Kung ika’y first-time mommy pa lang tiyak na tumaktabo na sa isip mo kung anong ibig sabihin ng kilos ni baby, bakit umiiyak si baby, o bakit inat ng inat si baby? Normal lang ang mga ganitong tanong mga mommy.
Habang lumaki kasi si baby nag-iiba na ang kanyang mga kakayahan. Kapag kakapanganak mo pa lang kay baby halos puro pag-iyak lamang ang reaction niya. Kadalasan umiiyak si baby kung nagugutom na siya o kaya naman basa ang kanyang lampin.
Huwag i-pressure ang sarili mga mommy sa mga tanong kung anong ibig sabihin ng kilos ni baby, bakit umiiyak ang baby, o bakit inat ng inat ang baby ninyo. Normal lamang ito sa development ng inyong mga baby.
Kadalasan ang mga kilos ni baby ay nagpapahiwatig na gusto niyang makipag-communicate sa inyo. Hindi madali ang panghuhula kung anong gusto ni baby lalo na kung hindi pa siya nakakapagsalita. Kaya naman sa kanyang mga kilos malalaman kung ano ba ang gustong sabihin ni baby sa inyo.
Tandaan na iba-iba ang bawat baby. May iba-iba silang characteristics, malalaman mo ang unique communication way ng inyong mga baby.
Ano nga bang ibig sabihin ng kilos ni baby, bakit umiiyak ang baby, o bakit inat ng inat ang baby ninyo? Huwag matakot mommies kadalasan normal lang ito. | Image from freepik
6 na kilos ni baby at kung anong ibig sabihin nito
Pag-rub ni baby sa mata o mukha
Kadalasan kapag kinakamot ni baby ang kanyang mata o mukha ay senyales ito na inaantok na si baby. Kapag pagod kasi si baby madalas ay nira-rub nila ang kanilang mukha, tenga o mata. Madalas kapag nagiging glassy-eyed at tumitingin sila sa kawalan inaantok na sila. Ito ang mga senyales na kailangan na ni baby ng tulog.
Pamumula ng mukha at pagsipa ng mga binti
Kapag sinisipa na ni baby pataas ang kanyang legs at humihinga ng mabili kasabay ang pamumula ng kanyang mukha senyales ito na kailangan niya ng dumighay.
Ang pagtaas at pagsipa ng legs ni baby at mabilis na paghinga ay isang masakit na ekspresyon ni baby. Maaari ring gusto nilang magpahele.
“Oooh!” face
Kapag napapansin mo ang pag-“Oooh” face ni baby at paglaki ng bukas ng kanyang mga mata ibig sabihin nito gusto niyang ng laro.
Ang paglaki at pagbilog ng mukha ni baby ay isang common na ekspresyon para masabi nila sa kanilang mga parents na gusto nila ng playtime. Maaari ring pumalakpak, i-wave ni baby ang kanyang kamay, o kaya nama’y gumawa ng sounds.
Sucking hands
Madalas na sinusubo ni baby ang kanyang mga kamay at senyales ito na baka nagugutom na si baby. Ang mga gutom na baby kadalasang naghahanap ng pwedeng ma-latch sa kanilang mga magulang katulad ng daliri, ilong, kwintas, damit, o kahit anong malapit sa kanilang mga mukha.
Turning away
Napapagod din si baby kapag playtime. Minsan kapag tinalikuran ka na ni baby habang nilalaro mo siya, gusto niyang sabihin na ayaw niya na ng playtime.
Kapag kasi nag-e-enjoy si baby titignan ka niya gamit ang kanyang wide eyes. Pero once na nag-overstimulated na si baby o hindi niya gusto ang iyong ginagawa tatalikuran ka nila.
Pag-iinat ni baby
Ano nga bang ibig sabihin ng kilos ni baby, bakit umiiyak ang baby, o bakit inat ng inat ang baby ninyo? Huwag matakot mommies kadalasan normal lang ito. | Image from freepik
Kapag nag-iinat si baby maaaring gusto niya ring sabihin sa inyo na pagod na siya at inaantok.
Kadalasang nasa ang mga ganitong movements at senyales ay nasa early stage ng development ni baby. Tandaan na magkakaiba pa rin ang way ng communication ng ating mga baby. Tanging ito lamang ay mga common signs.
Mag-enjoy sa stage na ito ni baby dahil magkakaroon kayo ng isang secret way of communication na kayong dalawa lamang ang nakakaalam.
Pero bakit nga minsan madalas ang pag-iyak ni baby?
Ano nga bang ibig sabihin ng kilos ni baby, bakit umiiyak ang baby, o bakit inat ng inat ang baby ninyo? Huwag matakot mommies kadalasan normal lang ito. | Image from freepik
Normal lamang ang pag-iyak ng mga baby. Karamihan sa mga baby kayang umiyak ng 20-60 minutes o mas mahaba pa. Pero huwag mag-alala hindi naman agad ibig sabihin nito ay may nararamdaman ng malalang sakit si baby.
Huwag kang mag-alala baka iritable o gutom lamang si baby kaya siya umiiyak.
Kadalasang mas iyakin si baby kapag gabi, umaabot ng kalahating oras o higit pa. Kapag baby kasi madalas silang maging iritable. Nag-aadopt kasi sila sa kanilang new environment mula sa loob ng inyong mga sinapupunan.
Mas iyakin din ang mga sanggol kapag sila ay nasa ika-anim hanggang walong lingo kaysa sa panahong ng kakasilang pa lang sa kanila. Huwag din magtaka na sa naunang limang buwan hanggang anim na buwan ay mas malakas ang pag-iyak ni baby. Ang tangi mo lang gawin ay gumawa ng paraan para mapatahan si baby.
Pero kung tingin mo’y wala na sa normal ang pag-iyak ni baby agad na pumunta sa isang trusted health care provider upang mapatignan agad si baby.
Huwag masyadong kabahan mga mommy normal lamang ang iba’t ibang kilos ni baby dahil ito sa kanyang pagde-develop. Ang mahalaga nasusubaybayan niyo sila at napag-aaralan ang kanilang body language para mas madali mong ma-gets ang gusto ni baby.
SOURCE:
5 ways your baby is already trying to communicate
BASAHIN:
ALAMIN: Mga importanteng milestones ni baby sa unang taon
Development at paglaki ni baby sa kaniyang unang buwan
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!