X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

39-anyos na nanay, mayroong 38 na anak!

7 May, 2019
39-anyos na nanay, mayroong 38 na anak!

Isang 39-anyos na babae ay mayroong 38 na anak. Mukhang imposible pero ito ay totoo at dahil sa kondisyon na hyper-ovulation.

Hyperovulation, isang kondisyon na naging dahilan para magkaroon ng 38 na anak ang isang babae.

Imposible man kung iisipin ngunit ito ay totoo. Isang 39-anyos na babae ang mayroong 38 na anak at lahat ito ay nagmula sa kaniya.

Hyperovulation dahilan para magkaroon ng 38 na anak ang isang babae

Image from DailyMail UK

Kuwento ng babaeng may 38 na anak

Si Mariam Nabatanzi ay isang ina mula sa bansang Uganda. Siya ay mayroong 38 na anak.

Ito ay binubuo ng anim na sets ng kambal, apat na sets ng triplets at limang sets ng quadruplets. Sa kinasamaang palad, anim sa mga ito ang maagang binawian ng buhay.

Unang nagbigay silang si Mariam isang taon matapos siyang makasal sa gulang na 12-anyos. Ito ay kambal.

Matapos maisilang ang unang set ng kambal ay napag-alaman ni Mariam mula sa isang doktor na siya ay mayroong unusually large ovaries. At ang pag-inom ng birth control pills ay maaring magdulot ng health problems sa kaniya.

Kaya naman agad nasundan ang kambal ng lima pang sets ng twins. Nadagdagan ng apat na sets ng triplets at limang sets ng quadruplets.

Taong 2016, sa huling pagbubuntis ni Mariam ay nakaranas siya ng kumplikasyon. Dahilan para mamatay ang isa sa kaniyang kambal- ang pang-anim na anak na maagang kinuha sa kaniya.

Hyperovulation

Ang pagkaroon ng maraming anak tulad ni Marian ay dulot ng hyperovulation. Isang kondisyon na kung saan ang isang babae ay nagkakaroon ng multiple ovulations sa isang cycle.

Nangangahulugan ito ng higit sa isang egg o multiple eggs na narerelease mula sa ovaries ng isang babae during ovulation. Na nangyayari naman sa loob ng 24 oras matapos marelease ang naunang egg.

Karamihan ng mga babae ay nagpapalitan ang ovaries sa pagrerelease ng egg. Pero sa kaso ng isang babaeng may hyperovulation, ay sabay na nagrerelease ang kaniyang ovaries ng eggs sa parehong cycle.

May apat na dahilan kung bakit nangyayari ang hyperovulation sa isang babae. Ito ay ang sumusunod:

  • Genetics o namamana ng isang babae mula sa kaniyang mga magulang.
  • Dahil sa medical na kondisyon gaya ng PCOS na kung saan hindi nagkakaroon ng normal na buwang dalaw ang isang babae. Kaya naman sa oras na magkaroon na ito ay mataas ang tiyansang makaranas siya ng hyperovulation.
  • Pagdaan sa medical treatment gaya ng IVF o egg donation na kung saan kailangang bigyan ng hormonal stimulants ang isang babae. Ang stimulant na ito ang nagdudulot ng hyperovuation.
  • Pagtigil sa paggamit ng hormonal contraception na kung saan bumabawi ang katawan kaya may posibilidad na maganap ang hyperovulation.

Sa kaso ni Mariam, ang kaniyang medikal na kondisyon na pagkakaroon ng unusually large ovaries ang naging dahilan para mangyari ang hyperovulation.

Pagtataguyod ng 38 na anak ng isang ulirang ina

Ginagawa ni Mariam ang lahat para mataguyod ang kaniyang mga anak ng mag-isa. Ito ay matapos iwan siya ng kaniyang asawa tatlong taon na ang nakakaraan.

“I have grown up in tears, my man has passed me through a lot of suffering. All my time has been spent looking after my children and working to earn some money”, kwento ni Mariam.

Mula sa hairdressing, event decorating, pagbebenta ng herbal medicine pati pangangalakal ay ginawa ni Mariam para matustusan ang mga pangangailangan ng mga anak niya.

Kaya naman masayang-masaya siya sa mga anak na nakakagraduate sa kanilang pag-aaral na mayroong awards.

Hyperovulation dahilan para magkaroon ng 38 na anak ang isang babae

Image from DailyMail UK

Hindi naman binabalewala ng mga anak ni Mariam ang paghihirap niya. Tinutulungan nila ang kanilang ina sa abot ng kanilang makakaya.

“Mum is overwhelmed, the work is crushing her, we help where we can, like in cooking and washing, but she still carries the whole burden for the family. I feel for her,” pagbabahagi ng panganay na anak ni Mariam na si Ivan Kibuka, 23 years old.

Si Ivan ay natigil sa pag-aaral sa kaniyang secondary school dahil sa kakulangan ng pera.

Para naman matulungan ang kanilang ina ay nagtratrabaho silang magkakapatid tuwing Sabado kapag walang pasok sa eskwelahan ang iba sa kanila.

Dahil sa dami nila ay kinakailangan ang 25 kilos ng maize flour sa isang araw para sa kanilang lahat. Ang isda o karne nga daw ay bibihira nilang natititikman.

Dagdag pa dito ang lugar na kanilang pagtutulugan. Pinagkakasya nga nila ang kanilang mga sarili sa loob ng kanilang maliit na bahay.

Partner Stories
This Mommy Welfare Month, Absolute Gives Back The Love to Moms #SelfLoveIsBabyLove
This Mommy Welfare Month, Absolute Gives Back The Love to Moms #SelfLoveIsBabyLove
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
3 Amazing Possible Stories that will leave you smiling, crying, and inspired
3 Amazing Possible Stories that will leave you smiling, crying, and inspired
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

Pero sa kabila nito ay nagpapasalamat sina Ivan sa kanilang ina na si Mariam na hindi sila pinababayaan at patuloy na ginagawa ang lahat para sa kanilang magkakapatid.

 

Sources: Cyclerpedia, Twins Research, Daily Mail UK

Photo by Avel Chuklanov on Unsplash

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • News
  • /
  • 39-anyos na nanay, mayroong 38 na anak!
Share:
  • Sneak Peek: Children's books for sale, starting at P60

    Sneak Peek: Children's books for sale, starting at P60

  • Mas malaki ang balakang ng nanay, mas matalino ang bata!

    Mas malaki ang balakang ng nanay, mas matalino ang bata!

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • Sneak Peek: Children's books for sale, starting at P60

    Sneak Peek: Children's books for sale, starting at P60

  • Mas malaki ang balakang ng nanay, mas matalino ang bata!

    Mas malaki ang balakang ng nanay, mas matalino ang bata!

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.