Development ng baby 1 buwan. Bakit nga ba inat ng inat ang baby? At iba pang mga kailangan mong malaman tungkol sa development at paglaki niya.
Nakakagiliw ang iyong newborn baby, hindi ba? Kahit pa parang wala namang masyadong nagagawa kundi dumede, umiyak at matulog, ang totoo ay mabilis ang paglaki at development ng baby sa 1 buwan. Kasama na rin dito ang tanong kung bakit inat ng inat ang baby.
Narito ang mga milestones na dapat hintayin sa unang buwan ng kaniyang mahalagang buhay.
Physical development
Pagkapanganak ng bata, marami na kaagad siyang katuwa-tuwang kakayahan.
Ang newborn na ipinanganak ng walang komplikasyon ay may instinct na huminga, mahigpit na kumapit sa daliri ng matatanda, at kaya pa ngang makilala ang amoy ng kaniyang nanay (at hinahanap-hanap niya ito).
May mga ibang sanggol pa nga na kaya nang isubo ang hinlalaki nito (thumbsuck) kahit nasa sinapupunan pa lamang. Talaga namang nakakabilib, ‘di ba?
Sa unang buwan, halos mahina pa ang kontrol ni baby sa muscles niya, at nakasalalay ang kilos niya sa mga reflex actions, tulad ng sucking, paghikab, pagbahing, at pag-iyak.
Habang lumalaki siya sa bawat araw at linggo, nagsisimula niyang matutunan ang paggalaw at pag-kontrol ng kaniyang buong katawan.
Nadidiskubre niya ang kamay niya at kung ano ang pwede niyang gawin dito! Mas nakaka-excite pa kapag natutunan na niyang gamitin ang mga kamay sa pagpisil o pagkapit sa kamay ni Nanay at Tatay, sa pagsubo ng hinlalaki at iba pang daliri, lalo kapag umiiyak dahil gutom o balisa.
Sensory development
Ang paggapang, pagtayo, paglalakad, at pagtakbo ay puwedeng mangyari nang mas mabilis kaysa sa inaakala mo. Bagamat hindi pa ito mangyayari sa unang buwan, ang paghahanda sa mga pag-galaw na ito ay may pundasyon sa unang 4 na linggo ni baby. Kapag natutunan na niyang makilala ang mga bahagi ng katawan niya at madiskubre niya kung paano ito gamitin para mag-interact sa paligid niya.
Ang isang newborn ay kaya nang ibukas ang mga mata niya pagkapanganak pa lamang. Bagamat hindi pa ito nakaka-focus sa mga bagay na malalayo, kaya niyang maaninag ang mukha ng mga magulang at sinomang nasa harap niya na may karga sa kaniya.
Samantalahin ang mga pagkakataon na magkasama kayo at hindi siya umiiyak—tingnan siya sa mata para makilala ka niya at makilala mo din siya ng lubusan. Pagmasdan ang buong mukha niya, ang mga detalye ng ulo, katawan, at bawat sulok ng pisikal niyang anyo. Pupuhin siya ng atensiyon at buhusan siya ng ngiti at tawa.
Nakakarinig na ang isang newborn mula ika-28 linggo ng pagbubuntis. Habang nasa loob siya ng sinapupunan, naririnig na niya ang mga sounds sa loob ng katawan ni Nanay at mga ingay din sa labas!
Ayon sa mga pag-aaral, ang mga bagong panganak na baby ay nagre-react sa mataas na tunog ng boses ng isang babae, kaysa sa mababang boses ng mga lalaki.
Ang mga newborn baby ay napapayapa ng boses ni Nanay habang nagsasalita o kumakanta. At higit sa lahat, nagdaramdam din siya kapag nakakarinig ng galit o lungkot sa boses ng kumakausap o nag-uusap sa paligid niya.
Ayon pa sa mga eksperto, marami rin daw mga Tatay na natututong itaas ang pitch ang boses nila kapag kausap ang mga baby nila.
Image from Freepik
Ang pang-amoy ni baby ay sensitibo. Alam niya ang amoy ni Nanay, kaya’t alam niya kapag hindi si Nanay ang may hawak sa kaniya.
Kapareha nito ang well-developed na panlasa ng bata, dahil mas maraming taste buds ang sanggol kaysa sa mga matatanda. Nakatutok din ang panlasa ni baby sa manamis-namis na lasa ng gatas ni mommy o formula milk.
Lahat tayo ay kailangan ng human touch para mapabuti ang pakiramdam at maging masaya. Ang pagmamasahe kay baby ay isang magandang bonding activity ni nanay at baby. Hinahanap hanap din kasi ng bata ang haplos ng ina, na tunay namang nakakapagpakalma at nakakapagpasaya dito. Dagdag pa ang naitutulong nito sa development ng muscles ni baby.
Ang mga newborn babies ay ipinanganak ng may ilang reflexes, na importante sa survival nito.
Kasama rito ang rooting reflex na dahilan kung bakit nahahanap ng bata ang nipple ni Nanay kapag itinabi pa lang ang pisngi niya sa dibdib nito. Ang sucking at swallowing reflexes ang tumutulong sa pagdede ni baby, at ang gagging reflex ay tumutulong na hindi malunod sa liquid ang bata kapag umiinom ng gatas.
Kaya na rin ng batang umubo at ilabas ang mucus na nasa baga niya sa 9 na buwan sa sinapupunan.
Kapag idinapa ang bata, unti-unti rin nitong itataas ang ulo nito, para makahinga. Hindi ito dadapa lang at isusubsob ang mukha sa higaan, at hindi na makakahinga. Ito ang tinatawag na labyrinthine reflex.
Sa stage na ito, ito na dapat ang median weight at height ng iyong anak:
At ang kanyang head circumference ay dapat na:
- Lalaki: 37.3 cm (14.7 inches)
- Babae: 36.6 cm (14.4 inches
Cognitive Development
Ang cognitive development ay pagbuo ng thought processes o pag-iisip, kasama na ang pag-alala, problem solving at paggawa ng desisyon.
Nasa loob pa lang ng sinpupunan, hanggang paglabas nito, nagsisimula na itong mangolekta ng mga impormasyon mula sa paligid niya gamit ang mga senses at utak niya. Walang humpay ang pagkatuto nito, at panunuod sa mga ginagawa ng mga tao sa paligid niya, lalo na si Nanay at Tatay.
Sa murang edad, mahirap masukat ang cognitive development, pero dapat pagtuunan ng mariing pansin ang paningin at pandinig niya.
Halimbawa, kung napapansin na hindi nasusundan ng mata ni baby ang ipinapakita sa kaniya, o hindi kumikibo sa malakas na ingay sa paligid, patingnan si baby sa pediatrician.
Emotional at Social Development
Image from Freepik
Ang mga baby ay hindi umiiyak ng walang dahilan, o dahil bored ito. Mayro’n itong nararamdaman na kailangang matugunan (gutom, basa ang lampin, pagod, mainit, o nalalamigan, atbp.) Mahalagang bigyan ang bawat iyak ng pansin, at matugunan ang kailangan nito, dahil ang mahabang panahon ng pag-iyak ay hindi mabuti para sa isang bata.
Ang pag-iyak ay paraan ni baby para maparating sa mga magulang at mga taong nag-aalaga sa kaniya ang nararamdaman niya. Kapag hindi pinansin ang pag-iyak, nakakasama ito sa development ng bata. Kung nahihirapang patahanin si baby, o hindi malaman kung ano ang kailangan nito, basahin ito dito.
Sa edad na ito, madaling maimpluwensiyahan si baby ng mga nag-aalaga sa kaniya. Maaaring maging iyakin, maiksi ang pasensiya, o listo at masayahin—depende ito sa nakikita at nararamdaman mula sa tagapag-alaga.
Dapat ay ma-enjoy ni baby ang pakikipag-usap, pakikipaglaro, at maski pagtingin lamang sa ngiti ng Nanay at Tatay niya. Kausapin siya palagi ng masaya at excited. At huwag nang humarap pa o kargahin si baby kapag malungkot ka o pagod, lalo pag galit pa.
Tandaan na nagsisimula nang magpakita ng emosyon ang iyong newborn. Kaya bawat minuto na kasama o kausap siya ay mahalaga. Kapag kalmado at masayahin ang nag-aalaga, magiging kalmado at masayahin din ang bata.
Speech at Language
Ang foundation para sa speech at language development ay nabubuo kapag nagsimula nang makarinig ang baby.
Importanteng mapagmasdan at patuloy na subukin ang pandinig ni baby at bigyang pansin ang mga problema o sakit sa tenga, tulad ng mga impeksiyon, lalo na kung palaging nangyayari.
Ang unang “baby talk” ay non-verbal o hindi pasalita, at nangyayari pagkapanganak pa lang. Si baby ay ngumingiwi, umiiyak, lumiliyad at nagpapakita ng iba’t ibang emosyon. Kasama na rin ang mga pisikal na pangangailangan—mula takot at gutom, hanggang pagkainis at sensory overload.
Bakit inat ng inat ang baby
Bakit ba inat ng inat ang baby lalo na kapag natutulog? Inat na ng inat ang baby kahit nasa loob pa lamang siya ng uterus o sinapupunan. Kung kaya, lalo na kapag nakalabas na sila sa sinapupunan, hindi na bago o kakaiba kung bakit inat ng inat ang baby. Nag-stretch sila pagkagaling sa mahabang panahon na parang nasa loob ng isang masikip na sisidlan sa iyong sinapupunan.
Dagdag pa, madaling gawin ng mga baby ang pag inat ng inat, lalo na sila ay flexible, hanggang sa kanilang paglaki. At dahil ang pag inat ng inat ng baby kadalasan ay normal lamang, ang pag-uunat o stretching naman ay maaaring problema.
Dahil rito, kailangang malaman ng mga magulang ang pagkakaiba ng bakit inat ng inat ang baby o pag-uunat. Kapag ganito ang kondisyon ng baby, pwedeng kumonsulta sa health care provider. At kailangang i-recognize ang pagkakaiba ng dalawa.
Inat ng inat si baby
Dahil inat ng inat lalo na si newborn baby, hindi agad mapapansin ng mga magulang ang consistency sa pag-iinat na ito. Inat din ng inat si baby lalo na sa kanyang development habang sanggol pa patungong 1 buwan. Ito ay dahil sa mga unang linggo ng yugto ng paglaki ng sanggol na malakas na ang kanilang muscle sa pag-iinat.
Yugto ng paglaki ng sanggol at bakit inat ng inat ang baby
Sa yugto ng paglaki at development ng sanggol, nag-gain na sila ng muscle para flexible na mag inat ng inat. Ang development ng sanggol na ito, nagkakaroon din sila ng growth spurts o mabilis na pagtaas ng height. Ito ang dahilan kung bakit inat ng inat si baby ng mga binti sa yugot ng paglaki na ito.
Ang pananakit ng muscles kapag matagal na naiipit kapag natutulog ay maaaring mawala 0 ma-alleviate kung inat ng inat ang baby. Kaya, mas happy si baby.
Paglaki ng sanggol kaugnay ng pagtulog at bakit inat ng inat ang baby
Inat ng inat si baby lalo na kapag kakagaling lang sa pagtulog. Ang pagtulog kasi ang nakakatulong sa mas mabilis na yugto ng paglaki ng sanggol. Dagdag pa, ang pagtulog din ng madalas ay sanhi ng growth spurts.
At kapag mas masarap na ang tulog ng baby, mas maaaring magkaroon ng growth spurts. Ang growth spurts na ito ay nagdudulot ng muscle ache. Ito ang dahilan kung bakit inat ng inat ang baby kapag nagigising.
Kailan dapat mabahala
Ang baby development ay depende sa mga iba’t ibang antenatal at postnatal factors. Ito ay tulad ng kalusugan ni Nanay nung nagbubuntis, gestational age ng baby, at paraan ng pagkapanganak o delivery.
Halimbawa, ang isang baby na ipinanganak ng 38 weeks ay maaaring mas mabagal ang development at growth kaysa sa baby na ipinanganak ng 40 weeks o buong term. Dagdag pa ang mga komplikasyon nung nanganak, sakit o kondisyon nuong early years, at genetics at environmental factors.
Huwag kalimutan na ang impluwensiya ng mga magulang—personalidad, edukasyon, at attitude o pakikitungo sa bata. Ang batang lumaki sa isang malusog at mapagmahal na kapaligiran ay mas maayos ang pagtingin sa buhay. Kaysa kapag hindi komportable at hindi mapagmahal ang paligid sa bata.
Saan makakahingi ng tulong
Kung ang bata ay hindi naaabot ang minimum na developmental milestones para sa edad niya, at ang progression niya ay delayed o huli, at ikaw mismo ay nag-aalala. Huwag mag-atubiling kumunsulta sa doktor tungkol rito. Mas mabuting mapatingnan ang bata, habang maaga. Kung wala mang problema, walang mawawala sa inyo, hindi ba?
Ang importante ay habang lumalaki sa baby, huwag kakalimutan na siya’y mabilis na lumalaki at nagbabago nang mabilis. May mga emosyonal at pisikal na stressors na nararamdaman din ng mga magulang—at napapasa sa bata.
Ang mga bagong Mommies ay madalas na nakakaramdam ng pressure na manatiling attractive, at maging mabuting magulang kaagad. Pero ang totoo, ang pagiging magulang ay katumbas ng pagbabago sa katawan, emosyon at pati takbo ng buhay.
Kung nakakaramdam ng pagkalungkot, maaaring ito ay post-natal depression (PND). Dagdag pa, nakakaramdam din ng labis na pag-aalala at problema ng may kinalaman sa anak o asawa.
Humingi kaagad ng tulong sa mga espesyalista, o mga kaibigan at kamag-anak na makakatulong sa iyo.
Tandaan na ang development ng baby 1 buwan ay iba-iba para sa bawat bata. Bawat bata ay unique. Ang pagsapit sa mga developmental milestone nang mabilis o mabagal kaysa sa average, ay hindi garantiya tungkol sa magiging development ni baby sa kinabukasan.
Ang baby na huli sa pagsapit sa milestones ay maaari pa ding lumaking doktor o scientist!
Karagdagang ulat mula kay Nathanielle Torre
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!