Aminin natin, mahirap painumin ng gamot ang bata. Bilang magulang, dumaan din tayo sa yugtong ito noong mga bata pa tayo at alam ko ang pakiramdam ng ating mga anak kapag inilalapit na ang kutsarang may gamot sa ating mga mukha. Ang iba, nais pang iluwa ang gamot pagdampi pa lamang nito sa bibig.
Naranasan kong mapagalitan at mapalo ng aking mga magulang dahil ayaw kong uminom ng gamot noon. Hindi kasi masarap ang lasa ng gamot ngunit bilang bata, wala kang magagawa kung hindi inumin ito kahit umiiyak ka na.
Paano nga ba dapat painumin ng gamot ang mga bata nang hindi sila madadala?
Tips kung mahirap painumin ng gamot ang bata
1. Camouflaging
Subukan ang camouflaging trick kung saan ay tatakpan ng anumang pagkain ang gamot na ipaiinom sa bata.
Maaari ring haluan ito ng tubig upang lumabnaw ang gamot at mabawasan ang tapang ng lasa nito. Puwede ring haluan ng kaunting fruit juices ang ipapainom na gamot upang hindi niya mapansin ang lasa nito.
Panoorin ang sample video na ito:
from Drinking GIFs via Gfycat
2. Gumamit ng syringe medicine dropper
Malamang na agad na magtago ang iyong anak kapag nakita na niya ang kutsarang hawak mo dahil alam na niyang oras na ng pag-inom ng kanyang gamot.
Subukang gumamit ng syringe medicine dropper. Hawakan ang mukha ng bata at ilagay ang dropper sa loob ng kaniyang pisngi. Sa ganitong paraan hindi niya maiisipang iluwa ang gamot dahil diretso agad na pupunta sa lalamunan ang gamot.
Narito ang isang sample video:
3. Tunawin ang mga chewable tablets sa tubig
May ilang gamot na inirereseta ang doktor na hindi syrup form gaya ng ilang chewable tablets na siguradong mahirap mapainom sa mga bata.
Para mainom niya ito, tunawin ang mga tableta sa tubig at ipainom ito gamit ang syringe medicine dropper.
Ipinapaalala ng mga doktor na siguruhing nakaupo o nakatayo ng maayos ang mga bata kapag pinapainom sila ng gamot upang maiwasan na isuka o iluwa ang gamot nila.
Subukan ring utuin ang mga bata sa pamamagitan ng pagkausap sa kanila sa mahinahong paraan upang maintindihan nila ang kahalagahan ng gamot upang gumaling sila sa kanilang sakit. Iwasan ring takutin ang mga bata upang hindi sila madala sa pag-inom ng gamot.
Source: Livestrong
Images: Shutterstock
BASAHIN: Magulang sinubukang bigyan ng gamot pang hayop ang anak
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!