Relationship changes after baby, totoo ba ‘to?
Likas na sa ating mga nanay ang magbigay ng labis labis na pagmamahal sa ating mga anak. Lalo na sa mga newly couple at first time mom. Stress ang pregnancy pero ibang klase ang feeling kapag nakita mo na si baby, ano?
Sobrang gaan sa puso at tila gusto mo na lang titigan ang mukha ni baby habang siya ay nanaginip. Iba talaga ang nagagawa sa ating mga nanay ang magkaroon ng anak.
Pero, nararamdaman mo na ba na parang nag iiba na rin ang trato mo sa iyong asawa? Totoo ba talaga ang “Relationship with husband after baby will change?” Oh no! Dapat ko bang ikabahala ito?
Help! Mas mahal ko na ata ang mga anak ko kaysa kay mister, okay lang ba ito? | Image from Shutterstock
Relationship changes after baby, naapektuhan na ang relasyon namin ni mister!
Narito ang mga dapat mong gawin kung nararamdaman mong nag-iiba ang trato mo sa iyong asawa dahil sa iyong baby.
Tanggapin na maaari talagang may magbago pagkatapos mong manganak
Ang pagkakaroon ng anak ay panibagong phase ng iyong buhay bilang isang asawa. Marami ang maaaring magbago. Mula sa paggising mo sa umaga hanggang sa iyong pagtulog sa gabi, nariyan ang responsibilidad na dapat mong asikasuhin ang iyong baby.
Kaya naman dadating talaga sa pagkakataon na maaaring magkalimutan kayo ni mister dahil sa sobrang pagka-busy mo sa pag-aalaga kay baby. Ngunit ‘wag itong hayaang lumala! Ang pagiging mature sa isang relasyon ay kailangan ng extra work para mapanatili ang maibay na pundasyon.
Relationship with husband after baby | Image from Shutterstock
Isama sa iyong kasiyahan si mister
Alam nating ang pag-aalaga ng newborn baby, ay matrabaho at kailangan ng full presence ni mommy rito. Ngunit ‘wag kakalimutan na nandiyan pa rin si daddy na handang sumuporta at tumulong para mag-asikaso. Isang sabi mo lang sa kaniya na kailangan mo ng bimpo, ibibigay na niya agad ito.
Habang tulog ang iyong baby, ‘wag hayaan na ikaw lang ang makakita ng precious moments na ito. Kailangan rin ni daddy na makita si baby na nakangiti habang tulog!
Ang pagmamahal kay mister ay katumbas ng pagmamahal sa iyong anak
Nariyan si baby at si mister. Parehong mahalaga sa iyong buhay at parehong malaki ang puwang sa iyong puso. Hindi mo naman kailangang mamili mommy. Pareho silang mahalaga sa iyo ngunit magkaiba ng pagmamahal na ibinibigay bilang isang asawa at anak.
Ang pagkakaroon ng anak ay hindi lang tumatakbo sa pag-aalaga mo kapag sila ay dumumi o naghanap ng gatas. Ito ay tumatakbo rin sa relasyon niyo ni mister kung paano niya maitatawid at magagabayan paglaki ang iyong anak.
Relationship changes after baby | Image from Shutterstock
I-appreciate ang efforts ni mister
Isa pang sikreto ng matibay ng relasyon ay ang pagiging honest sa isa’t-isa.
Ngayon, bakit hindi mo sabihin sa iyong asawa kung kailan ka sumasaya kapag kasama siya? Maaaring ‘Mas lalo akong sumasaya kapag tinutulungan mo ako kapag nahihirapan akong alagaan si baby’ ‘Salamat kasi nandiyan ka lagi sa tabi ko para umalalay. Hindi mo kami sinusukuan kahit na ang sungit sungit ko.’
Malaki ang nagiging epekto nito sa pinagsasabihan mo. Matutuwa rin sila na na-a-appreciate mo ang lahat ng kaniyang effort sa inyong relasyon.
Source:
Healthline
BASAHIN:
Papatawarin ko ba ang asawa ko kahit sinasaktan niya ako physically?
Mas kailangan ka ng asawa mo ngayon: Paraan kung paano ipaparamdam ang suporta sa kanya
Mommy, okay lang magpahinga! 7 senyales na ikaw ay burnout na
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!