Paano ma-save ang isang choking child? Alamin ang kwento ng batang nakalunok ng airpods!
Image from Howard Bouchevereau on Unsplash
“When this happened I realize that although he is seven and above average height for his age, he is still only my baby.”
Isang importanteng selebrasyon ang pasko. Para sa mga magulang, ito ang tamang oras para regaluhan ang kanilang mga anak. Para sa mga magulang, hindi mapapantayan ang sayang maipararanas ng regalo nila sa kanilang mga anak.
Ngunit para sa isang nanay, ang akala niyang perpektong regalo para sa anak ay magiging disgrasya pala sa kanila! Ito ay nang malunok ng kanyang 7-year-old na anak ang regalo nitong AirPods.
Sa isang Facebook post ni Kiara Stroud mula Atlanta, Georgia, nagbigay ito ng babala sa mga magulang. Ayon dito, kahit na sabihing malaki na ang iyong anak, mabuti pa ring bantayan ito at paalalahanan sa mga bagay na maaaring makadisgrasya sa kanya.
Airpods Choking Risk
Kwento ni Kiara, habang nasa trabaho siya ay bigla na lang siyang nakatanggap ng isang tawag. Isinugod daw sa ospital ang kanyang anak dahil nalunok nito ang kanyang AirPods. Ayon sa kanya, halos makalimutan niyang bata pa pala ang kanyang anak dahil akala niya ay matured na ito para sa kanyang edad.
Screenshot from Kiara Stroud on Facebook. View her full post here.
“I know as a single mom, i raise my son to be very self-sufficient and expect a lot from him at such a young age. When this happened I had to realise that although he is 7 and above average height for his age, that he is still only my baby.”
Ayon sa mga doktor nasa ayos na ang kalagayan ng bata at ang AirPods na nalunok nito ay madali na lang niyang maidudumi. Ngunit ang nangyari sa kanila ay babaunin nilang aral at magsisilbing paalala di lang sa kanila, kundi pati na rin sa mga ibang magulang. Dagdag din nito na pagkatapos ng nangyaring disgrasya ay hindi niya nagawang sigawan o pahiyain ang kanyang anak. Dahil masyado na itong na-trauma sa nangyari. Sinabi niya na lang na magiging maayos ang lahat at magtiwala sa kakayahan ng mga doktor.
Screenshot from Kiara Stroud on Facebook. View her full post here.
Paano nagawa ng bata ‘yon?
Sa kabila ng mga usap-usapan tungkol sa insidente at kung paano nangyari ‘yon sa bata, ikinwento ni Kiara na idini-disconnect sana ng bata ang AirPods sa kanyang cellphone ngunit nangyari nga ang hindi inaasahan.
Dagdag pa ni Kiara, wala sa edad ang disgrasya. Kahit na matatanda ay nabibilaukan din sa mga bagay na sinusubo nito katulad na lang ng takip ng ballpen at iba pa.
Ngunit para sa kaalaman ng lahat, hindi lang ito ang unang insidente tungkol sa AirPods. Sa isang report last year, may isang lalaki sa Taiwan na nakalunok din ng kanyang AirPods. May nagsabi pa na dahil waterproof ang AirPods, maaaring magamit pa rin ito.
Screenshot from Kiara Stroud on Facebook. View her full post here.
How to save a choking child?
Maaari mong bigyang lunas kung sakaling may nabibilaukan na bata. Ito ang ilang mga paraan:
Back Blows
- Marahang ihiga si baby sa iyong hita. Siguraduhing nakasuporta ang iyong mga kamay sa kaniyang ulo at leeg upang maiwasan ang aksidente.
- Pangalawa, gamit ang matambok na bahagi ng iyong palad (heel of a hand), madiing hampasin nang dahan-dahan ang likod ni baby ng limang beses. Ito ay para magawang lumabas ng nakabarang bagay sa lalamunan ng bata. Kung hindi naman ito gumana, kailangan subukang gawin ang isa pang Choking first aid procedure.
Basahin ang kumpletong impormasyon dito: 2 years old na bata patay matapos mabilaukan ng dahil sa lollipop
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!