X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

3-taong gulang, itinuro ang kaniyang daddy na nangmolestiya sa kanya

3 min read
3-taong gulang, itinuro ang kaniyang daddy na nangmolestiya sa kanya

Lumabas sa medical certificate na may nakitang laceration sa ari ng biktima.

Isang 3-taong gulang na batang babae ang walang takot na nagsumbong na siya ay minolestiya ng kaniyang ama sa kanilang tahanan sa Laoac, Pangasinan. Walang kaalam-alam ang bata na ginagawan na siya ng kahalayan ng kaniyang ama.

minolestiya ng kanyang ama

Minolestiya ng kaniyang ama

Natuklasan ng mga tagapag-alaga ng bata ang sekswal na pang-aabuso nang mapansin nila na tila may kakaiba sa ari ng bata na itinago sa pangalang “Monique.”

Tinanong nila ang bata kung ano ang nangyari sa kaniya. Isinumbong at ipinakita ni Monique ang lahat ng ginawa ng kaniyang ama sa kaniya.

“Talagang ‘yon ang sabi ng bata, e. Maski balik-baliktaran mo ‘yon, ‘yon ang sinasabi niya talaga, e. ‘Sinong gumawa sa ‘yo?’ ‘Ito, ito, ito, papa ko,’ papa ko sabi niya, e,” sabi ng tagapag-alaga.

Agad na humingi ng tulong sa pulisya ang mga tagapag-alaga at naaresto ang 43-taong gulang na ama ni Monique.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, sinabing lasenggero ang ama ni Monique.

“Laging umiinom, laging lasing pagkagaling sa pagtitinda,” sabi ng deputy chief ng Laoac PNP na si Police Lieutenant Geronimo Mamaril.

Todo tanggi naman ang ama ni Monique sa akusasyon sa kaniya.

“Hindi ko ginawan ng masama ang anak ko, sir. At saka hindi ko puwedeng gawin sa anak ko dahil mahal na mahal ko ‘yung anak ko na ‘yon,” giit niya.

“Sa kaniya ko inilaan ang buhay ko kahit na hirap na hirap ako sa pagha-hanapbuhay para bigyan ko siya ng magandang kinabukasan.”

Lumabas sa medical certificate ni Monique na may nakitang lacerations sa ari niya, indikasyon na siya ay minolestiya ng kanyang ama.

“Kakasuhan po natin siya ng rape in relation to republic act 7610,” sabi ni Deputy chief Mamaril.

Napag-alamang nagtatrabaho ang ina ni Monique sa Pampanga kaya inaayos na ang mga kaukulang dokumento ng bata upang pansamantalang mailipat siya sa kustodiya ng DSWD Pangasinan.

Paano malalaman ang senyales ng sekswal na pang-aabuso sa bata?

Ang mga batang sekswal na inabuso ay malamang na hindi makipag-usap tungkol sa mga nangyayari sa kanila dahil ikinahihiya nila ito. Maaari rin na sila ay pinagbabantaan ng umaabuso sa kanila o sila ay bine-brainwash upang manahimik sila.

Kaya paano mo malalaman ang mga senyales ng sekswal na pang-aabuso sa bata? Narito ang ilang senyales na dapat mong bantayan.

Mga senyales ng sekswal na pang-aabuso sa bata:

1. Biglaang pagbabago sa pag-uugali. Kung napansin mong umuurong, masyadong clingy o biglang nagiging agresibo ang bata, ito ay isa ng senyales.

Maaari rin silang maghirapan sa pagtulog, hindi napipigilang maihi sa higaan, o nagkakaroon ng masasamang panaginip.

2. Iniiwasan ang taong nang-abuso sa kanila. Ang bata ay maaaring magsimulang magpakita ng pagkamuhi sa taong umabuso sa kanila o natatakot sa isang partikular na tao at umiiwas silang makasama ito.

3. Malaswang pag-uugali. Ang mga batang inabuso ay maaaring magsimulang gumamit ng mga malalaswang salita o magpakita ng kalaswaan sa iba.

4. Nagbibigay ng mga palatandaan. Ang ilang bata ay maaaring magbigay ng ilang palatandaan na sila ay naaabuso. Maaaring ang iba sa kanila ay magsabi ng totoo sa iyo.

Mahalagang imbestigahan at huwag ipawalang-saysay ang anumang sinasabi ng bata.

 

Source: GMA News Online

Images: Shutterstock

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

BASAHIN: Daddy, minolestiya ang 3 anak na may edad 5, 3 at 1 taon 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Yddette Civ Alonzo-Cruz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • 3-taong gulang, itinuro ang kaniyang daddy na nangmolestiya sa kanya
Share:
  • Tatay huli sa video na minomolestya ang anak sa loob ng tren

    Tatay huli sa video na minomolestya ang anak sa loob ng tren

  • Pang-aabuso sa 1-anyos, nakunan sa video

    Pang-aabuso sa 1-anyos, nakunan sa video

  • 3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

    3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

  • Tatay huli sa video na minomolestya ang anak sa loob ng tren

    Tatay huli sa video na minomolestya ang anak sa loob ng tren

  • Pang-aabuso sa 1-anyos, nakunan sa video

    Pang-aabuso sa 1-anyos, nakunan sa video

  • 3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

    3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.