“How to make a relationship stronger?” Minsan, mapapatanong na lang talaga tayo ng ganito.
Naalala mo pa ba ang unang pagkakataon na nagkaroon ka ng paghanga sa isang tao? Kakaiba ang feeling ‘no? Sa konsepto ng pag-ibig, lahat ay nagsisimula sa mga happy memories. Ngunit kahit gaano kayo kaayos at kaperpekto nang magsimula, nangyayari talaga ang mga bagay na hindi natin inaasahan.
Ang dating perpektong pagsasama ay unti-unting naglalaho at nawawala. Ano nga ba ang dahilan nito?
Ito ang sikreto kung paano maging masaya sa isang relasyon
Base sa isang pag-aaral, napag-alaman na ang sikreto upang tumagal sa isang relasyon ay ang happiness, romantic intimacy at koneksyon sa isa’t-isa. Dapat ay panatilihin ito at ‘wag pabayaang mawala.
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa Canada’s Western University na kinabibilangan ng 11,000 couples.
Ayon sa lead author nitong si Samantha Joel,
“It suggests that the person we choose is not nearly as important as the relationship we build.” It’s the overall way the partners relate to each other. The research shows, she adds, that “the dynamic that you build with someone — the shared norms, the in-jokes, the shared experiences — is so much more than the separate individuals who make up that relationship.”
Ang mga episode sa buhay na ating nararanasan katulad ng depresyon, pakikisama sa isang tao, stable marriage o divorce ng magulang, ay nagkakaroon ng negatibong epekto sa isang relasyon. Ngunit ang pinakamahalagang element para maging matibay ang pagsasama ng mag-asawa ay ang pagkakaroon ng kasiyahan sa kanila.
Ito ay pasok sa:
- Kapag kuntento ka sa presensya lang ng iyong partner.
- Nagiging masaya ka kapag nakikita mo ang iyong partner.
- Pagkakaroon ng suporta sa mga bagay na ikaw ay nahihirapan.
- Mutual enjoyment kapag nagtatalik.
- Nararamdaman niyo ang kakaibang koneksyon sa inyong pagsasama.
How to make your partner feel special
Narito ang ilang dapat gawin para ma-improve ang inyong pagsasama ng partner mo.
1. One-on-one talk
Makaktulong ang pagtatanong mo sa kaniya kung ano ang mga hilig nito. Katulad ng paboritong pagkain, lugar, pasyalan o maski bagay. Ilista ang lahat ng ito! Nasa sa iyo na kung paano gagamitin ang lahat ng iyong nalaman. Maaaring isurpresa siya sa kanyang kaarawan gamit ang mga paborito niyang regalo at pagkain.
2. I-appreciate ang kaniyang small efforts
Ang pag-appreciate ng effort ng bawat isa ay mahalaga sa isang relasyon. Napapanatili kasi nito ang love na namamagitan sa inyong dalawa ng partner mo. Sino ba namang hindi gaganahang bumangon sa umaga kung alam mong may taong nakaabang sa iyong presyensya lagi?
3. Gumawa ng ‘Bucket List’
Lahat ng relasyon ay may pangarap. Para sa indibidwal man ‘yan o sa kanilang pagsasama mismo. Yayain si partner na gumawa kayo ng ‘Bucket List’ kung saan nakalagay lahat ng inyong pangarap o nais na matupad sa inyong pagsasama. Maaaring magbakasyon sa ibang bansa, mag-camping, ikasal sa beach, mag-swimming sa boracay o lahat ng inyong nanaisin bilang magkarelasyon,
Makakatulong ang ‘Bucket List’ sa inyong bonding. Nakikita niyo na rin ang inyong mga sarili sa future na magkasama.
4. Confession
Isa pang sikreto ng matibay ng relasyon ay ang pagiging honest sa isa’t-isa. Ngayon, bakit hindi mo sabihin sa iyong partner kung kailan ka sumasaya kapag kasama siya? Maaaring ‘Mas lalo akong sumasaya kapag kinakantahan mo ako habang natutulog’. Malaki ang nagiging epekto nito sa pinagsasabihan mo. Matutuwa rin sila na na-a-appreciate mo ang lahat ng kaniyang effort sa inyong relasyon.
5. Ipaalala kung gaano siya kahalaga
Bawat oras sa inyong pagsasama ay mahalaga. Wala ka dapat palampasin na pagkakataon para sabihin kung gaano siya kahalaga sa’yo. Dito niya mas lalong mararamdaman kung gaano siya ka-importante sa buhay mo.
Source:
BASAHIN:
Help! Mas mahal ko na ata ang mga anak ko kaysa kay mister, okay lang ba ito?
Masakit magsalita? 10 bagay na hindi dapat sinasabi ng mag-asawa sa isa’t-isa