagbubuntis.

Habang ayon naman sa American College of Obstetricians and Gynecologists o ACOG, ang isang babae ay maaring maging candidate ng home birth kung low risk ang kaniyang pagbubuntis. O kung hindi siya nakakaranas ng sumusunod na kondisyon:

  • Hypertension
  • Diabetes at iba pang chronic medical conditions
  • Pregnancy complications tulad ng gestational diabetes o preeclampsia.
  • At risk sa preterm birth

Kung hindi naman nagtataglay ng mga sumusunod na kondisyon at good candidate para sa home birth ay mahalagang makipag-ugnayan parin sa kaniyang health care provider ang isang buntis. Dahil sila ang magbibigay ng ng necessary precautions na magsisiguro sa kaligtasan niya at ng kaniyang sanggol sa panganganak.

“If you are considering a home birth, it would be wise to make sure your health care provider continues to take all necessary precautions. To keep you safe from potential exposure and then to carry on as normal.”

Ito naman ang pahayag ng women’s health expert na si Dr. Jennifer Wider.

Home birth coronavirus precaution sa Pilipinas

Sa ngayon dito sa Pilipinas ay hindi pa natatalakay ang homebirth coronavirus precaution sa mga buntis. Lalo pa’t matagal ng diniscourage ng DOH ang paraan na ito ng panganganak. At ito ay nakasaad sa kanilang Administrative Order 0029 o mas kilala sa tawag na “Implementing Health Reforms for the Rapid Reduction of Maternal and Neonatal Mortality” na ipinatupad noong 2008.

Ito ay ang hakbang na naisip ng ahensya upang hikayatin ang mga buntis na ina na manganak sa pamamagitan ng facility-based delivery. O ang panganganak sa ilalim ng supervision at care ng isang licensed midwife. Layunin nitong mabawasan ang maternal mortality ratio ng bansa o ang bilang ng ina at sanggol na nasawi na may kaugnayan sa panganganak.

Home birth coronavirus

Image from Freepik

Pagsasagawa ng home birth sa Pilipinas

Muli lamang nabuksan ang usapin nitong nakaraang taon ng manganak sa pamamagitan ng home birth o normal home delivery ang aktres na si Rica Peralejo.

Pero sa ginawang documentary ng aktres sa kaniyang panganganak ay sinabi niyang isinagawa niya ito ng may pahintulot ng kaniyang OB. At may mga nakabantay at kasama siyang licensed midwife at nurse ng isinasagawa niya ito. Ito ay upang sa oras na may mangyaring emergency o hindi inaasahan sa kaniyang panganganak ay agad na may aalalay sa kaniya. At magsisiguro sa kaligtasan niya at ng kaniyang sanggol.

Kaya naman kung ikaw ay buntis at pinag-iisipang manganak sa pamamagitan ng home birth ay makipag-usap muna sa iyong doktor. Dahil sila ang mas nakakaalam ng iyong kondisyon. Hindi rin dapat nagpapabaya sa iyong regular na check-up na maaring isagawa sa paraan na magiging ligtas sa inyo sa kabila ng kumakalat na virus.

Partner Stories
This International women’s month, mWell bolsters doctor roster with OB-Gynecologists, family physicians and mind health experts
This International women’s month, mWell bolsters doctor roster with OB-Gynecologists, family physicians and mind health experts
Ring the school bell as The Metro Stores’ Back-to-School Sale is happening on August 19 to October 2
Ring the school bell as The Metro Stores’ Back-to-School Sale is happening on August 19 to October 2
Celebrities serenade teachers aboard the Gabay Guro Teachers Train
Celebrities serenade teachers aboard the Gabay Guro Teachers Train
Sharon Yu Ong, Mompreneur, Making Waves in Event Technology
Sharon Yu Ong, Mompreneur, Making Waves in Event Technology

Sa oras naman ng emergency ay mga lying-in clinics sa inyong barangay ang maari mong puntahan. Ngunit kung nais mo paring makasigurado ay mas mabuting dumeretso sa isang ospital na maibibigay lahat ng serbisyong kailangan mo.

Ngunit kung ito ay mapaghahandaan mas mabuti munang hingin ang payo ng isang health professional. Ito ay para hindi lamang sa kaligtasan mo, kung hindi para narin sa safety ng baby mo.

 

SOURCE: Yahoo News, Philadelphia Inquirer, What to Expect, Mayo Clinic, Rappler

BASAHIN: Pre-natal Visit: Mga dapat gawin para magiging safe sa COVID-19

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pandemya ng COVID-19
  • /
  • Home Birth during COVID-19: Lahat ng dapat mong malaman
Share:
  • #AskDok: VBAC o C-Section, alin ang pipiliin ko para sa aking susunod na pagbubuntis?

    #AskDok: VBAC o C-Section, alin ang pipiliin ko para sa aking susunod na pagbubuntis?

  • #AskDok: Ano ang pinakamabisa at ligtas na paraan para mapabilis ang panganganak?

    #AskDok: Ano ang pinakamabisa at ligtas na paraan para mapabilis ang panganganak?

  • Sebo De Macho for Scars? Kwow the uses, benefits, and treatment for scars

    Sebo De Macho for Scars? Kwow the uses, benefits, and treatment for scars

  • #AskDok: VBAC o C-Section, alin ang pipiliin ko para sa aking susunod na pagbubuntis?

    #AskDok: VBAC o C-Section, alin ang pipiliin ko para sa aking susunod na pagbubuntis?

  • #AskDok: Ano ang pinakamabisa at ligtas na paraan para mapabilis ang panganganak?

    #AskDok: Ano ang pinakamabisa at ligtas na paraan para mapabilis ang panganganak?

  • Sebo De Macho for Scars? Kwow the uses, benefits, and treatment for scars

    Sebo De Macho for Scars? Kwow the uses, benefits, and treatment for scars

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko