Si Candy Pangilinan ay kilala bilang isang aktres at komedyante, ngunit bukod dito ay isa rin siyang butihing ina sa kaniyang son na si Quentin.
Makikita sa artikulo na ito ang mga sumusunod:
- Son ni Candy Pangilinan biglang nawala
- Pag-aalaga ni Candy Pangilinan sa kaniyang anak
Larawan mula sa Instagram account ni Candy Pangilinan
Son ni Candy Pangilinan biglang nawala
Sa isang vlog na inilabas ni Candy Pangilinan nitong Hunyo 2022, kasama niya ang kaniyang anak na si Quentin. Makikita ang ginagawa nilang pag-jogging sa UP Diliman Campus. Sa mga unang bahagi ng vlog ay aktibo si Quentin sa paglalakad at nauunahan ang kaniyang ina.
Nang mahabol ni Candy Pangilinan ang kaniyang son na si Quentin, pinaalalahanan niya itong suotin ang kaniyang mask. Tuloy-tuloy rin naman sa kaniyang paglalakad si Quentin kung kaya nagsabi na si Candy na hintayin siya nito.
Sinubukan ni Candy na pahintuin muna ang kaniyang anak, ngunit dahil sa sobrang pagiging energetic nito ay hindi ito matigil sa paglalakad.
Habang sila ay nageehersisyo, kinuwento ni Candy Pangilinan ang nangyari kung saan may ilan daw na tao na pinagtatawanan ang kaniyang anak. Si Quentin ay diagnosed na may autism at ADHD. Aniya, nagsasalitang mag-isa si Quentin nang bigla nilang makasalubong ang mga hindi makaintindi sa kalagayan ng kaniyang anak.
“So naka-encounter po kami kanina ng mga tao na, may mga tao na nagsasalita si Quentin habang naglalakad mag-isa, pinagtatawanan siya.”
Ayon kay Candy Pangilinan, kapag may tumatawa sa kaniyang son ay hindi na lang niya ito pinapansin. Hindi rin naman daw napapansin ng kaniyang anak ang mga ganoong pangyayari.
“So ‘pag may mga ganoon ho at nakikita niyo po, sa totoo lang sila naman wala silang pakialam eh. Hindi naman nila napapansin yon. Tayo ang nakakapansin, tayong pamilya or parents. Okay lang ho yon.”
Larawan kuha mula sa screenshot ng vlog ni Candy Pangilinan
BASAHIN:
Hasna Cabral sa pagkakaroon ng 2 anak na may autism: “Walang halong kaplastikan, nagko-compare ako sa kids na iba.”
Aubrey Miles sa pagkakaroon ng anak na may autism: “Yes, it’s mental but not a problem.”
REAL STORIES: “Hilig ng anak kong ilinya ang mga laruan niya—senyales na pala ‘yon ng autism”
Matapos nito ay ilang beses ding sinabi ni Candy Pangilinan na ang bilis ng kaniyang anak sa paglalakad. Dahil sa hawak ni Quentin ang kaniyang cellphone at kinuhaan din ang ina, sinabihan ni Candy ang anak na mag-vlog ito mag-isa.
Mapapansin din na marunong si Quentin na huminto sa paglalakad kapag may dumadaan na kotse. Kaya naman pinuri siya ni Candy sa pag-iwas nito sa kapahamakan.
“Good Job! Kita niyo yung ginawa niya? Tumigil siya kasi may kotse. Good job, Quentin!”
Ngunit sa parehong vlog din noong madilim na ay may nakabibiglang sinabi si Candy Pangilinan. Aniya, nawawala pala ang si Quentin matapos itong mahiwalay sa kanila. Bakas ang kaba sa boses ni Candy.
“Guys, hindi ko na makita si Quentin. Bigla siyang nawala.”
Para makita si Quentin ay humingi na sila ng tulong sa mga rumorondang nakasakay sa bike sa loob ng campus. Tuloy din ang paglalakad ni Candy habang sinisigaw ang pangalan ni Quentin sa pagbabakasaling marinig ito ng kaniyang anak.
Habang siya ay naglalakad, may tumawag sa kaniya at napanatag na ang kaniyang loob. Ito ay matapos na makita na ang kaniyang anak.
“Tinawagan na ako! Nakita na raw si Quentin!”
Kaya naman isa sa lesson na natutunan ni Candy ay hindi sila dapat abutin ng dilim kapag sila ay nage-exercise sa labas ng kanilang bahay. Magse-set na rin siya ng kanilang meeting place tuwing lalabas sila ni Quentin para maiwasan na ang kaparehong pangyayari.
Pag-aalaga ni Candy Pangilinan sa kaniyang anak
Bukas si Candy Pangilinan sa kalagayan ng kaniyang anak na si Quentin. Nagbibigay rin siya ng tips para sa ilang mommy na may mga anak ding nasa autism spectrum.
Sa isang vlog ni Candy Pangilinan, kaniyang pinakita ang kaniyang ginagawa para mapakalma si Quentin sa tuwing ito ay nagta-tantrums.
Ayon kay Candy, mahalagang maparamdam sa anak na mali ang ginagawa nito sa tuwing may episodes ng meltdown. Ito ay para matulungan din si Quentine na ma-process ang kaniyang emotions.
Larawan mula sa Instagram account ni Candy Pangilinan
“Talk to your child like a grown up. Help them process their emotions.”
Ilan sa mga posibleng dahilan na nakikita niya tuwing nagkakaroon ng tantrums si Quentin ay dahil kulang ito sa tulog. Posible ring hindi ito komportable dahil sa init ng panahon. Pinaliwanag din ni Candy Pangilinan na kaya nagkakaroon ng tantrums si Quentin ay dahil hindi niya alam kung papaano ie-express ang nararamdamang emosyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!