Problema mo ba nakabarang sipon ni baby sa tenga? Tila ba may sipon sa tenga si baby? Naku mommy, mas mabuting maagapan agad ito dahil ito ay maging impeksyon sa tenga. Narito ang mga home remedy at gamot sa sipon sa tenga ni baby!
Sipon sa tenga ni baby
Ang sipon sa tenga ni baby ay ang nagiging dahilan ng malalalang impeksyon sa tenga ang isa sa mga pinaka-karaniwang dahilan kung bakit maraming mga bata ang dinadala sa doktor. Kadalasan ay bacterial o viral infection sa gitnang bahagi ng tenga ang sanhi nito. Kadalasan itong nagdudulot ng malubhang pagsakit para sa pasyente.
Ating alamin ang bawat detalye sa impeksyon sa tenga ng isang bata. At ang mga home remedy o gamot para sa sipon sa tenga.
Sanhi ng impeksyon sa tenga
Ang impeksiyon ay dahil sa pagkakaroon ng bacteria o virus sa gitnang bahagi ng tenga. Kadalasan itong nakukuha dahil sa ibang sakit tulad ng lagnat, trangkaso o alerhiya.
Eustachian tubes
Ang eustachian tubes ay pares ng maninipis na daanan mula sa gitna ng tenga hanggang sa likod ng lalamunan. Ang pamamaga at sipon sa eustachian tubes mula sa impeksiyon sa baga o alerhiya ay maaaring makabara sa mga ito. Dahil dito, maaaring pasukan ng likido ang gitnang bahagi ng tenga. Ang bacteria o virus na dala ng likido na ito ang nagiging sanhi ng impeksiyon sa tenga.
Adenoids
Ang adenoids ay dalawang maliliit na pads ng tissue sa may itaas na likod na bahagi ng ilong. Ito ay madaling ma-impeksiyon at mamaga. Dahil malapit ito sa eustachian tubes, ang pamamaga ng adenoids ay nakakabara at nagiging sanhi ng impeksiyon.
Iba pang kondisyon na maaaring maging sanhi
- Otitis media with effusion – Pamamaga at pagkakaroon ng likido sa gitna ng tenga na walang bacteria o virus.
- Chronic otitis media with effusion – Kapag ang likido sa gitna ng tenga ay hindi naaalis at patuloy na bumabalik kahit walang bacteria o virus.
- Chronic suppurative otitis media – Ang paulit-ulit na impeksiyon sa tenga na nagiging rason ng pagpunit o pagkakaroon ng butas ng eardrum.
Mga konsiderasyon sa impeksyon sa tenga
Ang mga kailangang i-konsidera ay ang:
- Edad – Ang mga bata na nasa 6 na buwan hanggang 2 taong gulang ay mas madaling magkaroon ng impeksiyon sa tenga dahil sa pagkakabuo ng kanilang mga tenga at mahinang immune system.
- Group child care – Ang pagkikihalubilo ng bata ay maaaring maging paraan upang sila ay makakuha ng sipon at impeksiyon sa tenga dahil sa pagkahawa.
- Pagpapakain sa bata – Ang mga sanggol na umiinom ng gatas nang naka-higa ay mas madalas na nagkaka-impeksiyon sa tenga kumpara sa mga batang breastfed.
- Dala ng panahon – Ang pagkakaroon ng impeksiyon sa tenga ay kadalasan nakukuha sa mga panahon na uso ang trangkaso. Ang pagkakaroon din ng alerhiya dahil sa panahon ay nagiging daan ng pagkakaroon ng impeksiyon sa tenga.
- Hindi magandang hangin – Ang pagkaka-lantad ng bata sa usok at polusyon ay nagpapa-laki ng tsansa nila magkaroon ng impeksiyon sa tenga.
Mga sintomas ng impeksyon sa tenga dahil sa sipon sa tenga ni baby
Kadalasan ay madaling nararamdaman ang pagkakaroon ng impeksyon sa tenga.
Sa mga bata
- Sakit sa tenga lalo na pag-nakahiga
- Paghila sa tenga
- Hirap sa pagtulog
- Pag-iyak nang higit sa karaniwan
- Pagiging iritable
- Hirap sa pandinig
- Hirap sa pagbalanse
- Lagnat
- Paglabas ng likido mula sa tenga
- Sakit sa ulo
- Pagkawala ng gana sa pagkain
Maaaring ang paghila ng mga bata sa kanilang tenga ay dahil sa ibang kadahilanan tulad ng pagngingipin. Hindi rin lahat ng may impeksiyon sa tenga ay nagkakaroon ng lagnat. Dahil dito, marami ang mga magulang na nagaakala na ang kanilang mga anak ay may impeksiyon sa tenga kahit hindi pa nasusuri ng duktor.
Sa matatanda
- Sakit sa tenga
- Paglabas ng likido mula sa tenga
- Hirap sa pandinig
Kailan dapat magpakonsulta sa doktor dahil sa impeksyon sa tenga?
Ang mga sintomas ng impeksiyon sa tenga o kapag may napansin na tila sipon sa tenga si baby. Maaaring dala ng iba pang sakit. Dahil dito, importante na makakuha ng tamang pagsusuri. Magpa-konsulta sa ispesyalista kung:
- Ang mga sintomas ay tumagal na nang lagpas isang araw
- Ang bata ay may edad 6 na buwan pababa
- Matindi ang nararamdamang sakit
- Hindi na nakakatulog ang bata
- May lumalabas na na likido, nana, o dugo mula sa tenga
Natural sa mga bata ang magkaroon ng impeksiyon sa tenga. Pinapayo ng mga duktor na magpa-konsulta kapag 3 beses na nagka-impeksiyon sa tenga ang bata sa loob ng 6 na buwan.
Mga komplikasyon
Kadalasan, ang pagkakaroon ng impeksiyon sa tenga ay hindi nagiging dahilan ng pangmatagalan na komplikasyon. Ganon pa man, ang pabalik-balik na impeksiyon ay maaaring maging ugat ng malulubhang komplikasyon.
- Problema sa pandinig – Ang pagkakaroon ng pinsala sa eardrum o gitnang bahagi ng tenga ay maaaring maging dahilan ng tuluyang pagkawala ng pandinig
- Pagkaantala ng pagsasalita – Kung ang pandinig ng bata ay maapektuhan kahit panandalian lamang, maaari nitong maantala ang pagsasalita ng bata.
- Pagkalat ng impeksiyon – Ang hindi paggamot sa isang impeksiyon ay maaaring maging dahilan ng pagkalat nito sa iba pang bahagi ng katawan.
- Pagkapunit ng eardrum – Ang karaniwan ng prublema sa eardrum ay gumagaling sa loob ng 72 na oras. Sa ibang pagkakataon, maaaring kailanganin ng siruhiya.
Pag-iwas
Maaaring mapababa ang tsansa ng pagkakaroon ng impeksiyon sa tenga sa pamamagitan ng:
- Pag-iwas sa sipon at iba pang sakit
- Paglayo sa mga naninigarilyo
- Pag-breastfeed ng bata
- Tamang posisyon ng bata sa pagkain nito
- Vaccinations
Sipon sa tenga home remedy
Ang mga sumusunod na paraan ay makakatulong para mapalambot ang earwax sa loob ng tenga. Narito ang mga gamot o home remedy para sa sipon sa tenga ni baby:
- Baby oil
- Mineral oil
- Glycerin
- Hydrogen peroxide
Para sa mga ito, maaaring drops lang ang kailangang gawin at ‘wag damihan ng todo ang paglalagay sa tenga.
Source: Mayo Clinic, U.S. News
BASAHIN:
Ang rason kung bakit hindi dapat cotton buds ang pinapanlinis ng tenga
Luga sa tenga: Sanhi, sintomas, at lunas para sa earwax buildup
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.