Nang si Marissa Wong, 32, ay nakatanggap ng tawag mula sa daycare ng kanyang 2 taong gulang na anak, akala niya ay wala lang ito. Hindi niya lubos akalain na dahil ito sa biglaang pagkamatay ng bata na minamahal niya nang buong puso—ang kanyang anak na si Candice, nang dahil sa Sudden Unexplained Death in Childhood (SUDC).
Kahit pa isinugod sa ospital si Candice, hindi na siya nailigtas ng mga duktor.
Wala siyang sakit. Masiglang bata si Candice. Wala siyang karamdaman o kahit anong childhood infections. Ngunit bakit siya namatay?
Sabi ng mga duktor kay Wong, bigla lang nawalan ng malay si Candice at tumumba. Kanilang ipinaliwanag na namatay si Candice dahil sa tinatawag na Sudden Unexplained Death of a Child o Sudden Unexplained Death in Childhood (SUDC).
Ano ang SUDC? Ito ang hindi kilalang kamag-anak ng Sudden Infant Death Syndrome (SIDS), na ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ay ang “biglaang pagkamatay ng sanggol na wala pang isang taong gulang na hindi maipaliwanag ng masusing imbestigasyon, kasama ng kumpletong autopsy, pag-eksamin sa death scene, at pagsuri sa clinical history.”
Ang hindi alam ng mga magulang ay maging ang masmatatandang bata ay maaaring mamatay nang tila walang dahilan.
Sudden Unexplained Death of a Child (SUDC): Mga dapat malaman ng mga magulang
Ayon sa mga reports, ang SUDC ay nakaka-apekto nang nasa 1.4 ng pagkamatay kada 100,000 bata sa mundo. Ayon sa National Organisation for Rare Disorders (NORD), ito ang nakakagulat na statistics:
- Halos 60% ng toddlers na 1 hanggang 4 na taong gulang na namamatay, ay namatay dahil sa SUDC.
- Wala itong kinalaman sa lahi ng bata.
- Nasa 90% ng namatay sa SUDC ay naipanganak nang full-term at masigla.
- Halos kalahati ng namatay sa SUDC ay mga panganay.
Ano itong misteryosong silent killer na ito?
Ano ang Sudden Unexplained Death of a Child?
Ang silent killer na ito ay kadalasang naaapektuhan ang mga batang mahigit 12 buwang gulang. At, ang eksaktong dahilan ng pagkamatay ay hindi maipaliwanag.
Sa totoo, kahit matapos ang masusing eksaminasyon ng mga duktor, kasama ang pagsuri sa medical history at genetics, hindi parin matukoy ang sanhi ng pagkamatay.
Sa ngayon, iniintindi pa ng mga eksperto ang SUDC. At sa kanilang mga pag-aaral, may natuklasan silang ilang patterns pagdating sa mga batang namatay sa SUDC.
Ayon sa WebMD, ito ang mga natuklasan nila:
- Mga batang namatay nang nakahiga: 10%
- Ang mga namatay na nakahiga nang patagilid: 2%
- Mga batang namatay na nakadapa: 3%
- Ang mga namatay na ang mukha ay naka-posisyon pababa: 10%
- Ang mga namatay na ang mukha ay naka-posisyon patagilid: 8%
- Mga namatay na naka co-sleep kasama ang mga magulang o guardians: 3%
- Mga insidente kung saan ang katawan ng bata ay nagpawis: 1%
Halos 60% ng toddlers na may edad 1 hanggang 4 na taong gulang na namatay ay namatay dahil sa SUDC. | Image courtesy: Pixabay
Dagdag pa dito, napag-alaman ng NORD na halos lahat ng namatay dahil sa SUDC ay natutulog bago nawalan ng malay.
Mga sanhi
Maaaring nagtataka, kung hindi ito maipaliwanag, bakit mayroong sanhi? Mahirap man itukoy ang eksaktong sanhi ng SUDC, may ilang mga posibilidad.
Inilista ng NORD ang ilang posibleng dahilan para sa biglaang hindi maipaliwanag na pagkamatay ng isang bata.
- Ang ilang batang may family history ng febrile seizures. Ang mga kombulsyon na biglaang nagpapataas ng temperatura ng katawan ng bata ay kadalasang dahil sa impeksiyon. Kaya kung ang bata ay may kamag-anak na may febrile seicures, naiuugnay ito sa SUDC ng bata.
- Minsan, ang epilepsy ang maaaring dahilan. Sa ganitong kaso, ang pagkamatay ay hindi inaasahan at biglaan. Ang postmortem reports ay hindi ibinabanggit ang anatomical o toxicological na rason.
- Sa ilan pang kaso, ang tonic-clonic seizure at maaaring magdulot ng SUDC. Ang mga ito ay terminal convulsions kung saan naninigas ang mga muscles at ang bata at maaaring dumaing o umiyak at magkaroon ng mga biglaang paggalaw. Kadalasan itong tumatagal nang isa hanggang tatlong minuto, ngunit kung tumagal ng mahigit limang minuto, dapat isugod ang bata sa ospital.
- Isa pang maaaring dahilan ay ang underdeveloped brain. Kung mayroong subtle na abnormality sa utak, maaari itong magdulot ng SUDC.
Bagaman may mga pagsusuri tungkol dito, importanteng malaman na hindi pa tunay na tiyak ang sanhi ng SUDC. Ngunit kung mayroong family history ng kundisyon na ito, mabuting ipasuri agad ang iyong anak sa espesyalista.
Photo by Annie Spratt on Unsplash
Sintomas
Base sa mga karaniwang hinihinalang mga sanhi ng biglaang pagkamatay ng bata, pinapayo ng NORD na bantayan ang mga sintomas ng seizures. Karamihan kasi ng kaso ng SUDC ay walang nakikitaang sakit ang bata.
Ayon sa NORD: “Most were born as full-term singletons and their development was considered normal. Children were in their state of usual good health prior to death, or had mild symptoms of illness such as cold symptoms or fever. Some children with SUDC had a history of febrile seizures, or a family history of febrile seizures.”
Dagdag pa ni Dr. Henry Krous, former director of the San Diego SUDC research project (2001 to 2012), “At the present time, there is no way to prevent SUDC as its cause(s) is not known. It is hoped that future research will identify means by which SUDC can be prevented. If and when risk factors are identified, such as prone sleep position for SIDS, then one might anticipate reduction in the risk of SUDC.”
Nauugnay na komplikasyon at sintomas
Ang mga sintomas ng mga sakit ay maaaring maghalintulad sa biglaang pagkamatay ng bata. Makakabuting bantayan din ang mga ito. Ipinaliwanag ng NORD na ang mga sakit na ito ay:
1. Sudden Unexpected Death in Epilepsy (SUDEP)
Ito ay non-traumatic at biglaang pagkamatay ng bata o matanda na may epilepsy. Sa ganitong kaso, ang autopsy ay walang ipinapakitang anatomical o toxicological na sanhi ng pagkamatay.
Dapat bantayan ang mga batang may abnormal na electrical heart rhythms at dalhin sila sa regular na checkups. | Image courtesy: Pixabay
Maaari itong mangyari sa masiglang bata, at ang pagkamatay ay nangyayari nang mabilisan. Ayon sa NORD, “Bawat taon, mahigit 1 sa 1,000 tao na may epilepsy ay namamatay dahil sa SUDEP. Subalit, masamadalas itong nangyayari sa mga may seizures na hindi gaanong kontrolado.
Ang mga sanhi sa SUDEP ay maaaring kahit ano sa mga sumusunod:
- Pagkabara sa daluyan ng hangin, lalo na kung ang mukha ng bata ay nakatutok pababa ng kama
- Pagtigil ng paghinga
- Pagkakatoon ng tubig sa baga matapos ang seizure
- Ang mga may abnormal na electric heart rhythms
2. Sudden arrhythmia death syndromes (SADS)
Ito ay mga namamanagn kondisyon sa puso at kadalasang nangyayari sa mga bata at maging sa mga young adults. Ang magandang balita ay nagagamot ito ng mga duktor, at naiiwasan ang pagkamatay.
Dahil ang SADS ay dulot ng genetics, kadalasan itong napapasa mula sa mga magulang. Ayon sa NORD, “bawat bata ng apektadong magulang ay may 50% na posibilidad na mamana ang kondisyon.”
Ngunit, ang sakit na ito ay may specific na sintomas na dapat bantayan.
- Family history ng SADS. Kilalanin nag mga miyembro ng pamilya na nasuring may SADS at maging pangyayari kung saan nagka-SUDC ang mga bata sa pamilya.
- Pagkawala ng malay. Kung mapansin na madalas mawalan ng malay ang bata, o, kung may kamag-anak na ganito, dapat itong ipaalam sa duktor. Madalas itong nangyayari kung ang electrical system ay hindi gumagana nang maayos. Nagiging sanhi ito ng abnormal na rhythm ng tibok ng puso.
3. Metabolic errors
Ang ikatlong nauugnay na komplikasyon na maaaring maging sanhi, o naiuugnay sa SUDC, ay ang inborn na metabollic error. Ito ay bihirang genetic disorder. Dito, hindi kaya ng katawan na tamang gawing enerhiya ang tinatanggap na pagkain.
Sa paliwanag ng NORD, “Ang mga disorder na ito ay kadalasang dulot ng defects sa specific na proteins (enzymes) na tumutulong sa paggawang enerhiya ng mga pagkain.”
Pag-iingat
Sa kasamaang palad, dahil sa nature nito, ang pag-iwas sa SUDC at halos imposibleng gawin. Subalit, ayon kay Dr. Krous, may pag-asa dahil maaring maging maingat ang mga magulang.
“Sundin ang mga rekumendasyon ng mga pediatrician, kabilang ang tamang pagpapacheck-up, pagtanggap ng mga bakuna, at pagkuha ng tamang pag-aalaga,” payo ni Krous.
Kakaunti man ang nalalaman tungkol sa biglaang hindi maipaliwanag na pagkamatay ng bata, kailangang intindihin na nangyayari ito. Kailangang maging talagang maingat pagdating sa kalusugan at kaugalian ng bata sa kanyang pag-laki.
Mas mabuti nang maging ligtas kaysa magsisi–bigyan ang sarili ng tamang impormasyon sa pangyayaring ito.
Sources: Babble, SUDC, Rare Diseases, NCBI, Centres for Disease Control and Prevention
Basahin: Could circumcision in babies increases the risk of SIDS?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!