Para sa maraming ama, natural na maging protective sila sa kanilang mga anak na babae. Ngunit para sa isang ama, sa halip na pangalagaan ang anak ay inabuso pa niya ito.
Ito ay dahil ikinulong niya ang sarili niyang anak, upang makapaghiganti raw sa kaniyang ex-wife na ina ng bata. Ating alamin ang iba pang mga detalye ng kuwentong ito.
Baby, inabuso sa pamamagitan ng pagkulong sa hawla
Nangyari raw ang insidente sa China, kung saan nagpadala raw ng mga letrato ang ama sa ina ng bata at ipinakitang kinukulong niya ito sa hawla.
Bukod dito, binubugbog rin daw siya ng kaniyang dating asawa noong sila ay nagsasama pa. Ayon sa ina ng bata ay ilang beses na raw siyang nagreklamo sa mga pulis, ngunit hindi raw sila umaaksyon. Madalas raw ay pinagsasabihan lang ang kaniyang dating asawa, at hindi ito ikinukulong.
Nagpadala rin daw ng larawan ang dati niyang asawa na ipinakitang sinasaktan at binubugbog ang kaawa-awang bata.
Matapos ibahagi ng ina ang kaniyang kuwento ay mabilis itong kumalat sa social media. Dahil dito, inimbestigahan na ng mga awtoridad ang pangyayari, at nahuli rin ang kaniyang dating mister. Umamin naman ito na ikinukulong raw niya ang bata upang gumanti sa kaniyang dating misis.
Paano iiwasan ang pang-aabuso ng bata?
Heto ang ilang mga bagay na dapat tandaan ng magulang pagdating sa child abuse:
- Kapag nakakita ka ng senyales ng pang-aabuso, huwag mag-atubiling lumapit sa mga pulis
- Protektahan ang mga batang sinasaktan o minamaltrato ng kanilang mga magulang
- Kapag mainit ang iyong ulo sa iyong anak, magpalamig muna bago sila kausapin o pagsabihan
- Huwag na huwag pagbuhatan ng kamay ang iyong anak
- Iwasan ring sigawan ang iyong anak
- Turuan ang iyong mga anak na maging mapagmahal at mapag-unawa ng iba
- Tandaan, hindi pa lubos na naiintindihan ng mga bata ang kanilang mga ginagawa. Kaya’t mahalagang intindihin at unawain sila.
Source: NOC
Basahin: 3-taong gulang, itinuro ang kaniyang daddy na nangmolestiya sa kanya
Image: NOC
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!