X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Ina Raymundo proud of daughter Mikaela Jade for graduating middle school: “We always believe in you.”

5 min read

Ina Raymundo, proud mom sa achievements ng kaniyang three older kids. Pangatlo niyang anak na si Mikaela, naka-graduate na sa middle school at ready nang pasukin ang high school life.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Graduation ng pangatlong anak ni Ina Raymundo
  • Pagiging proud mom ni Ina Raymundo sa achievement ng kaniyang 3 older kids
  • Kilalanin ang masayang pamilya ni Ina

Graduation ng pangatlong anak ni Ina Raymundo

Ina Raymundo proud of daughter Mikaela Jade for graduating middle school: We always believe in you.

Larawan mula sa Instagram account ni Ina Raymundo

Para sa aktres na si Ina Raymundo, tila kay bilis ng takbo ng panahon. Dahil ang pangatlo niyang anak na si Mikaela ay naka-graduate na ng middle school at naghahanda ng makapasok sa high school.

Ang ilang tagpo sa graduation ng anak ay ibinahagi ni Ina sa kaniyang Instagram account. Kalakip nito ang maikling mensahe ng aktres para sa anak niyang si Mikaela.

 
View this post on Instagram
  A post shared by Ina Raymundo (@inaraymundo95)

“Just like that, in a blink of an eye, my baby no. 3 moves on from middle school to high school. Congratulations Mikaela Jade!”

Ito ang pagbati ng aktres na sinabi pang sa high school ay alam niyang magi-excel ang kaniyang anak. Kaya payo niya dito magpatuloy na abutin ang mga pangarap niya at makakilala pa ng maraming kaibigan. At sila ng kaniyang mister na si Brian Portunak ay lagi lang nakasuporta at nagmamahal kay Mikaela.

“High school will be when your presence is felt. You will slay your dreams, meet new friends and will keep reaching for new highs.”

“We always believe in you. Mom & dad love you so much.”

Ito ang mensahe pa ni Ina sa anak niyang si Mikaela.

Ina Raymundo proud sa achievement ng kaniyang 3 older kids

ina raymundo with husband and kids

Larawan mula sa Instagram account ni Ina Raymundo

Samantala nito namang nakaraang linggo ay grumaduate rin ang pangalawang anak ni Ina Raymundo sa high school. Ang graduation ng only son niyang si Jakob ay dinaluhan ng kanilang buong pamilya.

Nag-share ang aktres ng ilang tagpo sa naging graduation nito at siyempre ng kaniyang maikli ring mensahe para sa bagong milestone ng anak.

“Way to go son, @JakobPoturnak! Just like you said, high school was easy but brace for university & some intense baseball! We’ll always be proud of you. Your sisters, mom and dad love you so much! Congratulations Jakob!”

Si Ina, super proud rin sa anak na si Jakob dahil sa napili itong maging miyembro ng Division 1 baseball team ng Xavier University sa Cincinnati, Ohio. Ito ang pinakamataas na intercollegiate athletics level ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa United States.

Sa kaniyang Instagram noong nakaraang taon ay ibinahagi ng aktres ang magandang balita at kung gaano siya ka-proud sa achievement na ito ng kaniyang only son.

“After many years of hard work and dedication to baseball, my son is now officially a Xavier Musketeer. To be playing D1 college baseball is one of the best achievements in your life, Jakob. We are so proud of you.”

Pero pagbabahagi pa niya, ito ay hindi magiging posible kung wala ang suporta ng kaniyang mister na si Brian sa hilig na ito ng anak.

“But of course, this wouldn’t be possible without the 101% support you get from your dad. I’ve witnessed the best teamwork between the two of you.”

 
View this post on Instagram
  A post shared by Ina Raymundo (@inaraymundo95)

Nito lang ding nakaraang taon, ang panganay ni Ina na si Erika Rae ay lumipad patungong US para doon mag-aral ng kolehiyo. Siya ay natanggap na maging bahagi ng Berklee College of Music sa Boston, Massachusetts.

Si Ina bagamat malungkot sa pagkakawalay ng anak sa kanilang pamilya, suportado niya ito sa bagong chapter ng buhay ni Erika bilang isang college student.

“It’s bittersweet to see my firstborn leave for college. Well, goodbye for now @erikarae.p. We will miss you and your craziness. We love you, ate and we wish you all the best.”

Ito ang mensahe ng aktres sa kaniyang panganay na si Erika Rae.

BASAHIN:

Candy Pangilinan sobrang nag-worry nang mawala ang kaniyang anak sa kanilang jogging

Lara Quigaman dismayado sa mga taong naghihintay na magkahiwalay sila ni Marco Alcaraz

LOOK: Angel Locsin at Bea Alonzo may surprise baby shower para kay Dimples Romana!

Kilalanin ang masayang pamilya ni Ina Raymundo

ina raymundo with husband and kids

Larawan mula sa Instagram account ni Ina Raymundo

Si Ina Raymundo ay ikinasal sa Canadian-Ukranian businessman na si Brian Poturnak noong 2003. Sila ay may limang anak na sina Erika, Jakob, Mikaela, Anika, at Minka.

Ang dalawa niyang anak na sina Erika at Jakob ay kapwa nasa kolehiyo na. Habang ang pangatlo niyang anak na si Mikaela ay kakatapos lang ng middle school. Ang pang-apat niyang anak na si Anika na kamukhang-kamukha ng aktres ay mukhang may future naman daw sa ballet.

At ang bunso niyang si Minka, hindi naman magpapahuli sa cuteness at good looks tulad ng kaniyang mga ate at kuya. Ito ay mahilig rin sa music at nagpapakita ng galing sa pagtugtog ng piano sa mura pa nitong edad.

Sa isa paring Instagram post ni Ina nitong nagdaang Mother’s Day ay nagpasalamat siya sa mister na si Brian. Dahil sa pamamagitan daw nito ay naging ina siya sa limang nilang magagandang anak.

“I’d like to thank this man who ‘helped’ me become a mom to five amazing kids. Motherhood is the BEST thing that ever happened to me.”

Ito ang thank you message ni Ina Raymundo sa mister niyang si Brian Portunak.

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Ina Raymundo proud of daughter Mikaela Jade for graduating middle school: “We always believe in you.”
Share:
  • Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

    Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

    Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.