Karaniwan na sa mga bagong magulang ang makaranas ng
sleep deprivation lalo na sa mga growing years ng kanilang mga anak.
Kaya nang lumabas ang mga in-bed sleepers, na sinasabing mas ligtas na alternatibo kaysa sa bed-sharing, karamihan sa mga magulang ay bumili nito para makatulog naman ng mahimbing.
Subalit, isang American non-profit organisation ang nagreport na ang mga infant sleep products ay nauugnay sa 12 infant deaths noong 2012 at 2018.
Nabanggit din sa report ang tatlo sa mga main in-sleeper brands – Snuggle Nest, DockATot, at SwaddleMe.
Bagama’t ang Snuggle Nest at SwaddleMe ay nagtataglay ng flat mattress na may low mesh walls, ang DockATot in-bed sleeper ay may mas malambot na bed at side bumpers.
Ayon sa mga manufacturers ng Swaddle Me at Snuggle Nest, hindi sila responsable sa mga infant deaths at ang kaligtasan ng mga bata ang kanilang prioridad,
Sa kabilang banda, ang mga DockATot creatorsay hindi nagkumento. Sa kanilang website, sinasabi na dapat sundin ng mga magulang ang safety precautions at kumonsulta sa pediatrician bago bumili ng produkto.
Ang mga in-bed sleepers ay wala pang sariling federal safety standards, kaya mas malaki ang tsansa ng mga hindi regulated products.
Para sa safe na tulugan ng baby, hinikayat din ng ibang ahensya tulad ng U.S. Food and Drug Administration (FDA), Health Canada at Lullaby Trust sa UK na itigil ang paggamit ng mga bolster-like pillows, padding at soft surfaces.
Halimbawa, 32% lamang ng mga bagong magulang ang gumagamit ng firm at flat surface para sa pagtulog ng kanilang anak. Wala pa sa one-third ng mga magulang ang gumagamit ng crib at bassinet na pumasa sa safety standard ng U.S. Consumer Product Safety Commission (CPSC).
Inirerekomenda ng AAP ang apat na sleep guidelines:
- Hayaang matulog ang mga baby na wala pang 6 buwan na mag-isa at nakatihaya.
- Ilagay ang crib ng inyong anak sa inyong bedroom pero huwag siyang patulugin sa inyong kama hanggang hindi pa siya nakaka-1 taon gulang. Kung hindi maiiwasan ang co-sleeping, puwede na matulog ang inyong anak sa inyong kuwarto pero nasa kaniyang crib.
- Siguruhin na safety-approved crib, firm mattress at tight-fitting sheet ang gamit ng iyong anak.
- Para sa safe na tulugan ng baby, alisin ang mga unan, kumot, crib bumpers, stuffed toys at iba pang gamit. Maaari siyang gumamit ng unan kapag siya ay 2 o 3 taong gulang na.
Sundin ang mga guidelines na ito at siguruhin na walang in-bed sleepers sa crib ng inyong anak.
Basahin: Sudden Unexplained Death In Childhood (SUDC): Mga dapat malaman