13-anyos nabuntis ang kaniyang 15-anyos na kapatid

13-anyos nabuntis ang kaniyang 15-anyos na kapatid

Dahil sa kaso ng incest, inaresto ng mga pulis ang isang 13-anyos na binatilyo.

Incest ang tinatayang kaso ng isang binatilyo ng arestuhin ito matapos magsilang ng isang sanggol ang kaniyang kapatid na babae sa kanilang banyo sa Kampar, Malaysia.

Ang binatilyo ay may edad na 13-anyos samantalang ang kaniyang kapatid na babae ay 15-anyos na nabuntis at nanganak nang hindi nito alam.

Alamin kung ano ang incest at ang kaukulang parusa rito.

Image from pixabay

Kaso ng incest

Ayon sa report ng Kampar OCPD Supt. na si Hasron Nazri Hashim, ay nakaramdam daw ng sakit sa tiyan ang batang babae na inakala niyang sakit ng tiyan kaya ito nagpunta ng banyo. Dahil sa sakit ay sumigaw at humingi ito ng tulong sa kaniyang ina. Dito tumakbo at nakita ng kaniyang ina ang duguan niyang anak at ang baby sa toilet bowl na agad namang sinugod sa ospital.

Kaugnay nito ay napag-alaman na ang batang babae ay nagsimulang tumigil sa pag-aaral noong siya ay katorse anyos pa lamang at umaming sila ay nagtatalik ng kaniyang kapatid na lalaki nang maraming beses na. ito ay kanilang ginagawa sa loob ng isang kuwarto sa loob ng kanilang bahay noong Mayo ng taong kasalukuyan.

Ngunit hindi alam ng batang babae na siya ay nagdadalang-tao dahil wala naman siyang naramdamang sintomas nito, ayon parin kay Supt Hasron Nazri.

Ang batang babae ay ginagamot sa Raja Permaisuri Bainun Hospital matapos mawalan ng maraming dugo habang nanganganak. Ligtas naman ang sanggol na isinilang nito na isang baby girl ngunit patuloy paring sinusuri sa tinamo nitong head injury dahil sa pagkakalaglag sa toilet bowl ng ito ay isilang.

Samantala, nahaharap naman sa kasong incest ang kaniyang kapatid na lalaki.

Ang incest ay ang pagkakaroon ng sekswal na relasyon o pakikipagtalik ng isa sa isa pang miyembro ng pamilya hanggang sa ikaapat na degree. Tulad ng pakikipagtalik ng ama sa kaniyang anak na babae at ang kapatid na lalaki sa kapatid niyang babae. Tinatawag namang incest rape ang isang kaso ng incest kung ito ay ginamitan ng dahas o labag sa kagustuhan ng isa sa mga gumagawa nito.

Ayon sa isang pag-aaral noong 1994 ng Crimes Against Children Research Center sa US, lumabas na mas marami ang bilang ng babaeng biktima ng incest o intrafamily sexual abuse kumpara sa mga lalaki. Nasa 33-50% ng mga suspek ng kasong incest sa mga babae ay miyembro ng kanilang pamilya. Samantalang 10-20% naman sa mga biktimang lalaki ay gawa ng malapit na kamag-anak o intrafamily member.

Incest sa Pilipinas

Sa Pilipinas, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) mula 2011-2016 ay mayroong tinatayang 2,770 kaso ng incest sa loob ng 7,418 na biktima ng sexual abuse. Ang bilang na ito ay nagbabago sa pagitan ng 400 to 500 na biktima taon-taon. Karamihan nga sa mga biktima nito ay mga batang babae na may gulang na 14-17 years old, ngunit may mga naitala ring kaso sa mga batang limang taong gulang pababa.

Ang mga bilang na ito ay ang mga kaso lamang na nai-report sa kanila ayon sa DSWD. Karamihan kasi ng mga biktima ng incest ay natatakot at nahihiyang magsalita tungkol sa pinagdaan o pinagdadaanan nila. Dagdag pa rito ang hindi maayos na pagbibigay impormasyon at koordinasyon mula sa mga government agencies at iba pang sangay nitong opisina.

Ayon sa isang pag-aaral ng University of Barcelona noong 2009, in-emphasized nito ang dami ng mga kaso ng incest sa Pilipinas na hindi nai-report o naipaalam sa kinauukulan. Kumpara sa 34.4% ng reported incest cases sa Africa, at 92.2% ng naitalang kaso sa Europe. Samantalang ang Asia at America naman ay mayroong 10.1% at 23.9% ng naitalang kasi ng incest sa kabuuan.

Sa ngayon ay walang batas ang legal na tumutukoy sa incest rape. Ito ay bumabagsak parin sa kategorya ng rape na may karapatang parusa na hanggang sa habang-buhay na pagkabilanggo.

Ang Anti-Rape Law of 1997 o RA 8353 ay ang batas na kasalukuyang sumasaklaw ritp. Sa ilalim nito ay mga kondisyon na kailangang mapatunayan upang mahatulan ang isang taong nakagawa ng kasalanan sa batas na ito. Isa sa mga kondisyon ay ang mapatunayang ang nangyari ay hindi consensual o hindi kagustuhan ng isa’t-isa.

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may pinakamababang edad sa pagbibigay ng sexual consent o ang legal na edad upang maisip kung tama o mali ang kanilang ginagawa. Ang rekomendadong edad ng pagbibigay ng sexual consent sa Pilipinas ay 12 years old. Ito rin ay nangangahulugan na ang pakikipagtalik sa mga batang may edad na dose anyos ay hindi isang kaso ng statutory rape o pakikipag-sex sa isang minor.

Ang Anti-Rape Law ay may nakatakda ring parusa depende sa uri ng rape na naganap. Kung ito ay anal o oral rape ang hatol ay labing-dalawang taon na pagkabilanggo. Samantalang ang vaginal rape naman ay may parusang habang-buhay na pagkabilanggo at hindi napapyansahan.

Ayon naman sa Philippine Family Code, ang mga incest marriages naman hanggang sa ika-apat na degree ay void na mula pa lamang sa umpisa.

 

Sources: Asia One, Psychology Today, Victims of Crime, The Asian Parent Philippines, Inquirer, Rappler

Basahin: Incest cases in the Philippines: Why do victims rarely find justice?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner