Mayaman at malikhain ang imagination ng mga bata, kasama na diyan kung minsan ang pagkakaroon nila ng imaginary friends. Kung napapansin mong ang anak mo ay mayroong ganito, heto ang ilan sa dapat mong gawin.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Dapat gawin kung may imaginary friends ang inyong anak
- Importansya ng friendship sa early childhood ng anak
Dapat gawin kung may imaginary friends ang inyong anak
Sa panahon ng childhood, labis na masigla ang imagination ng bata, mula sa kanyang paglalaro hanggang sa pagkakaibigan. Dito kasi nagsisimula ang maraming exploration niya sa mga bagay-bagay. Isa sa pinaka-common na ginagawa ng bata ay ang pagkakaroon ng tinatawag na “imaginary friends” o iyong imaginary companion nila.
Ano ang “imaginary friends?”
Tumutukoy ang imaginary friends o companions sa isang partikular na tao o bagay na nakakausap, nakakasalamuha, at nakakalaro ng bata. Ang mga kaibigang ito ay maaaring nasa iba’t ibang form, mayroong invisible friend, sa isang gamit, sa isang laruan tulad ng stuffed toy, o kaya naman ay sa isang pet o animal.
Base sa maraming pag-aaral, halos two-thirds ng mga bata ang nagkakaroon nito at mas madalas sa mga kababaihan. Kadalasang nagsisimula ang ganitong pangyayari sa kanilang early childhood sa edad na 2 hanggang 3 pataas.
Ano-ano ang mga dapat mong gawin kung sakaling may imaginary friends ang iyong anak?
Dahil nga normal ang pagkakaroon nito, ang unang dapat gawin ay iwasang mag-aalala. Sa katunayan marami ang maaaring napauunlad na skills at development ni baby. Maaari nitong ma-develop ang social skills at social cognition.
Dahil din sa mga nabubuo niyang ideas ay mabo-boost ang creativity niya sa maraming bagay at maaaring magkaroon ng mas magagandang coping strategies. Isa pa, makatutulong din ito sa kanyang emotional understanding.
Para sa parents narito ang ilang ways na dapat gawin kung mayroong imaginary friends ang anak:
- Huwag ipapahiya ang anak kung mahuhuli itong kinakausap ang kanyang mga imaginary friends.
- Magbuo ng malinaw na komunikasyon at magtanong ng mga bagay na ikatutuwa niyang ibahagi.
- Tanungin ang anak kung ano ang interes at mga bagay na pinagkapareho nila ng kanyang kaibigan at kung bakit sila nagkasundo.
- Makipaglaro kasama ang imaginary friends niya at kausapin din ito.
- Maglaan ng space para sa mga family trips tulad ng vacation at pagkain sa labas upang hindi maramdaman ng anak na siya ay loner.
- Kung sakaling nagkakaroon na ng problema at nagkocause na ng problems ang pag-iimagine niya na ito, magset na ng boundaries.
- Paalalahanan siyang dapat ang kaibigan ay nakabubuti sa isa’t isa at hindi nakasasakit ng damdamin.
Hindi rin naman nagtatagal ang pagkakaroon ng imaginary friends ang bata, mayroong umaabot hanggang 7 years old habang ang iba naman ay 12 years old.
Kung sakali namang labis nang nag-aalala dahil kakaiba na ang behavior kaya naman ay nagiing marahas na ang nagiging kilos ng anak dahil sa imaginary friends niya, mai-coconsider na itong hindi normal. Sa ganitong pagkakataon ay lumapit kaagad sa isang healthcare professional.
BASAHIN:
Ayaw mo sa kaibigan ng iyong anak? Heto ang 5 ways na dapat mong gawin
7 rason kung bakit hindi mo dapat gawan ng social media account ang anak mo
10 paraan para makaiwas ang inyong mga anak sa cyberstalking
Importansya ng friendship sa early childhood ng anak
Isa sa dapat na itinuturo ng magulang sa kanyang anak ay ang pakikipag-socialize. Maraming bagay kasi ang mapauunlad niya kung developed na ang social skills niya lalo kung siya ay papasok na sa school kalaunan. Magandang simulan niya ito sa pagkakaroon ng friendship.
Ilan kasi sa maaaring benefits ng friendship sa iyong anak ay ang mga sumusunod:
- Makakabubuo sila ng maraming memories na maaari nilang balikan pagtanda.
- Nabi-build nito ang sense of security at nakababawas ng stress dahil may isa silang tatakbuhan kung kailangan nila ng kausap.
- Made-develop nila ang social skills na magagamit nila later on sa kanilang buhay.
- Mararamdaman nilang lagi silang may kasama at hindi nag-iisa sa lalo kung ito ay nasa school.
- Nakadadagdag ng happiness sa kanilang everyday life.
- Magkakaroon sila ng feeling of love and care labas sa nararamdaman nila sa loob ng pamilya.
Parents ang pangunahing susi rin upang makabuo sila ng hindi lang basta friends kundi maging healthy relationship sa ibang tao. Maaaring sa mga magulang pa lang ay magsimula nang maging modelo upang makita at magaya nila ito. Importante ring i-encourage sila sa mga activities at iba pang social gathering kung saan maaari silang makahanap ng mga kaibigan.
Sa kabila ng kagustuhang tumulong, dapat ding tandaan naman ng parents na makilala ang kanilang personality at kung ano ang preferences nila sa friendship na hinahanap nila.