Nasa 7 weeks na ng iyong pagbubuntis, ano na ang nangyayari kay baby ngayong linggo at ano ang dapat asahan? Ano ba ang mga sintomas ng 7 weeks na buntis?
Gaano na kalaki si baby?
Dumoble na ang laki ni baby mula ng huling linggo! Halos kasing laki na siya ng isang aratilis, ito’y isang pulang maliit na prutas na isang tipo ng cherry.
Development ni baby
Sa linggo-linggong gabay sa pagbubuntis na ito, matututunan mo ang mga sumusunod:
- Kamanghamangha ang paglaki ni baby! Nabubuo ang isang daang bagong brain cells ng iyong baby bawat minuto.
- Nagiging complex na ang utak at puso ni baby. Nabubuo na rin ang kaniyang mga kidneys.
- Sa panahong ito, wala pa siyang bone marrow kaya ang atay ni baby ang gumagawa ng red blood cells niya.
- Nagsisimula na ring sumibol ang kaniyang mga kamay at paa, ngunit hindi pa ito lubusang mukhang mga kamay at paa. Mukha pa itong mga sagwan. Nagkakaroon na rin siya ng mga braso at hita.
- Tumutubo na rin ang kaniyang ngipin (subalit nasa ilalim pa ito ng kaniyang gilagid) at nagkakaroon na rin siya ng palate.
- Sa panahong ito rin nagsisimulang mag-develop ang kaniyang mga tenga.
- Manipis pa ang balat ni baby at kitang-kita ang kaniyang mga ugat.
- Nagsisimula na ring mag-develop ang bibig at dila ng iyong anak. Kalaunan din magsisimula nang mag-produce ng ihi sa baby sa loob ng iyong sinapupunan.
Sintomas ng 7 weeks na buntis
Narito ang ilang mga sintomas ng 7 weeks na buntis:
- Dumoble na ang laki ng iyong matris dahil lumalaki na si baby. Sa kasamaang-palad, ang side effect nito’y ang madalas na pag-ihi. Magpapatuloy ito hanggang sa manganak ka.
- Maaaring magsimula kang magkaroon ng tigyawat dahil sa dami ng hormones na nananalaytay sa iyong katawan. May ilang mga buntis ang nagkakaroon ng pagbabago sa kulay ng kutis at pagbabago na rin sa kanilang balat—ang iba nama’y nagiging mas oily, ang ilan nama’y nagkakaroon ng dry skin.
- Isa sa mga sintomas ng 7 weeks na buntis ay maaaring magkaroon ng mga varicose veins dahil sa pagtaas ng blood flow.
- Patuloy pa rin na makakaranas ng pagkahilo.
- Simula na nang paghahanap ng pinaglilihiang pagkain!
- Nagsisimula na ring dumoble ang laki ng iyong mga dibdib. Kaya naman maaaring hindi mo na maisuot ang iyong mga damit noong hindi ka pa nagbubuntis. Mainam na magsuot ng mas maluluwag na t-shirt.
- Makakaranas ka rin na makaramdam ng mabilis na pagkapagod o fatigue.
- Maaari ka ring makaranas ng indigestion o kaya nama’y heartburn. Dulot ito ng mga pagkaing maanghang o kaya naman maasim at mataas ang acid content. Iwasan ang mga pagkaing ito.
7 weeks ng pagbubuntis: Mga dapat mong gawin
- Kung hindi ka pa nagsisimulang uminom ng folic acid, ngayon ang tamang panahon upang gawin mo na ito. Kailangan ng katawan ng 400 grams nito para suportahan ang pag-develop ni baby sa loob ng iyong sinapupunan.
- Kung dati nang nag-eehersisyo, konsultahin ang muna ang iyong doktor kung safe ba ito para sa iyo. Kapag maselan ang pagbubuntis, maaaring patigilin muna ang exercise. Subalit kung normal ang lahat, siguraduhing safe para sa buntis ang mga activity na gagawin.
- Kung ika’y nakakaranas ng abdominal cramps o pananakit ng puson hindi naman agad dapat ikabahala ito. Normal lamang ito sa 1st trimester ng pagbubuntis. Subalit kung ang pananakit ng puson ay may kasama nang contractions, pagkahilo, o discharge agad na magpatingin sa iyong doktor.
- Mas mainam na mag-indulge sa mga pagkaing healthy sa panahong ito. Upang maging healthy rin si baby kapag siya’y isinilang mo na.
- Maaari nang gawin ang unang pagbisita sa doktor para sa prenatal check-up. Kadalasan ay unang nagpapakonsulta ang mga buntis ng 7-8 weeks. Ito ang magiging pinakamahaba at pinakamabusising check-up sa iyong pagbubuntis. Kung saan tutukuyin ang iyong posibleng due date, titignan ang risks ng pagbubuntis at magsasagawa ng iba’t ibang physical exams at laboratory tests.
- Kung ikaw ay naninigarilyo, mainam na tumigil na sa paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay nakakapagpataas ng tiyansa ng pagkakaroon ng komplikasyon sa pagbubuntis.
- Maaari ring magsimula ng prenatal exercise kung kaya ng iyong katawan. Iminumungkahi ng American College of Obstetricians and Gynecologists ang pag-eehersisyo ng 30 minutes kada araw para sa malusog na pagbubuntis. Ang yoga, paglalakad, at pag-swimming ang ilan sa mga mainam na ehersisyo. Magpaalam muna sa iyong doktor bago magsimula ng mas mahirap na exercise routine.
7 weeks ng pagbubuntis: Mga dapat kainin
Kumain ng 3 meals at 2 healthy snacks araw-araw. Kumain ng fresh, whole foods tulad ng mga sumusunod:
- Prutas at gulay. Mainam na sumubok ng iba’t ibang kulay. Subukan ang pears, mansanas, berries, broccoli, repolyo, at mga berdeng madahon na gulay.
- Whole grain foods. Kumain ng whole grain foods tulad ng whole grain pasta, whole grain bread, oatmeal, o brown rice.
- Mga pagkaing mayaman sa protein. Subukan ang protein rich foods tulad ng itlog, beans, isda, manok, lean meat, peanut butter, gatas, fortified soy beverages, yogurt, at cheese.
- Healthy fats. Piliin ang mga pagkain na mayroong healthy fats tulad ng nuts, seeds, avocado, fatty fish, at corn o olive oil.
- Uminom ng maraming tubig, at iwasan ang carbonated at matatamis na inumin.
- Pumili ng mga pagkain na mayroong mga bitamina na makakabuti para sa iyong baby, tulad ng calcium, iron, at folate.
- Ilan sa mga pagkain na magadang source ng calcium ay dairy products, tofu, almonds, broccoli, dark leafy greens, at fortified orange juice.
- Mayaman naman sa iron ang mga pagkain na beef, poultry, liver, spinach, dried beans, fortified cereals, at dried fruits.
- Ang dark leafy greens, broccoli, asparagus, liver, fortified cereals, orange juice, peanuts, at almonds ay magadang source ng folate.
- Piliin ang mga isda na mababa sa mercury, tulad ng salmon, pollock, shrimp, mussels, clams, oysters,at canned “light” tuna.
- Huwag kumain ng mga pagkain na maaaring magdulot ng masama sa iyong baby.
- Huwag kumain ng hilaw o undercooked meat, chicken o fish (tulad ng sushi o raw oysters)
- ‘Wag kumain ng hilaw na itlog, o pagkain na naglalaman ng hilaw na itlog
- Iwasan ang caffeine, o limitahan ang intake sa 300 mg o dalawang tasa ng coffee o tsaa sa isang araw.
7 weeks ng pagbubuntis: Checklist
- Sapagkat sa dagdag na hormones sa katawan, mapapansin na tila bloated ang pakiramdam. Maaaring magsimula nang magsuot ng maluluwag na damit para maging mas kumportable.
- Magsisimula na makita ang maliit na baby bump kaya puwede nang planuhin ang pagkuha ng litrato para i-track ang paglaki ng tiyan!
7 weeks ng pagbubuntis: Kailan dapat tumawag sa doktor
Ang miscarriage at ectopic pregnancy ay mga komplikasyon na maaaring mangyari sa unang trimester ng pagbubuntis, kaya’t mahalagang malaman kung ano ang mga sintomas nito.
Ang ectopic pregnancy ay isang pagbubuntis na nabubuo sa labas ng uterus, kadalasan ito ay nabubuo sa fallopian tubes. Magiging banta ito sa buhay ng isang buntis.
Maaaring magkaroon ng normal na early pregnancy symptoms nang hindi nalalaman na ang embryo ay nagde-develop sa labas ng iyong sinapupunan.
Hindi nabubuhay ang ectopic pregnancy, pero kung hindi ito magamot ay maaaring pumutok ang mga nakapaligid sa embryo. Magpakonsulta agad sa doktor kapag ikaw ay buntis at nakaranas ng mga sumusunod na sintomas:
- Abnormal na pagdurugo ng vagina
- Pagkahimatay o pakiramdam na mahihimatay o nahihilo
- Low blood pressure
- Rectal pressure
- Pananakit ng balikat
- Biglaan at sobrang pananakit ng pelvic
Miscarriage
Ang miscarriage ay nagreresulta ng pagkawala ng baby sa iyong sinapupunan. Kadalasan ng miscarriage ay nangyayari sa unang 12-linggo, o unang trimester ng pagbubuntis.
Ang miscarriage ay nangyayari dahil sa problema sa genes ng baby, cervix o uterine issues, hormone problems, o impkesyon. Kadalasan ay walang makitang dahilan nito. Tumawag agad sa doktor kung makapansin ng mga sumusunod na warning signs:
- Pagdurugo o spotting
- Paglabas ng tissues sa vagina
- Pagkakaroon ng pink vaginal fluid
- Abdominal o pelvic pain o cramping
- Pagkahilo, lightheadedness, o pagkahimatay
Isinalin mula sa wikang Ingles ni Candice Venturanza
Additional source:
Healthline
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!