Precious Lara Quigaman nalulungkot sa mga hiwalayang nagaganap sa mga showbiz couple. may asawa tips para sa mga magkarelasyon.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Reaksyon ni Precious Lara Quigaman sa mga hiwalayang nagaganap sa mga showbiz couple
- Lara Quigaman asawa tips at payo sa mga mag-asawang dumadaan sa pagsubok ang pagsasama
Reaksyon ni Precious Lara Quigaman sa mga hiwalayang nagaganap sa mga showbiz couple
Nagbabakasyon ngayon sa Europa ang mag-asawang sina Marco Alcaraz at Lara Quigaman. Pero magkaganoon man ay hindi sila nakawala sa mga nagaganap na hiwalayan issues ngayon sa ilang showbiz couples. Kuwento pa nga ni Lara sa pinaka-latest niyang Instagram post ay kahit sila ay sinabihang maghihiwalay din tulad ng ibang mga artista.
“Hintay lang kayo, next year, hiwalay na din kayo.”
Ito daw ang komento ng isang netizen sa isa sa mga social media accounts ni Lara na talaga namang ikinalungkot niya.
“Recently, ang daming balita ng hiwalayan, away, etc. Nakakalungkot, pero mas nakakalungkot na maraming tao are making memes and jokes out of it and what’s worse, others pa are waiting for other relationships to fail!”
Ito ang sabi pa ng dating beauty queen sa kaniya namang Instagram post.
Naka-relate nga rin daw siya sa mga memes ngayon ng mga male celebrities na umiyak sa kasal nila at kalaunay nauwi sa hiwalayan din ang relasyon sa kanilang misis. Dahil si Marco, umiyak at napahagulgol rin daw sa kanilang kasal.
“Marco cried on both of our weddings, sa unang kasal pa nga namin sa Vancouver, humagulgol siya. Does that mean — maghihiwalay kami dahil lang umiyak ang asawa ko sa kasal namin? And are some people really waiting and hoping for that to happen?”
Dalawang beses ikinasal sina Lara at Marco. Una, sila ay ikinasal sa pamamagitan ng civil wedding ceremony sa Vancouver, Canada noong 2011. Sa sumunod na taon ay ikinasal naman sila dito sa Pilipinas sa pamamagitan ng isang Christian wedding ceremony.
Makalipas ang 12 taon ay going strong pa rin ang pagsasama nina Marco at Lara. Ito ay sa kabila ng mga differences nilang mag-asawa na ayon kay Lara ay hindi talaga maiiwasan. Ang sikreto nila sa masaya at strong nilang relasyon ay ang gawing sentro ang Diyos sa kanilang pagsasama.
“Marriage is not easy. Marco and I have been married for almost 12 years—but we always pray and ask God to cover our relationship, we pray that we will never be complacent and think we are alright when we are not.”
“We are not perfect and we know that there will be temptations and challenges all the time and we can only rely on God’s grace to keep us from falling and failing.”
BASAHIN:
Lara Quigaman shares asawa tips: “Look back and remember how you were before, what you love about each other.”
Mikee Morada willing to forgive Alex Gonzaga even if she cheats: “Mag-asawa na tayo, may commitment ako sa’yo.”
Anne Clutz nakaranas ng depression habang buntis: “Nag-shut down ako. Talagang hindi ako lumalabas ng kwarto.”
Asawa tips mula kay Lara Quigaman at Marco Alcaraz
View this post on Instagram
May payo rin ang dating beauty queen sa mga mag-asawang sinusubok ngayon ng problema ang pagsasama. Ang sabi niya tulad nila ay ipaubaya sa Diyos ang anumang pagsubok na nararanasan.
“For those who are going through challenges in their married life—God is gracious, give your frustrations and heartaches to Him. Nothing is too broken for Him to restore and make whole again, nothing too impossible for Him to fix.”
Dagdag niya pa, para masigurong happy ang inyong family, hindi lang daw dapat si misis ang happy. Dapat ring masiguro na naibibigay rin ang best para sa happiness ni mister.
“Marriage is not 50/50. It’s 100/100. You both have to give it your all. A happy life is not just because of a happy wife, dapat parehong happy.”
Kuwento pa ni Lara sa hiwalay niyang Instagram post, ang pagkakainis minsan sa iyong asawa ay bahagi lang ng inyong relasyon. Kaya huwag itong masyadong dibdibin. Dahil normal lang ang mga moments na ito na matutunan ninyo ring makasanayan.
“Sometimes when you are annoyed at each other, it could just be that you are hungry, exhausted or something else and just venting it out on your spouse, so relax, you don’t hate each other and your relationship is not on the rocks.. it is normal to have ‘moments’ like these, it will pass and everything will be alright.”
Ito ang tip pa mula kay Precious Lara Quigaman.
Ang mister niyang si Marco, hindi rin syempre papatalo sa pagbibigay ng tips sa mg mag-asawa. Paalala niya nga sa mga mister ay ito.
“Always remember to never stop dating your wife.”
Matatandaang maliban dito ay minsan na ring hinangaan ng marami si Marco lalo na ng mga kababaihan ng mag-celebrate ng 37th birthday si Lara noong 2020. Dahil sa birthday message ni Marco nakasaad ang linyang lahat ng misis ay kikiliging mabasa o marinig mula sa kanilang mister.
“To The Best Wife, Best Mom, Best Daughter, Best Friend, Best Actress. Happy Happy Birthday!! Enjoy your working birthday and continue to inspire people. We Love you and marami nagmamahal sayo.”
“P.S. ATM ko nasa wallet mo pa kaya withdraw ka lang at bilin mo kahit ano gusto mo.”
Sabi ng maraming misis, sana all may Marco!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!