Hyponatremia water intoxification, ano ang mapanganib na kondisyong ito na dulot ng sobrang pag-inom ng tubig?
Hyponatremia water intoxification
Ang pag-inom ng tubig ay napakahalaga para sa ating kalusugan. Ayon nga sa mga health experts ay dapat uminom ang isang tao ng hindi bababa sa walong basong tubig sa araw-araw. At kailangan ding uminom ng marami nito lalo na kapag may sakit. O kaya naman ay kapag mainit ang panahon na kung saan prone tayo sa dehydration. Ngunit, ang pag-inom ng sobrang tubig tulad ng kakulangan nito ay mapanganib. Dahil ito ay mayroong epekto sa ating katawan na maaring mauwi sa pagkasawi. Ito ay tinatawag na hyponatremia water intoxification o water poisoning.
Paano ito naging mapanganib?
Kapag ang isang tao ay nakainom ng tubig na higit sa kailangan ay bumababa ang level ng electrolytes sa kaniyang katawan. Partikular na ang sodium na tumutulong sa pagbabalanse ng fluid sa loob at labas ng ating cells.
Kapag ang level ng sodium sa katawan ay bumaba, ang fluid na mula sa labas ng cells ay papasok sa loob nito. Ito ay nagdudulot ng pamamaga sa cells na may kaakibat na masamang epekto sa ating utak at buong katawan.
Sintomas ng hyponatremia
Ang paunang sintomas ng hyponatremia water intoxification ay maihahalintulad sa sintomas ng dehydration. Ito ay ang pagsakit ng ulo, pagkahilo at pagsusuka. Habang ang iba pang seryosong sintomas nito ay ang sumusunod na kapag napabayaan ay maaring mauwi sa brain damage, coma at pagkamatay.
- Increased blood pressure.
- Confusion
- Double vision
- Drowsiness
- Difficulty breathing
- Muscle weakness and cramping
- Inability to identify sensory information
Sino ang mas prone na makaranas ng hyponatremia?
Bagamat, bibihira ang kaso ng mga taong nasawi dahil sa hyponatremia water intoxification mas mabuting iwasan ng maranasan ang kondisyong ito. Lalo na ng mga taong kinakailangan ng mas maraming tubig sa katawan tulad ng mga athletes. O ang mga nagtataglay ng sumusunod na kondisyon:
- Congestive heart failure (CHF)
- Liver disease
- Kidney problems
- Uncontrolled diabetes
- Schizophrenia
- MDMA (commonly known as ecstasy)
Mas prone din dito ang mga taong laging uhaw lalo na ang umiinom ng mga sumusunod na gamot o medikasyon:
- Nonsteroidal anti-inflammatory drugs
- Antipsychotic drugs
- Diuretics
- MDMA (commonly known as ecstasy)
Gaano karaming tubig ang dapat inumin sa araw-araw
Ayon sa Institute of Medicine, ang tubig na kailangan ng isang tao ay nakadepende sa kung ano ang kaniyang mga activity na ginagawa sa araw-araw. Dahil kung ikaw ay laging pinapawisan tulad ng mga athletes ay mas maraming tubig ang iyong kinakailangan. Pero para sa isang normal at healthy adult ay hindi dapat bababa o lalagpas sa 3.7 liters na tubig ang iniinom araw-araw ng isang lalaki. Habang 2.7 liters naman araw-araw ang para sa babae. Sa nasabing numero ay kabilang na ang iba pang uri ng inumin o beverages na liquid o nagtataglay ng tubig.
Pero paano ba malalaman na sobrang tubig na ang iyong nainom?
Isang paraan upang malaman kung sobra o kulang na ba ang tubig na iyong nainom ay sa pamamagitan ng kulay ng iyong ihi.
Ang dark yellow urine ay nagpapahiwatig na kulang ang tubig sa iyong katawan o ikaw ay dehydrated. Habang ang colorless na kulay na ihi naman ay nangangahulugan na ikaw ay sobra sa tubig at maaring makaranas na ng hyponatremia. Ang healthy na kulay na ihi na kailangan mong i-maintain ay ang pale yellow urine na kasing kulay ng isang lemon.
Maiiwasan ang hyponatremia kung matututo kang pakinggan ang iyong katawan. At maghinay-hinay kung kinakailangan. Dahil ika nga ng isang kasabihan, lahat ng sobra ay masama.
Source: Healthline, Medical News Today,World of Buzz
Photo: Freepik
Basahin: 20 Senyales ng dehydration na kailangang malaman
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!