Itchy skin? 8 mga posibleng sanhi ng pangangati ng iyong balat

Iritable na sa balat na makati? Alamin kung ano ang maaaring dahilan nito at ang mga paraan kung paano ito malulunasan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang balat ng tao ay ang pinakamalaking bahagi ng katawan. Tumutulong ito sa pagpapanatiling ligtas ang buong katawan laban sa anumang uri ng sakit at impeksyon. Subalit ang balat ay maaari ring magkaroon ng iba’t ibang uri ng karamdaman. At, kailangan mong makita ang larawan ng iba’t ibang uri ng sakit sa balat para madaling matukoy ang mga ito.

At dahil sa napakalaki ng nasasakupan ng balat, napakarami rin ng mga uri ng sakit at pangangati ng balat. Ang bawat sakit ay may iba’t ibang uri ng mga uri ng pantal sa balat.

Ang mga kati kati sa balat in English skin itch ay maaaring pansamantala o kaya naman ay pangmatagalan. Maaari ring hindi masakit ang mga ito at maaari rin namang napakahapdi.

Dagdag pa rito, ang mga sakit sa balat o kati kati sa katawan ay maaaring banayad lamang o kaya ay maaari rin namang nakamamatay kapag hindi naagapan. Tignan ang larawan ng walong iba’t ibang uri ng sakit sa balat sa artikulo na ito.

Ang mga sakit sa balat ng tao ay maaaring dulot ng impeksyong bacterial, viral, o kaya ay fungal. Maaari rin itong bunga ng mga namamanang kondisyon o kaya ay pinsala na dulot ng mga aksidente at iba pa.

Image from Freepik

Iba’t ibang uri ng kati kati at sakit sa balat at larawan ng mga ito

Balat na makati, ito ang isa sa karaniwang palatandaan ng pagkakaroon ng skin disease. Madalas nga maliban sa pangangati ay may pantal, butlig o sugat ang tumutubo sa balat ng tao na pinagmulan nito. Ang tendency ng kati kati sa balat ay makamot ito ng sinomang mayroong sakit sa balat na ganito.

May pagkakataon na kapag kinamot ay nawawala ang kati kati sa katawan. Ngunit may pagkakataon naman na mahirap itong maalis na aabot sa punto na minsan ay hindi ka patutulugin sa gabi.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya naman mahalaga na matukoy kung ano ba talaga ang dahilan ng kati sa balat. Dahil maaaring ito ay palatandaan na pala ng seryosong kondisyon na nararapat na agad ng malunasan.

Narito nga ang larawan ng iba’t ibang uri ng sakit at gamot sa sakit sa balat upang malunasan ito.

8 mga larawan ng iba’t ibang uri ng sakit sa balat na makati

May mga kati kati sa katawan na apektado din ang katawan. Sa kabilang banda, may pangangati ng balat na may butlig na madalas ikabahala at kinakailangan ang gamot at home remedy para dito.

Upang lubusang maunawaan at makita ang senyales at sintomas ng mga sakit at kati kati sa balat na ito, tatalakayin at ipapakita ang larawan ng iba’t ibang uri ng sakit sa balat sa ibaba.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Tignan at kilatisin ang mga larawan ng iba’t ibang uri ng sakit sa balat:

  1. Dry skin

Image from Medical News Today

Ang dry skin ang isa sa mga uri ng sakit sa balat na makati ang pangunahing sintomas.  Maliban sa pangangati ay sasabayan rin ito ng nagbibitak-bitak o pangangaliskis ng balat.

Maaari nitong maapektuhan ang kahit anong parte ng katawan. Ngunit madalas itong nakakaapekto sa kamay, braso, tiyan at binti.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isa sa pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng dry skin ay ang exposure sa dry weather conditions, sa mainit na tubig at sa mga kemikal na nakakapag tuyo ng balat.

Ngunit maliban sa mga ito ang pagkakaroon ng dry skin at balat na makati ay palatandaan rin ng iba pang medikal na kondisyon.

  1. Extremely dry skin o dermatitis

Tulad ng dermatitis o ang medical term sa sobrang panunuyo ng balat o extremely dry skin. Ito ay may iba’t ibang uri, ang una ay contact dermatitis na nagde-develop kapag na-irritate ang balat sa bagay o anumang nadikit rito.

Irritant contact dermatitis naman ang tawag kapag ang balat ay na-expose sa irritating chemical tulad ng bleach. Allergic contact dermatitis kapag na-expose ang balat sa bagay o pagkain na allergic ang isang tao.

Seborrheic dermatitis naman ang tawag kapag nagpo-produce ng sobrang oil ang ating balat. Ito ang nagdudulot ng pamumula at pangangaliskis na madalas ay nangyayari sa ating anit.

Ang atopic dermatitis naman ay kilala sa tawag na eczema. Ito ay isang chronic skin condition na nagdudulot ng dry scaly patches sa balat. Maliban sa mga nabanggit ang dry skin rin ay maaaring dulot ng sakit na psoriasis at type 2 diabetes.

Ang gamot sa dry skin ay pagbabago sa lifestyle. Ito ay isa sa pangunahing paraan upang malunasan ang sakit sa balat ng tao na ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ilan sa mga lifestyle changes na maaaring gawin bilang gamot sa dry skin ay ang sumusunod:

  • Pag-iwas sa paggamit ng mainit na tubig sa pagshoshower o paliligo.
  • Mag-shower o maligo kada isang araw at hindi araw-araw. At i-maintain ang iyong shower time ng hindi bababa sa 10 minuto.
  • Gumamit ng moisturizing soap sa paliligo.
  • Dampian imbis na punasan ng tuwalya ang basang balat.
  • Iwasang kamutin ang balat.
  • Gumamit ng humidifier sa bahay.
  • Uminom ng maraming tubig.

Kung hindi pa rin naiibsan ang kati sa balat gamit ang mga nasabing paraan ay magpunta na sa doktor. Dahil sila lamang ang nakakaalam sa angkop na gamot na iyong kailangan.

  1. Skin food allergy

Iba’t ibang uri ng sakit sa balat | Image from Very Well Health

Ang pag-atake ng food allergy ay isang medical emergency. Dahil maliban sa pangangati ng balat, ito rin ay nagdudulot ng hirap sa paghinga na sadyang mapanganib.

Maaari rin itong magdulot ng makating mata, pamamaga, rashes o pantal sa katawan, pagsusuka at pagkahilo. At nakadepende sa response ng immune system ng katawan kung gaano katagal ang ipinakitang sintomas nito.

Samantala ang ilan sa madalas na nag tritrigger ng food allergy ay gatas ng baka, itlog, mani, isda, shellfish, tree nuts, wheat at soy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang pinakamagandang lunas sa food allergy ay ang pag-iwas sa mga pagkaing nagdudulot nito. Habang ang pag-inom ng antihistamines ang paraan upang maibsan ang mga sintomas nito kapag umatake.

Ngunit para sa mas seryosong allergic reactions ay maaaring mag-reseta ang doktor ng steroid medications na may negatibong epekto sa katawan.

  1. Candida skin infection

Image from WebMD

Ang candida ang isang strain ng fungus na nagdudulot ng mga uri ng pantal sa balat na makati ang pangunahing sintomas. Tulad ng athlete’s foot, oral thrush, vaginal yeast infection, nail fungus, jock itch at diaper rash.

Ang mga candida skin infections na nabanggit ay maaaring maranasan sa kahit anong parte ng katawan. Mas madalas nga lang itong matatagpuan sa mga parte ng balat na nagkikiskisan. Tulad ng singit, kili-kili at sa pagitan ng mga daliri sa paa at kamay.

Maliban sa balat na makati ang ilan pang sintomas nito ay rashes, namumula o pantal na nangingitim sa balat, pagkakaroon ng kulay puting substance sa apektadong bahagi ng katawan, pangangaliskis o crack sa balat. O kaya naman ay mga kulay puti o pulang sugat sa bunganga.

Dahil sa ito ay isang uri ng fungus, ito ay nabubuo kapag mainit ang panahon, kapag may poor hygiene ang isang tao o sa tuwing nagsusuot ng masisikip na damit.

Madalas upang malunasan ang candida infection ang pangunahing inirereseta na gamot ng doktor ay mga anti-fungal creams, ointments at lotions na ipinapahid sa balat. Habang may mga suppositories rin at oral medications na makakatulong upang malunasan ito.

  1. Body lice infestation

Image from Youtube video

Ang kati kati sa balat ay maaaring dulot rin ng body lice o kuto sa katawan. Ito ay uri ng insekto na nabubuhay sa pamamagitan ng pagsipsip ng dugo ng tao. At madalas na nag-iinfest sa mga ulo, katawan o pubic area ng isang tao.

Maaaring ma-infect ang isang tao nito sa pamamagitan ng person-to-person contact o kaya naman ay paggamit ng mga kumot, towels o damit na infested nito. Kaya naman madalas ang mga taong nagkaroon nito ay ang may poor hygiene o naninirahan sa mga crowded na lugar.

Maliban sa balat na makati, ang sintomas ng pagkakaroon ng body lice ay mga mapupulang bukol at makapal at nangingitim na balat sa bandang bewang o singit. Ito ay palatandaan na matagal ng may naninirahang kuto sa parte ng katawan na ito.

Hindi basta-basta makikita ng ating mga mata ang mga body lice. Kaya naman kailangan ng expertise ng doktor upang matukoy at malunasan ito.

Ang pangunahing paraan naman upang malunasan ito ay sa pamamagitan ng improvement sa personal hygiene. Tulad ng madalas na paliligo at paglalaba ng damit.

May mga gamot naman na kung tawagin ay pediculicides na maaaring gamitin upang malunasan ito. Bagama’t mas makakabuti ang pagpapanatili ng kalinisan sa katawan na ligtas at walang side effects sa kalusugan.

  1. Impetigo

Imahe mula sa | Mayo Clinic

 

Ang impetigo ay isa sa mga uri ng sakit sa balat na kati kati sa katawan ang pangunahing sintomas. Ito ay impeksyon na dulot ng isang strain ng staph o strep bacteria. Ang bacteria na ito ay maaaring pumasok sa katawan sa pamamagitan ng sugat, kalmot, galos o rashes sa katawan.

Maliban sa makating balat, ang impetigo ay nagdudulot din ng mapupulang sugat sa balat na madalas na kumpol-kumpol sa ilong at labi. Ang sugat na ito ay nagiging paltos na pumuputok at naninilaw kapag natutuyo na.

Nakakahawa ang sakit sa balat na ito. Kaya naman kung magkaroon ng contact sa taong meron nito o sa gamit ng taong infected nito ay maaari itong malipat sayo.

Madalas na nagkakaroon nito ang mga taong nakatira sa mainit na lugar. Pati na ang mayroon diabetes, IV at nag-didialysis.

Antibiotics ang pangunahing lunas sa impetigo. Kung ang impetigo ay makikita lang naman sa maliit na bahagi ng iyong balat ay maaari lang magreseta ang doktor ng topical antibiotic. Ito ay tulad ng mupirocin cream o ointment tulad ng Bactroban o Centany at retapamulin ointment tulad ng Altabax.

Kung malala naman na ang impetigo ay maaaring magreseta na ang doktor ng mga oral antibiotics. Tulad ng amoxicillin, clavulanate, cephalosporins, o clindamycin.

  1. Scabies

Image from WebMD

Ang scabies ay isa sa mga iba’t ibang uri ng pangangati ng balat. Ito ay isang skin infestation na dulot ng mite o maliliit na insekto na kung tawagin ay Sarcoptes scabiei.

Ang mga insekto na ito ay kayang mabuhay sa balat ng ilang buwan. Dito ay nangingitlog sila at mas lalong dumarami. Maliban sa balat na makati lalo na sa gabi ay nagdudulot din ito ng mapupulang rashes sa katawan. Ito naman ay nakukuha sa paggamit ng mga bagay na infested ng insektong nagdudulot nito.

Tulad ng iba pang kati kati sa balat, ang gamot sa makating balat tulad ng scabies ay mga ointments, creams at lotions na pinapahid sa balat. Madalas ito ay ipinapahid sa gabi kung kailan mas active ang mga mites o insektong nagdudulot nito.

  1. Ringworms

Image from Healthline

Ang ringworm ay kilala rin sa tawag na dermatophytosis o dermatophyte infection. Ito ay dulot ng isang fungus. Ang lesion na naidudulot nito sa balat ay maihahalintulad sa isang worm na bilog ang itsura.

Maaari itong makita sa kahit anong bahagi ng katawan, bagamat mas madalas itong nakikita sa singit o bandang puwitan.

Maliban sa pangangati ng balat, ang iba pang sintomas nito ay makaliskis na patches sa balat. Ang mga patches na ito ay hugis bilog o ring na namumula ang paligid. Nagiging paltos ito o umuumbok na lalo na kapag nakakamot.

Ang ringworm ay naihahawa sa pamamagitamukhan ng person-to-person contact. Upang malunasan ito ay maaaring mag-reseta ang doktor ng topical medications tulad ng antifungal cream, ointments, gels at sprays.

Maliban sa mga ito ay dapat magkaroon ng pagbabago sa kanyang lifestyle ang taong infected ng sakit sa balat na ito. Tulad ng araw-araw na paglalaba ng damit o sapin sa kama.

Pagpapatuyo ng maayos sa balat lalo na sa singit at puwitan pagkatapos maligo. At pagsusuot ng maluluwag na damit sa bahagi ng katawan na infected ng sakit sa balat.

Gamot sa pangangati ng balat home remedy

  • Gamot sa pangangati ng balat na skin allergy at home remedy: Umiwas sa allergy trigger

Siyempre, huwag muna lumapit o magpa-expose sa allergen na naging sanhi ng itchy skin rash, para hindi na lumala ang mga sintomas.

  • Gamot sa kati kati na may butlig sa balat: Linisin ang area kung saan may rashes

Bilang isa pang skin allergy medicine, basain ang balat gamit ang cold compress o maligo ng mabilisan para kumalma ang rashes.  Siguraduhin lang na gumamit ng hindi matapang na sabon sa paglinis, at huwag kuskusin ang balat habang nagsasabon.

Kapag nagpapatuyo naman, tapik-tapikin lamang ang balat gamit ang tuwalya para makaiwas sa irritation.

  • Iwasan ang pagkamot ng balat lalo na ang mga nakita sa larawan ng iba’t ibang uri ng sakit sa balat

Kung kakamutin ang rashes, baka magsugat ito at maging dahilan pa para sa karagdagang impeksyon sa balat. Imbes na mangamot ng balat, haplusin na lamang ito o tapikin ng bahagya bilang gamot sa balat para mawala ang pangangati.

  • Pahanginan ang balat

Maaari pang magkaimpeksyon kapag nakukulob ang balat at hindi nahahanginan. Mabuti nang magsuot ng maluwag at komportableng damit, para nakakahinga ang balat.

  • Gamot sa pangangati o kati kati ng balat sa katawan: Umiwas sa araw o init

Sensitibo na ang balat kapag nagkaroon ng allergy. Huwag na itong palalain pa sa pamamagitan ng pagtapat sa araw at UV rays. Manatili na lamang muna sa loob, o magdala ng payong at ibang pantakip kung kailangan talagang lumabas.

  • Mag-apply ng mga calming lotion bilang gamot sa pangangati

May mga cream o lotion na maganda para sa skin care dahil gamot sa kati kati sa balat at nagbabawas ito ng pamumula ng balat.

Maaaring sumubok ng mga calming cream, na mayroong anti-irritant, antioxidant, at antibacterial na epekto. Ito ay naka depende sa kung ano ang iyong sakit sa balat. Kumunsulta sa iyong doktor upang makasigurado.

Iba pang gamot sa kati kati na may butlig sa katawan o pangangati ng balat 

Batay sa mga nakitang larawan ng iba’t ibang uri ng sakit sa balat, narito ang mga mabisang gamot para sa pangangati ng buong katawan:

  1. Anti-histaminesAntibiotics na gamot sa pangangati
  2. Steroid injection para sa gamot sa kati sa balat
  3. Prescription medication
  4. Sabon para sa kati kat isa katawan

Mabisang gamot sa kati kati sa balat ang mga ito, mahalaga pa rin na ikaw ay magpakonsulta sa doktor para sa tamang gamot sa kati na ikaw ay mayroon.

Ang ating balat ay isa sa pinakasensitibong bahagi ng ating katawan. Marapat lamang na ito ay alagaang mabuti at panatilihing malinis upang makaiwas sa anumang sakit na nakakaapekto dito, tulad ng mga nabanggit.

Regular na magpakonsulta sa doktor kung nakakaranas ng mga sintomas upang hindi ito lumala at magdulot ng mas malalang kundisyon.

 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.