Anong gagawin kapag nakalunok ng barya? Alamin dito ang pangunang lunas na dapat gawin.
Batang nakalunok ng barya
Isang bata sa Malaysia ang nakalunok ng barya. Ngunit bago matanggal ito at tuluyang mailigtas ang bata ay dumaan pa ang 24 oras. Ito ay dahil sa kakulangan ng maayos na medikal na pasilidad sa kanilang lugar.
Kwento ng ina ng bata sa kaniyang Facebook account, bandang alas-11 ng gabi ng mapansin niya at kaniyang asawa na matamlay at hirap huminga ang kanilang anak na si Reza. Ito pala ay nakalunok ng isang bagay na nakabara sa lalamunan niya.
Sinubukan nilang tanggalin ang nakabara sa lalamunan ng anak sa pamamagitan ng pagpapaubo dito. Pero hindi parin ito naialis. Kaya naman nag-iiyak na ang kanilang anak at nagsimula naring isuka ang mga gatas na nadede niya.
Kakulangan sa maayos na medikal na pasilidad
Bandang 11:30 ng gabi ay napagdesisyunan na ng mag-asawa na dalhin ang kanilang anak sa clinic. Ngunit sira ang x-ray machine ng unang clinic na kanilang napuntahan. Kaya agad silang lumipat ng isa pang clinic na kung saan doon nila nalaman na may barya palang nakabara sa lalamunan ng kanilang anak. Pero hindi daw kayang tanggalin ng clinic ang baryang nakabara sa lalamunan ni Reza. Dahil sila ay walang tamang equipment para gawin ito. Kaya naman lumipat muli sila sa isang ospital na kung saan ang sabi sa kanila ng nurse na sila ay puno at hindi ma-accommodate ang anak niya. Ngunit maliban dito napag-alam nilang wala palang child surgeon sa ospital na kayang magsagawa ng operasyon sa kanilang anak.
Bandang alas-5 ng madaling araw nilagay na sa critical zone si Reza dahil hirap na hirap na siyang huminga. Mabuti nalang sa huling ospital na kanilang napuntahan na matatagpuan sa Kuala Lumpur ay naasikaso na ng maayos ang bata.
Dahil sa may mga bagay na dapat isaalang-alang, si Reza ay naoperahan ng bandang 10 ng gabi. Ngunit naging matagumpay naman ito at natanggal ang baryang nakabara sa lalamunan niya.
Kahalagahan ng kaalaman tungkol sa pangunang lunas
Bagamat naging isang malaking banta sa buhay ni Reza ang kakulangan ng maayos na pasilidad ng mga clinic at ospital na una nilang napuntahan. Mas napadali o hindi na nahirapan pa si Reza kung alam ng mga magulang niya ang tamang first aid steps sa mga batang nabulunan o nakalunok ng barya.
Malaking tulong ang nagagawa ng kaalaman sa first aid upang mailigtas o madugtungan ang buhay ng pasyenteng nasa panganib. Kaya naman tulad ng sa kaso ni Reza, narito ang tamang paraan kung anong gagawin kapag nakalunok ng barya o iba pang bagay ang isang bata.
Anong gagawin kapag nakalunok ng barya?
Tandaan na sa oras na may bata o kung sinuman ang nakalunok ng isang bagay na maaring maging banta sa kaniyang buhay ay tumawag na agad ng tulong o ambulansya. Saka isagawa ang pangunang lunas habang hinihintay ang pagdating ng tulong medikal.
1. Tanggalin ang nakabara sa lalamunan ng bata.
Ito ay maari lang gawin kung nakikita ang nakabarang pagkain o bagay sa lalamunan niya. Ngunit kung hindi ay mabuting huwag ng subukang itong galawin dahil maari lang itong maitulak papasok pa sa lalamunan niya.
2. Bigyan ng back blows ang nabubulunang bata.
Ito ay maisasagawa sa pamamagitan ng pagpalo sa likod ng bata sa gitna ng kaniyang mga balikat ng limang beses gamit matigas na parte ng iyong palad. Siguraduhing ang gagawing pagpalo ay malakas para matanggal ang bumabara sa kaniyang lalamunan.
3. Isagawa ang abdominal thrusts sa bata.
Ngunit kung ang pagkaing nakabara sa lalamunan niya ay hindi parin naaalis kahit nabigyan na ng back blows ang bata ay isagawa naman ang abdominal thrusts.
Maisasagawa ito sa pamamagitan ng pagtayo sa likod ng bata at paglagay ng iyong braso sa ilalim ng braso ng bata at sa paligid ng upper abdomen niya.
Saka isara ang isa sa iyong kamao at ilagay sa gitna ng kaniyang pusod at tadyang. Sunod na ipatong ang isa mo pang palad sa nakasarang kamao para may pwersa. Saka gamitin ito upang itulak ng papasok at pataas ng limang beses ang tiyan ng bata. Sa ganitong paraan ay magkakaroon ng pressure sa lungs niya na maglalabas ng hanging maaring makaalis sa pagkain o bagay na nakabara sa lalamunan niya.
Maalis man o hindi ang pagkain o bagay na nakabara sa lalamunan ng nabulunan na bata ay dalhin parin siya sa doktor. Upang siya ay agad na matingnan at siguradong mailigtas mula sa kapahamakan.
Source: World of Buzz, TheAsianParent
Basahin: 2-year-old girl dies after choking on bread
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!